Mga Pinoy Nurse, sinalo ang kakulangan sa mga Health Workers sa Spain laban sa Covid-19

             Mga larawan ay mula sa  news.abs-cbn.com D ahil sa lumalalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa S...



            

Mga larawan ay mula sa news.abs-cbn.com


Dahil sa lumalalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Spain at sa pagdami ng bilang ng mga frontliners na nahahawaan sa naturang sakit, naglabas ng emergency plan ang Spanish government upang madagdagan ang bilang ng mga health workers.
            

Mga larawan ay mula sa news.abs-cbn.com


Humingi na ng tulong ang pamahalaan ng Spain sa mga graduating medical students, retired doctors, mga dayuhang enrolled sa mga medical studies, at sa iba pang medical practitioners upang mapunan ang bilang ng mga doktor at mga nars sa frontline.
            

Mga larawan ay mula sa news.abs-cbn.com


Minamadali na rin daw ng Ministry of Education ang pag-validate ng kani-kanilang mga diploma upang mas mapadali silang makapasok sa serbisyo.
            
Dahil na rin sa nangyayari sa nasabing bansa, sinalo na rin ng mga Pilipino ang kakulangan sa health workers. Ayon naman sa isang Filipino senior nurse sa isang ospital sa Madrid na si Edzel Lopez, tila “blessing in disguise” raw ang pangyayaring ito para sa mga Pinoy. Mahirap daw kasing makapasok sa isang medical profession sa Spain subalit ang matagal na processing ng mga school records ay mas napadali dahil daw sa COVID-19.
            
Ayon pa rin kay Lopez, “Oo, naghahanap talaga kami sa ospital namin. Nanaig ‘yong excitement ko at nagtawag agad ako ng mga kababayan dahil chance na nila na makapasok sa medical field kahit hindi pa recognized ang kanilang mga student records.”
            
Nag-apply naman daw agad si Jionisia Rosario, na nakapagtapos ng Nursing sa General Santos Doctors Medical School subalit isang babysitter ang trabaho sa Spain.
            
Paliwanag ni Rosario, “Sayang naman kung hindi ko i-grab ‘yong opportunity; at least makatulong din naman ako sa kapwa ko Pilipino at sa komunidad kung nasaan ako ngayon.”
            I
sang registered nurse mula sa Baguio Central University, nakapasok din daw agad si Catherine Aquino na nagtatrabaho bilang waitress bago ang krisis.
            
Gusto lang naman daw mag-volunteer at makakuha ng experience si John Matthew Villapol. Paglalahad pa niya, Emergency Medical Services ang background niya sa Pilipinas ngunit isa siyang language teacher ngayon sa Spain.
            “Nakita ko ‘yong post sa Facebook at tinanong ‘ko kung puwede akong tumulong kahit hindi naman talaga ako nurse.  Ayon, matapos ang dalawang araw, nagtatrabaho na ako sa hospital. Nag-volunteer lang, ‘di ko akalain na kokontratahin ako at babayaran.”
            
Ngunit, hindi raw naging madali ang mga unang araw niya sa ospital. Kulang daw talaga ang ospital ng mga staffs at equipment. Wala rin daw oras para sa mga orientation o training. Matagal na rin daw underemployed at hindi na sanay sa mga hospital jobs ang ilang Filipino nurses sa naturang bansa.
            “Pinag-solo na ako. Sabi ko, kaya ko ‘to. Hindi po ako nag-give up kasi iniisip ko ‘yong naging trabaho ko noon sa Pilipinas.”
            
Hindi rin naman daw pinanghinaan ng loob si Aquino.
            “Parang ipinapakita na lang namin na nando’n ‘yong humbleness pero nando’n sa isip mo na tingnan mo ang Pilipino – kahit saan mo dalhin ‘yan, magiging number one.”
            
Kung dati’y mga magulang niya raw ang nagtutulak sa kaniya bilang nurse, kinailangan naman ngayong kumbinsihin ni Aileen Grace Carillo ang kaniyang mga magulang upang payagang sumabak siya sa trabaho kahit na may COVID-19.
            “Kasi dati, sila pa ang nagpu-push na mag-nursing ako tapos ngayon, parang ayaw nila. Natakot kasi nga, ang dami na ng kaso sa Spain. Kaya kailangan kong ipaintindi sa kanila na ang pagnu-nursing ay talagang risky na kahit wala pa man ang coronavirus,” ani Carillo na isang graduate mula sa Univesity of Baguio.
            
Para sa mga Pinoy nurses, mananaig daw ang sinumpaan nilang tungkulin – handang tumulong at magligtas ng mga buhay.
            “Nakikita mo ‘yong challenge na puwedeng hindi ka na makauwi pero kailangan mo siyang harapin nang buong tapang kasi nando’n ‘yong pagiging nurse mo sa puso mo na alam mong sinumpaan mo siya na ‘I will do my duty, I will do my best,’” dagdag pa ni Aquino.
Sabi pa ni Rosario, “Natatakot din ako pero every day is an accomplishment para sa amin ‘yon kasi siyempre, may pamilya din kaming uuwian. ‘Yong isang pasyente ko kanina lalabas na siya, sabi niya maraming salamat. Wala raw katumbas na pera ‘yong ginagawa naming pag-aalaga sa kaniya.  Kapag nakakarinig ka ng gano’n sa mga pasyente, ang sarap po sa pakiramdam.”
Nito lamang Lunes, April 6, umabot na sa 19,400 health workers ang nahawa sa COVID-19 sa Spain.





COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Mga Pinoy Nurse, sinalo ang kakulangan sa mga Health Workers sa Spain laban sa Covid-19
Mga Pinoy Nurse, sinalo ang kakulangan sa mga Health Workers sa Spain laban sa Covid-19
https://1.bp.blogspot.com/-j1C772Tmtiw/XpD6U8Y_ifI/AAAAAAAACfk/zGvsN8wMNHQNeGTp2v0WOQpqlpSejpIrwCPcBGAYYCw/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-j1C772Tmtiw/XpD6U8Y_ifI/AAAAAAAACfk/zGvsN8wMNHQNeGTp2v0WOQpqlpSejpIrwCPcBGAYYCw/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/mga-pinoy-nurse-sinalo-ang-kakulangan.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/mga-pinoy-nurse-sinalo-ang-kakulangan.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy