Senator Manny Pacquiao at anak na si Jimuel, nag-"BOXING" bonding
Ang iba ay nagdi-discover
ng mga bagong hobbies habang ang ilan
naman ay pinu-pursue ng mga bagay na
hindi nila magawa noong wala pang quarantine.
Habang ang iba naman ay babad sa Internet
o kaya naman ay nakikihumaling din sa viral
app ngayon na “Tiktok.”
At kahit na may quarantine,
pinapanatili pa rin ng iba ang kanilang healthy
living sa pamamagitan ng pag-eehersisyo o kaya naman ay nagwo-workout sa loob ng kanilang mga bahay.
Pero, puwede bang pagsabayin ang pagkakaroon ng healthy lifestyle habang nagba-bonding kasama ang mga kapamilya? Puwede!
Ito ang pinatunayan nina “Pinoy Boxing Champ” Manny Pacquiao at ang kaniyang anak na si
Jemuel, na tila sumusunod na sa yapak ng kaniyang ama dahil sa pagpasok niya sa
larangan ng boxing.
Sa isang three-minute-and-42-second
video na i-p-in-ost ng official Facebook page ng asawa ni Manny
na si Jinkee na may caption na “father and son bonding,” makikita ang mag-ama
na nag-i-sparring sa loob ng kanilang
bahay. Mapapanood din na tinuturuan ni Manny si Jemuel kung paano ang tamang
pagsuntok at kung gaano ang lakas na dapat ibigay rito.
Makikita rin naman kung paano sumagot ng mga malalakas at
mabilis na suntok si Jemuel. Talaga nga namang masasabing para bang susunod na
siya sa yapak ng kaniyang ama na isang kampeon sa larangan ng boxing.
Natuwa naman ang mga netizens
sa bonding na ipinakita ng
magkakapamilya.
Sabi ng isang netizen,
“Wow! Nice bonding of father and son. God
bless both of you.”
Ayon naman sa isa, napaka-supportive raw na ama si Manny sa kaniyang pamilya.
“Hope Jemuel get
also step into the ring as Sen. Manny’s legend will continue. Hope his son
would become a greatest boxer champ too!” dagdag pa ng isang netizen.
source:
COMMENTS