Pumanaw na ang pasyenteng tinaggihan raw ng Taytay Emergency kahit pa nahihirapan na itong huminga.

Source: Brian Joshua Rosento Dahil nga humaharap ngayon ang Pilipinas sa krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), marami...

Source: Brian Joshua Rosento

Dahil nga humaharap ngayon ang Pilipinas sa krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), maraming mga ospital ang abala ngayon sa pagbibigay ng atensyon at kalinga sa mga taong nangangailangan.

Subalit, lahat nga ba ng mga ito ay talagang nagbibigay ng ginhawa sa mga mamamayang nahihirapan?

Sa isang Facebook post ng isang netizen na may pangalang Brian Joshua Rosento, ibinahagi niya ang kuwento sa naging karanasan nila nang tanggihan umano ang kaniyang nanay sa isang emergency ng isang ospital na base sa kaniyang caption ay sa bayan ng Taytay.

Sa 30-second video, makikita ang isang babaeng nakatalikod sa kamera ngunit maikitang tila nahihirapan sa paghinga. Nahahagip sa video ang isang babae naman umaalalay sa kaniya.

“Hindi ko na kaya. Mamamatay na,” ani ng babaeng nahihirapang huminga na marahil ay ina ni Rosento.

Sabi naman ng babaeng umaalalay sa ina, “Oxygen lang naman po. Oxygen lang naman po, aalis din po kami agad.”

Sa pagtatapos ng video, maririnig na sinasabi ng ina ang mga katagang, “Parang awa niyo na. Parang awa niyo na. Mamamatay na ako.” Matapos nito ay natahimik ang video dahil hindi na nagsalita ang dalawang babae. 


Ayon sa pahayag ng anak, nagka allergy ang kanyang ina dahil sa ininom nitong gamot kaya nila ito dinala sa Taytay Emergency ngunit dito na sila tinanggihan. Isinugod nila sa Angono General Hospital at ang kanyang Ina at doon nilagyan ng suwero. Pinauwi rin naman sila pagkatapos silang bumili ng oxygen at maikabit sakanya.

Ngunit nito lamang lunes, itinakbo ulit nila sa Quirino Memorial Medical Center dahil namanas ang mga paa ng biktima at bandang alas-5 naman ay pumanaw na ito. Naiuwi narin ang mga abo ng kanyang Ina matapos itong ma-cremate.

Umani naman ito ng negatibong reaksiyon mula sa iba pang netizens.

“Taytay, ano na? Ganiyan na ba kayo ngayon? Akala ko the best ang Taytay?” komento ng isa sa nasabing post.

Pahayag naman ng isa, sayang daw ang itinatawag sa mga “frontliners” na mga “bayani” kung hindi maayos ang turing sa mga pasyente. Dagdag pa niya, para raw silang mga “walang puso.”

Ani naman ng isang netizen, “Sa totoo lang, mas madami ang mga nurse at doc na nag-aantay lang ng sahod! Sa TV lang kayo makakapanood na ‘yong doctor eh mabait at nakatutok sa pasyente. Pero reality, nakasimangot mga ‘yan kapag may dadating na pasyente – tamad na tamad.”

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Pumanaw na ang pasyenteng tinaggihan raw ng Taytay Emergency kahit pa nahihirapan na itong huminga.
Pumanaw na ang pasyenteng tinaggihan raw ng Taytay Emergency kahit pa nahihirapan na itong huminga.
https://1.bp.blogspot.com/-_y0fRrQB6qs/XqlNzjgalcI/AAAAAAAAD_E/XdTj-rFBmRYJDggFX-zk7rAq-RcPZq6XwCNcBGAsYHQ/s1600/_Parang%2Bawa%2Bniyo%2Bna%2Bmamamatay%2Bna%2Bako_.png
https://1.bp.blogspot.com/-_y0fRrQB6qs/XqlNzjgalcI/AAAAAAAAD_E/XdTj-rFBmRYJDggFX-zk7rAq-RcPZq6XwCNcBGAsYHQ/s72-c/_Parang%2Bawa%2Bniyo%2Bna%2Bmamamatay%2Bna%2Bako_.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/pumanaw-na-ang-pasyenteng-tinaggihan.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/pumanaw-na-ang-pasyenteng-tinaggihan.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy