Ang Thailand ay isa sa mga bansa kung saan ang mga lalaki ay kailangan pumasok sa "Military Service". Lahat ng lalaking may edad 21 pataas ay kailangang magsilbi sa gobyerno. Ayon sa "Constitution of the Kingdom of Thailand, ang pagsilbi bilang sundalo ay isang "National Duty" para sa mga mamamayan ng Thailand.
![]() |
Source: 704 - SZF |
Tinatawag nilang "Conscription" ang prosesong ito na nagsimula noong 1905. Maaaring pumili ang mga lalaki na mag boluntaryo o sumailalim sa "Lottery". Ang tagal ng serbisyo ay nakadepende kung boluntaryo o Lottery ang pinili. Mas-igsi ang kailangang serbisyo pag ikaw ay nag boluntaryo.
Lahat ng magboboluntaryo ay sasailalim sa physical at mental test bago pumasok. Taon-taon itong ginaganap at kada taon mayroong naka set na Quota ang gobyerno. Ibabawas ang bilang ng mga nag-boluntaryo sa Quota tsaka ito gagamiting bilang ng mga pipiliin sa Lottery.
Sa Lottery naman, ang mga hindi nag boluntaryo ay isa-isang kukuha ng card sa isang box. Kung "Black Card" ang kanilang nabunot, sila ay hindi na kailangan mag silbi at puwede ng makauwi. Kapag "Red Card" nman ay kailangang pumasok sa Military Service. Nakalagay rin sa Red Card kung anong date matatapos ang serbisyo.
Kilala rin ang Thailand dahil sa maraming bilang dito ng "Lady Boy" o "Kathoey" sa kanilang native language. Ngunit hindi ito pwedeng dahilan para hindi pumasok sa Military Service. Kaya naman ganito ang kadalasang makikita sa mga "Lottery" sa Thailand.
Source: 704 - SZF
Source: 704 - SZF
Source: 704 - SZF
Source: 704 - SZF
Source: 704 - SZF
Source: 704 - SZF
Source: 704 - SZF
Source: 704 - SZF
Source: 704 - SZF
Source: 704 - SZF
COMMENTS