Mutated Coronavirus Sub-Type, Nadiskubre ng mga researchers matapos makita ang isang pasyente Na ‘Infected’ sa Loob ng 49 na Araw

Isang lalaking Chinese ang mayroong COVID-19 disease sa loob ng 49 na araw “with mild symptoms.” At ayon sa mga eksperto, tila nakabuo siya ng “’dynamic balance’ with the virus

Source: dailymail.co.uk
Isang lalaking Chinese ang mayroong COVID-19 disease sa loob ng 49 na araw “with mild symptoms.” At ayon sa mga eksperto, tila nakabuo siya ng “’dynamic balance’ with the virus.” Sa mga naunang pananaliksik, nadiskubreng ang mga survivors ay nagiging negatibo sa nasabing sakit matapos ang 20 araw (na kung saan 37 araw na ang pinakamahaba). Dahil sa bagong impormasyon, sinabi ng mga eksperto na baka raw isa itong indikasyon na mayroong “new mild sub-type” ang nasabing virus.

Sinasabing nakadiskubre ang mga Chinese researchers ng bagong “mutated sub-type” ng novel coronavirus na sinasabing mayroong “prolonged ability to infect others.”

Napag-alaman kasi ng mga eksperto ang unusual case ng isang middle-aged man na mayroong COVID-19 disease na infected na sa loob ng 49 na araw – “a record length of time never reported before.”

Subalit, ang mga sintomas naman ng lalaki ay “mild” at sinabi ng mga mananaliksik na tila nagkaroon siya ng “dynamic balance” sa nasabing virus. 

Source: dailymail.co.uk

Nagbigay ang nasabing “chronic” case ng indikasyon na mayroong “strain which can spread among people for weeks,” kahit na hindi raw nagpapakita ng sintomas ang isang host.

Subalit, ayon sa kanila, “it appears harder to shake off,” sapagkat kailangan daw i-inject sa nasabing lalaki ang dugo ng isang COVID-19 survivor upang maka-recover.

Na-i-published ang nasabing study noong March 27 sa “medRxiv,” isang preprint site para sa scientific medical papers. Nangangahulugan daw itong “it hasn’t been scrutinized by other scientists yet.”

Ang nasabing Chinese man, na hindi pa pinangalanan, ay bumisita raw sa isang ospital sa Wuhan noong February 08, 2020 upang sumailalim sa SARS-CoV-2 tests. 

Source: dailymail.co.uk

Isinalaysay niya ring nagkaroon siya ng “intermittent fever” ng halos isang linggo, ngunit wala na raw siyang naramdamang ibang karaniwang sintomas tulad ng pag-ubo.

Ang mga nakolektang swabs “to the throat” na sumailalim sa COVID-19 testing ay nagpositibo “on days 17, 22, 26, 30, 34, 39, 43 and 49.” Naging negatibo raw ito noong day 47, “which may have been a fluke.”

Ipinakita raw nito na ang nasabing pasyente ay “shedding” sa nasabing virus sa loob ng 49 na araw, isang scientific term na naglalarawan kung paano i-excrete ng isang tao ang isang sakit sa pamamagitan ng kaniyang paghinga o kaya naman ay sa pamamagitan ng kanilang pagbahing o sa kanilang cough droplets.

Sinasabi rin ng mga naunang pananaliksik na ang viral shedding ay tumatagal ng 20 araw bilang average, at 37 araw bilang pinakamatagal na kasong na-i-report.

Ayon kay Dr. Li Tan at sa kaniyang colleagues, kung mahaba raw ang duration ng shedding, mas “severe” rin daw ang aasahang outcomes.

Dagdag pa ng team, “Interestingly, contrary to the conclusions above, we here reported one of the non-severe cases has the longest duration of viral shedding.”

Dahil nga raw hindi malabanan ng pasyente ang sakit nang sarili niya lang, kinailangan niyang magamot sa pamamagitan ng “blood-based therapy” na ginamit sa China at “experimentally” sa US at sa UK.

Binigyan siya ng plasma taransfusion mula sa isang COVID-19 sufferer na naka-recover na at mayroong virus-fighting antibodies sa kaniyang dugo.

Ang pasyente ay nagkaroon daw ng ilang infected lesions sa kaniyang baga na nawala rin daw kaagad matapos siyang dalhin sa ospital.

Sinabi ng mga researchers na ang kaso ng nasabing lalaki ay marahil isang “chronic infected case.”

Ayon din daw sa ibang ulat, ang isa sa mga “elderly female” na kamag-anak ng nasabing pasyente ay nagpostibo rin sa COVID-19 na may moderate symptoms.

Sa kabila raw ng pagkakaroon ng pre-existing conditions – na maaari raw makapagbigay sa kaniya ng “vulnerable” na marahil ay umabot din sa mga seryong komplikasyon – na-i-report na naka-recover na siya “quicker than average for her age.”

Sinabi rin ng mga mananaliksik na ang impormasyong ito ay maaaring makatulong sa kanila upang madiskubre ang bagong “mild sub-type” ng SARS-CoV-2, ang pangalan ng nasabing novel coronavirus.

Mayroon daw itong mas mababang toxicity, “not as infectious but is harder to eliminate.” Sinasabing nakaaapekto raw ito sa mga bata at sa mga matatanda.

Sa kasalukuyan, pinag-uusapan na ng mga mananaliksik ang pagkakaroon ng posibilidad na magkaroon ng dalawang major types ang SARS-CoV-2: ang L subtype at S subtype.

Ang L type raw ay mas “prevalent” na nasa halos 70% ng lahat ng pasyente at may mas malaking tiyansa raw na kumalat kaysa sa S type, ayon sa natuklasan ng mga Chinese researchers.

Ani pa ni Dr. Tan at ng kaniyang mga kasamahan, “We cannot assure that Case 1-associated virus belongs to S type, mutated L type or a new subtype.”

Dagdag pa nila, hindi raw nila i-exclude ang orihinal na “new subtype that was not identified.”

Nagbigay rin sila ng babala na baka raw maikalat pa ng ibang “chronic patients,” na maaaring hindi pa gumaling o magamot dahil sa kanilang “mild symptoms,” ang impeksyon at maaari raw maging dahilan ng isang “fresh outbreak.”

Source: dailymail.co.uk

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Mutated Coronavirus Sub-Type, Nadiskubre ng mga researchers matapos makita ang isang pasyente Na ‘Infected’ sa Loob ng 49 na Araw
Mutated Coronavirus Sub-Type, Nadiskubre ng mga researchers matapos makita ang isang pasyente Na ‘Infected’ sa Loob ng 49 na Araw
Isang lalaking Chinese ang mayroong COVID-19 disease sa loob ng 49 na araw “with mild symptoms.” At ayon sa mga eksperto, tila nakabuo siya ng “’dynamic balance’ with the virus
https://1.bp.blogspot.com/-v0Fb7ZuNRIU/XoX73HyAyaI/AAAAAAAACSY/ta60wlv0nhUqqFBs__oT9eK1hk2GMsj0gCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252837%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-v0Fb7ZuNRIU/XoX73HyAyaI/AAAAAAAACSY/ta60wlv0nhUqqFBs__oT9eK1hk2GMsj0gCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252837%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/mutated-coronavirus-sub-type-nadiskubre.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/mutated-coronavirus-sub-type-nadiskubre.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy