Mga biktima ng COVID-19 sa Ecuador, Nagkalat na sa kalye dahil hindi na maasikaso ng mga morgue sa dami.

“We are living in hell,” sabi ni Blanca Moncada, isang journalist sa El Diario Expreso sa Guayaquil. Inilarawan niya rin ang mga lokal na medical facilities bilang “resembling ‘war hospitals’.”


Source: Loopsider English

Ang mga larawang makikita at lumalabas mula sa Guayaquil, isang port city sa Pacific coast ng Ecuador, ay walang kasing lala sa iba pang panig ng mundo magmula pa noong nagsimula ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Mula nang lumala ang bilang ng mga namamatay sa mga ospital at morge, inaabandona na lamang ang mga labi ng mga taong namatay dahil sa naturang virus sa mga kalsada, o kaya naman ay hinahayaan na lamang itong mabulok at maagnas sa mga kabahayan, cargo trailers at sa mga parking lots. Ang amoy raw ng mga labing ito ay para raw “bile in the throat,” at ang mga grupo ng mga ibong buwitre (flocks of vultures) na lumilipad sa siyudad ay tila naghihintay nang tiyansa na makakain ng “human carrion.”

Hindi na rin daw kinakaya ng mga sementeryo ang palaki na palaking bilang ng mga taong namamatay. Kaya naman, ang iba raw sa mga ito’y inililibing na lamang sa mga “unmarked graves in outlying fields.” Ang ibang bangkay naman daw ay ipinupuslit na lamang ng kanilang mga kamag-anak sa mga military checkpoints, bilang mga “sleeping passengers” upang makalabas ang mga ito sa nasabing siyudad.


Dahil din daw sa kakulangan ng advanced technology at robust infrastructure ng kanilang mga First World counterparts, ang mga ospital at health centers sa Guayaquil “have been swamped by climbing infection rates” mula pa noong huling linggo ng Marso, na siya namang nag-iiwan sa mga karaniwang mamamayan to deal as best they can with dead and dying family members.”

Kumakalat na rin ngayon sa social media at naging laman ng iba’t ibang news outlets sa Latin America ang mga videos na nagpapakita ng pagsusunog sa mga bangkay sa mga kalsada – kahit na ang provenance ng public cremation clips na ito ay nananatiling kontrobersyal, at sinasabi ng mga mamamahayag sa Guayaquil na “they are not what they seem.” Ayon sa ilang reports, “fires were lit to draw attention to bodies, not to incinerate them.”


Nitong Lunes ay nagsimula nang mag-issue ang Ecuadorian government ng mga makeshift cardboard caskets, dahil nauubos na raw ang mga “traditional, more durable models.” May dalawang bagong sementeryo rin daw ang under construction, dahil ayon sa prediksyon ng mga eksperto, “the worst is yet to come” dahil inaasahang tataas pa ang bilang ng mga namamatay sa mga huling bahagi ng Abril.

“We are living in hell,” sabi ni Blanca Moncada, isang journalist sa El Diario Expreso sa Guayaquil. Inilarawan niya rin ang mga lokal na medical facilities bilang “resembling ‘war hospitals’.”

Ayon pa rin kay Moncada, “There are bodies stacked in freezers, corpses lining the corridors, even piled up outside the hospital.” Sobrang naapektuhan na rin daw ang mga reporters na nagko-cover ng krisis, na mayroon nang 14 infections at may apat nang namatay, kabilang ang mentor at kaibigan ni Moncada sa El Diario, na namatay ilang araw lamang ang nakalilipas. Sabi pa niya, marami raw siyang kakilala sa nasabing siyudad “who are much worse off than white-collar workers” tulad niya.

Ani pa ng nasabing journalist, “At least we can lock down and work from home. Many in the barrios don’t have that choice. For them it’s either go out to work or starve.”

Ang Guayaquil, ang pinakamalaking lungsod sa Ecuador, ang tila naging “epicenter” ng COVID-19 sa Latin America. Ayon sa ilang reports, inilarawan din ito as a kind of bellwether for how the virus might impact other developing countries in the region—a gruesome harbinger of what’s to come when poverty meets pandemic.”



Dahil sa krisis, ang mga mamamayan ng U.S. “have been fleeing Guayaquil and surrounding areas, with special chater flights been arranged for them,” ayon sa isang spokesperson ng State Department na tumanggi nang pangalanan.

