Sa San Pablo, Laguna, isang Kapitan ang sinaksak ng isang lalaking humihingi umano ng quarantine pass, ito lamang martes ng umaga.
Mga Larawan ay mula sa video at sa Facebook post ni COVID -19 Philippines News Updates7 Facebook
Maari lamang lumabas kung merong bibilhin na importante at kinakailangan din kumuha ng quarantine pass na tinatawag sa inyong mga barangay bilang isang permiso.
Sa San Pablo, Laguna, isang Kapitan ang sinaksak ng isang lalaking humihingi umano ng quarantine pass, ito lamang martes ng umaga.
Nakuhanan ng CCTV ang pananaksak ng suspek na sa isang Kapitan ng Barangay Sta. Ana, San Pablo, Laguna. Nakilala ang suspek na si Pablito Uy Hernandez at may 45 taong gulang. Nakilala naman ang napatay na si Kapitan Larry Calderon Rosales at may 57 taong gulang.
Makikitang sa CCTV na nakatakbo pa ang Kapitan ngunit hinabol parin ito ng suspek at walang awang pinagsasaksak.
Ayon kay Acting Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, sa ulat ni PLt. Col. Elmer Bao, hepe ng pulisya, residente ng nasabing lugar ang suspect at nanghihingi lang umano ng quarantine pass mula sa kapitan.
Agad namang naaresto ang suspek matapos gawin ang krimen habang ang biktima ay idineklara namang dead on arrival ng itakbo sa San Pablo City Hospital.
Ayon naman sa post ng facebook page ng COVID -19 Philippines News Updates:
"Ayon kay Acting Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, sa ulat ni PLt. Col. Elmer Bao, hepe ng pulisya, residente ng nasabing lugar ang suspect at nanghihingi lang umano ng quarantine pass mula sa kapitan."
"Agad namang naaresto ang suspect ilang oras lamang matapos gawin ang krimen habang ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa San Pablo City Hospital."
"Kwento ni Hernandez, galit ang dahilan ng kanyang pagpatay sa kapitan dahil ginagawa umano siya nitong tuta at binabastos din aniya nito ang mga kababaihan sa kanilang lugar."
"Napag-alaman naman ng pulisya na dati nang naaresto ang suspect dahil sa paggamit ng ilegal na droga."
"Mahaharap ang suspect sa kasong pagpatay.
Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente."
Sana sa kinakaharap natin na problema ngayon ay dapat magkaisa na lamang tayo at ipagdasal ang kaligtasan ng bawat isa.
source: COVID -19 Philippines News Updates7 Facebook
source: savage function/ youtube channel
COMMENTS