Isang lalaki ang nagbulontaryong runner sa palengke at botika ng kanyang mga kabarangay.

Isang lalaki ang nagbulontaryong runner sa palengke at botika ng kanyang mga kabarangay. Trending ngayon sa social media ang kahanga hangang ginagawa ni Fil. Dahil sa facebook post ni Janine Maurice Humarang (May-ari ng Jhum Pharmacy kung saan namili si Fil) maraming mga netizen ang humanga kay Fil.

Mga Larawan ay mula sa Facebook post ni Janine Maurice Humarang


Dahil nga sa ipinapatupad na total lockdown sa buong Luzon, iniutos na magkaroon ng enhanced community quarantine sa bawat bayang nakapaloob dito. Sa pamamagitan daw nito ay maiiwasan ang pagkalat ng virus na nagreresulta sa COVID-19 sapagkat mananatili ang mga mamamayan sa kani-kanilang bahay.

Kaya naman minabuti ng isang barangay sa Batangas na magtalaga ng isang runner para mamili ng mga importanteng kakailanganin ng bawat pamilya sa kanilang barangay.

Nakilalang si Fil Calanog ang magiting at kahanga hangang lalaking nag bulontaryo para ipamili ng mga importanteng kailangan ng kanyang mga ka-barangay.




Mga Larawan ay mula sa Facebook post ni Janine Maurice Humarang

Trending ngayon sa social media ang kahanga hangang ginagawa ni Fil. Dahil sa facebook post ni Janine Maurice Humarang (May-ari ng Jhum Pharmacy kung saan namili si Fil) maraming mga netizen ang humanga kay Fil.

Mga Larawan ay mula sa Facebook post ni Janine Maurice Humarang

Ito ang kwento ni Janine sa kanyang Facebook post:
" Eto si Kuya Fil ng San Luis, Batangas. Ang dami dami niya tanong nung una. Nagsisimula na akong mapikon. Nung nilapitan ko siya, ang dami niyang listahan na nilalabas sa bag niya. Tupi tuping papel.

Tinanong ko siya, “Kuya ano bang bibilin mo talaga? Ano ba yang mga yan?” Ang sagot niya sakin:

“Te, pasensiya ka na ako kasi taga bili ng barangay namin. Ako ang runner kaya ang dami. Isa lang ang napag usapan naming lalabas at ako yun ate.”

Biglang lambot ng puso ko...

“Ha? Eh pano yang mga papel na yan binibigay sayo?”

“Hindi te, dadaan lang ako sa bahay bahay nila at nakalista na mga kailangan nila bilin dito sa bayan.”

At nung nakita ko nga yung mga listahan niya, ang nakakatuwa sari sari ang mga nakalista. Meron pang isang kilong pusit, karne, sardinas tinapay daw yung loaf bread, meron pang maintenance ng mga senior citizen. Meron mga pang vitamins ng mga bata. Gamot para sa basic na sakit ng ulo, sipon lagnat at ubo. At madami pang ibang kung ano ano.

Sabi ko sa kanya, “gusto mo ba pagbukod bukodin natin ng supot at bayad para madaling ibigay at suklian?”

“Di na te, okay lang yan mababait naman tao dun.”

Sana sa panahon ngayon ganitong mga klaseng disiplina at pagkakaisa ang kailangan natin. Pag sinabi nilang lockdown at sa bahay lang, sa bahay lang talaga. Napaka huhusay ng mga ganitong tao, hindi nagiging hadlang ang mga sinasabing basic necessities nila para sumunod sa simpleng instruction lang.

May God bless you more and your barangay Kuya! Sigurado ako, ligtas kayo sa sakit."

Mag-iingat ka Fil at mabuhay ka!


Gawin niyo din ito sa inyong barangay upang maiwasan ang sabay sabay na paglabas.
Anung masasabi niyo sa kagitingan ni Fil?



source: Janine Maurice Humarang/Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Isang lalaki ang nagbulontaryong runner sa palengke at botika ng kanyang mga kabarangay.
Isang lalaki ang nagbulontaryong runner sa palengke at botika ng kanyang mga kabarangay.
Isang lalaki ang nagbulontaryong runner sa palengke at botika ng kanyang mga kabarangay. Trending ngayon sa social media ang kahanga hangang ginagawa ni Fil. Dahil sa facebook post ni Janine Maurice Humarang (May-ari ng Jhum Pharmacy kung saan namili si Fil) maraming mga netizen ang humanga kay Fil.
https://1.bp.blogspot.com/-wAW_95UUVGI/XpEIOCqko8I/AAAAAAAACfs/RILMIUKTDKYS4cf8ePD4g2w_h6YQv_4AwCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%25286%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-wAW_95UUVGI/XpEIOCqko8I/AAAAAAAACfs/RILMIUKTDKYS4cf8ePD4g2w_h6YQv_4AwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25286%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/isang-lalaki-ang-nagbulontaryong-runner.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/isang-lalaki-ang-nagbulontaryong-runner.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy