Sino ba ang mag-aakala na pwedeng ipares sa mainit na kanin ang matamis na mangga? Tiyak na dahil sa post na ito ni Dijay, mas marami pang Pinoy ang makakasubok na gawing ulam ang mangga at hindi lang pang himagas.
![]() |
Source: Dijay Lopez / Facebook
|
Maituturing ang mangga bilang pambansang prutas ng Pilipinas. Kinahihiligan ito ng mga Pinoy mapa kulay berde man ito o kulay dilaw. Maraming klase ng mangga ang pwedeng kainin dito maasim man ito o matamis. Talagang maglalaway at matatakam ka pag nakakita ka nito kahit sa picture lang. Kung ikaw ang laking Pinas, agad agad mong maaalala ang lasa at amoy nito.
Source: Dijay Lopez / Facebook
Madalas ang mga Pinay ang mahilig dito lalo na ang maasim asim na mangga. Iba-iba man sa panlasa, mapa suka, asin o bagoong talagang kinahihiligan nila ito. Lalo na sa mga buntis, kadalasan ay ito ang pinabibili nila sa mga mister nila pag sila ay naglilihi.
Source: Dijay Lopez / Facebook
Pero pagdating sa hinog na mangga, talagang lahat ng pinoy ay siguradong paborito ito. Madalas itong pinapapak o ginagawang panghimagas.
Ngunit alam mo bang ang ilan sa atin ay ginagawa itong ulam? Kung iisipin mo ay mejo hindi akma ung lasa para sa kanin pero para sa ilang mga Pilipino ay masarap ito.
Tulad nalang ng post ng isang netizen na si Dijay Lopez. Ipinost niya ang larawan ng plato na may lamang kanin at ulam na mangga. Nilagyan niya ito ng caption na.
"Hahahaha. Bahala kayo basta ako nasasarapan ako iulam iyong mangga sa kanin,"
Source: Dijay Lopez / Facebook
Umani ito ng magkakaibang reaksyon mula sa mga netizens. Karamihan ay sumang-ayon na gawing ulam ang mangga at ang ilan naman ay tila hindi pa nasusubukan.
Sino ba ang mag-aakala na pwedeng ipares sa mainit na kanin ang matamis na mangga? Tiyak na dahil sa post na ito ni Dijay, mas marami pang Pinoy ang makakasubok na gawing ulam ang mangga at hindi lang pang himagas.
Ano pong masasabi niyo? Isa ba kayo sa mga nag-uulam ng hinog na mangga o panghimagas lang talaga?
COMMENTS