Overall, over 3,000 Americans have departed Ecuador since March 19, through 26 flights the Embassy facilitated through commercial airlines and State Department-chartered aircraft.”

Dahil marami na rin daw ang mga embassy workers ang naka-quarantine, only emergency consular services are available” sa Guayaquil, ayon pa rin sa spokesperson. At kung patuloy raw na lumala ang mga pangyayari: “The consulate has a strong contingency plan for any necessary emergency evacuation.”



POOR EPIDEMIOLOGICAL VIGILANCE

Sinasabing nagsimula ang mga virus sa mga travelers na nagmula sa mga bansang Spain at Italy noong late winter. Ang Guayaquil airport ay isang major travel hub para sa mga surrounding districts at ang early screening para sa virus “was marked by ‘poor epidemiological vigilance’,” ayon kay Dr. Esteban Ortiz-Prado, isang infectious disease expert sa University of the Americans sa Quito.
Dahil na-test lamang daw ang mga pasahero “for high temperatures,” marami raw asymptomatic carriers ang nakalagpas. Sumunod daw ang kakulangan sa self-isolation protocols, mga “failures which were in turn compounded by poverty, urban overcrowding, and a high number of senior citizens in vulnerable communities.”

 “When you add up all those factors together—Boom!—you get an explosion of infections,” sabi ni Ortiz-Prado. At ang nasabing explosion ang nagpasimula raw sa tinatawag niyang “’definitive collapse’ of the public health system” sa nasabing siyudad.


Maliban daw sa demographics at kakulangan sa paghahanda, pakiramdam daw ng ibang taga-Guayaquil na naging “inadequate” ang response ng kanilang gobyerno sa nasabing outbreak. Ayon sa mga kritiko, President Lenín Moreno is basing policy decisions on infection statistics that are unrealistically low, while also failing to call for a general lockdown, even as the outbreak escalates.”
Balikan nating muli ang bilang ng mga naapektuhan:
Nitong Huwebes, April 9, mayroon nang official tally na 4,965 total cases at 272 deaths nationwide. Subalit, ipanapakita ng mga records ng gobyerno na mayroong at least 1,350 na katawan ang nakolekta mula sa mga lansangan at kabahayan sa lungsod ng Guayaquil noong March 23 hanggang April 5, na tila raw nagpapaliit sa bilang ng official stats sa buong bansa. Kinumpira rin ng public health director ng bansa ang 150 coronavirus-related deaths sa Guayaquil noong April 8 lamang.
Ang ilan sa mga discrepancy sa bilang ay maaaring dulot daw ng kakulangan sa mga test kits at diagnostic equipment. Subalit, sabi ng ilang reports, “But a deliberate willingness to look the other way as the body count rises might also be a way for President Moreno to delay implementing the kind of full quarantine measures that have proven effective—although sometimes politically unpopular—in other countries.”
Ayon naman sa epidemiologist na si Ortiz-Prado, We have a partial quarantine right now,” na kung saan ay bukas ang mga businesses at pinapayagan ang mga taong magtungo sa labas mula alas singko ng umaga hanggang alas dos ng hapon “each weekday.”
Aniya pa, The lockdown “definitely needs to be stronger in Guayaquil and elsewhere. We need to keep people from going out except to buy necessities.”
Subalit mas madali raw ang striktong quarantine sa mga tao kaysa sa nagaganap sa maraming mga poverty-stricken barrios “around” sa Guayaquil, na kung saan ang kanilang “daily existence” ay nananatili raw isang “hand-to-mouth struggle.” Ang mga ganitong precarious living conditions ay karaniwan daw sa buong Latin America, na maaaring mas magbigay pa ng “grave challenges” sa mga public health officials habang patuloy pa ring lumalaganap ang pandemic.
Nagsimula na raw magbigay ng stipend na $60 kada buwan ang pamahalaan ni Moreno para sa mga manggagawa sa informal economy, subalit hindi raw ito sasapat upang mapakain ang mga mag-asawa at mga pamilya, ayon kay Moncada.
Sa isang panayam naman sa mayor ng Guayaquil na si Cynthia Viteri Jiménez, “The people keep going out. People chase the police with stones and knives [when they try to enforce the curfew]. In some sectors they just don’t want to realize the magnitude of what is happening in Ecuador.”
“RISK FACTORS”

Isa sa mga aral na maaaring matutunan daw ng ibang bansa mula sa “unfortunate example” ng Ecuador ay ang iwasan daw ang “rapid spread of disinformation,” ayon kay Ortiz-Prado.
Ani pa ng naturang epidemiologist, ““Countries must control dangerous messages that circulate in social media in relation to the quarantine. Here in Ecuador, for example, there are people with millions of followers on Instagram who say: ‘Nothing is happening, go out into the streets. Nothing will happen to you.’ This has to be considered a major risk factor.”
Habang tila mini-mislead ng ibang tao sa Guayaquil ang kanilang kapwa mamamayan “by denying actual dangers,” mayroon pa rin naman daw pumapanig sa katotohanan – “sensationalizing human suffering by failing to fact check in order to generate click bait.”
Ayon kay Moncada, “There have been news outlets everywhere saying there were burning corpses in the street, but this did not happen.” Imbes daw na mga funeral pyres, mga signal fires daw ang ipinapakita sa mga videos.
What they did was burn the furniture, the coffin, or the belongings of the deceased. Those were desperate acts to get the authorities to come quickly to remove the bodies. They left the corpses outside their houses and they burned tires and furniture hoping to get a response. To get help.”


 Source: Voice of America
  Source: Voice of America
  Source: Voice of America
 Source: Voice of America
Ipinapakita lamang daw ng iba’t ibang anyo ng “deception” at “intimidation” kung gaano na kalala ang nagaganap na “breakdown” sa komunidad. Halimbawa, iniimbestigahan ang ibang manggagawa sa isang morge sa Guayaquil “for extorting grieving families, demanding bribes in exchange for returning their loved ones’ bodies.”
Hindi rin maiiwasan na mahawaan ang medical community. Halos 10 doktor na raw sa lungsod ang namatay, at tinatayang 1,600 pang mga health-care workers ang maaaring ma-infect, na dulot na rin ng kakulangan sa masks, gloves, at gowns. Sinasabi rin ng mga nagsasalita tungkol sa mga kakulangang ito na pinagbabantaan daw sila ng kanilang mga superiors “who want them silenced.”
 “The doctors I’ve interviewed are desperate due to the lack of supplies,” ani pa ni Moncada. “But if they complain they know they risk getting fined, or even permanently fired, by the hospitals.”
Nababahala rin daw si Ortiz-Prado tungkol sa mga “dwindling stockpiles,” at umaasa raw siya na “eventually, ‘developed countries like the U.S. could support us by sending resources like test kits, medical experts, and personal protection equipment’.”
Idinidiin din niyang kailangang mag-adopt ng isang unilateral approach at magkaroon ng pagtutulungan ang kailangan ng mga “developing nations” sa Latin America upang masugpo ang nasabing virus at maiwasan ang pagkalat nito.
“The region is very permeable to the infection and with a high morbidity rate, by way of advocating for a comprehensive, region-wide strategy. We can’t just try to control the outbreak in one country and leave people to die in another,” sabi pa niya.

Panoorin ang VIDEO



Source: Loopsider English / Yahoo.PH , Voice of America


COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Mga biktima ng COVID-19 sa Ecuador, Nagkalat na sa kalye dahil hindi na maasikaso ng mga morgue sa dami.
Mga biktima ng COVID-19 sa Ecuador, Nagkalat na sa kalye dahil hindi na maasikaso ng mga morgue sa dami.
“We are living in hell,” sabi ni Blanca Moncada, isang journalist sa El Diario Expreso sa Guayaquil. Inilarawan niya rin ang mga lokal na medical facilities bilang “resembling ‘war hospitals’.”
https://1.bp.blogspot.com/-19pSkJqPWwA/XpMbtXZmmyI/AAAAAAAACnM/cLIIG4KU0FgXG9Z1l9B_smzemnYLTmTPACNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252850%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-19pSkJqPWwA/XpMbtXZmmyI/AAAAAAAACnM/cLIIG4KU0FgXG9Z1l9B_smzemnYLTmTPACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252850%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/mga-biktima-ng-covid-19-sa-ecuador.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/mga-biktima-ng-covid-19-sa-ecuador.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy