Sino ang mas Mayaman? Willie Revillame vs Vic Sotto

Sino ang mas Mayaman? Willie Revillame vs Vic Sotto

Mga larawan ay mula sa Kuya Kim TV/ Youtube Channel


Isa sa mga pinag-uusapan sa buhay ng isang sikat na personalidad ay kung ano-ano na nga ba ang mga naipundar niya sa kaniyang sarili at mga kapamilya. Lalo na kung kilala sa pagbibigay ng tulong sa kapuwa, asahan nang marami na itong “yaman” na naipon.

Tulad na nga lamang nina Willie “Kuya Wil” Revillame at “Bossing” Vic Sotto. Dahil nga kilala sila sa pamimigay ng tulong-pinansiyal sa mga tao, sino nga ba ang mas mayaman at marami nang naipundar sa buhay: ang “Broadcast Millionaire” Kuya Wil o si Bossing na “Silent Millionaire”?

Sa isang Facebook video post ng isang page na may pangalang “Cabrera TV,” tinalakay dito kung ano-ano nga ba ang yaman nina Revillame at Sotto.

Kaya raw “Broadcast Billionaire” si Revillame ay dahil kilala raw siya na isinasapubliko ang kaniyang mga ari-arian – mga properties, chopper, yate, iba’t ibang uri ng sasakyan at ang ipinatayo niyang “Wil Tower.” Ngunit, ano nga ba ang buhay niya bago niya natamo ang ganitong karaming yaman?

Sa tunay na buhay, si Kuya Wil ay si Wilfredo Buendia Revillame. Ipinanganak siya sa Nueva Ecija noong January 27, 1961. Ang 59-year-old host na ito ay nag-umpisa bilang isang professional drummer kung saan, ang kaniyang mentor ay ang singer na si Randy Santiago – “sidekick” siya ni Santiago sa programang “Lunch Date” ng GMA. Makalipas ang tatlong buwan ay pinapirma si Revillame sa Regal Films upang isali sa isang pelikula na “Bobocop” na pinagbidahan ni Joey Marquez. Mula noon, naging “sidekick” ng iba’t ibang sikat na artista si Kuya Wil ng mga panahong iyon – tulad na nga lang nina Philip Salvador, Rudy Fernandez, Edu Manzano, Cesar Montano, Aga Muhlach, Vic Sotto at Joey de Leon.


Larawan ay mula sa Google


Matapos nito ay nagsimula na si Revillame na maging co-host sa iba’t ibang noon time show. Nagsimula siya sa ABS-CBN program na “Isang Linggo Na Po Sila” noong 1998 at sinamahan din niya ang kaniyang mga kasamahang sina Randy Santiago at John Estrada sa “Magandang Tanghali Bayan.” Maraming mga kontrobersya ang hinarap ni Revillame. Hanggang sa nabigyan siya ng break ng ABS-CBN sa naging programa niya noong 2005 na “Wowowee.” Ito ang nagdala sa kaniya sa kasikatan at nagbigay sa kaniya ng malaking fan base, hindi lang dito sa Pilipinas, kung hindi ay pati na rin sa ibang bansa. 



Mga larawan ay mula sa Google

At dahil nga isa na si Kuya Wil sa mga personalidad na mayaman na, ano-ano na nga ba ang naipundar niya? Unahin natin ang kaniyang mga sasakyan. Ang kaniyang unang sasakyan na Ferrari F430 ay nagkakahalaga ng nine to 10 million pesos! Ang Ferarri 458 naman niya ay nagkakahalaga ng 11 hanggang 13 milyong piso. Ang luxury car naman ni Kuya Wil na Royce Ghost ay umabot ng 25.9 million pesos! 

Mga Larawan ay mula sa Google

Taong 2008 naman nang mabili ni Revillame ang kaniyang yate, at ayon sa mga report, ito ay nagkakahalaga ng 80 million pesos. Ang dalawa namang chopper ng TV host na siya rin mismo ang nagpapalipad ay nagkakahalaga lang naman ng 97 milyong piso. Umabot naman sa 200 million pesos ang private plane ni Revillame. Nagpatayo rin siya ng kaniyang sariling tower, ang “Wil Tower” na nakatayo malapit sa tower ng ABS-CBN. Pangmayaman din talaga ang kaniyang mga bahay.

Noong 2019, tinatayang ang net worth daw ni Kuya Wil ay estimated 300 hanggang 500 million pesos! 





 Mga Larawan ay mula sa Google

Samantala, si Bossing Vic naman ay isang komedyante at host, subalit tahimik lang daw siya tungkol sa kaniyang yaman at ari-arian. Kilala siya bilang isa sa mga artistang marami nang nagawang pelikula at iba pang proyekto kaya gaano na nga kayaman si Bossing?
Larawan ay mula sa Google


Si Marvic Valentin Castello Sotto, o mas kilala nga natin bilang si Bossing Vic. Kaya raw tinawag na “Bossing” si Sotto ay dahil sa kaniyang pagpo-produce ng mga pelikula at iba pang programa. Ipinanganak siya noong April 28, 1954. Hindi raw lumaki sa hirap si Bossing dahil nagmula siya sa isang may-kayang pamilya. Ang kaniyang ama ay si Marcelino Antonio Odeja Sotto Sr. at doktor naman ang kaniyang ina na si Dra. Herminia Castello.

Si Sotto ay isang aktor, komedyante, TV host, singer at songwriter, subalit nagsimula siya bilang isang folk singer at guitarist. Sa mga panahon daw na iyon, siya ang bokalista ng grupong “VST & Company.” Ilan sa mga sumikat na kanta ng kanilang grupo ay ang “Awitin Mo at Isasayaw Ko” at “Rock, Baby, Rock!”

At alam ba ninyo na ang unang channel na sinalihan ni Bossing ay ang Channel 13 na may show na “Ok Lang,” na kung saan nakasama niya ang Apo Hiking Society at si Joey de Leon. Nang mawala ang show na “Ok lang,” kinuha ni de Leon sina Vic, Tito at Val Sotto – ang Sotto Brothers – para sa variety show na “Discorama,” subalit sina Vic at Tito lamang ang tumanggap ng programa. Dahil dito ay nakilala na ang kanilang trio bilang “TVJ.”

Noong 2002 ay naging “Eat Bulaga” na ang kanilang variety show. At ayon sa mga sources ay P45,000 ang sahod nila araw-araw! Ngunit noong nagsisimula raw ang kanilang show, napakababa raw ng TV ratings nito na 5.2% lang samantalang ang kalabang programa nila noon na “Student Canteen” ay may 57% ratings. Ngunit makalipas ang dalawang taon ay naungusan naman na ng “Eat Bulaga” ang nasabing katapat nilang show.

Nang pinasok na raw ni Bossing ang mundo ng pelikula, pumatok daw lahat sa madla ang mga pelikula niyang ito. Sa katunayan, apat na taon daw na naging “Philippine Box-Office King” si Bossing mula 2004 hanggang 2007. Bawat taon din ay kasali si Sotto sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na alam naman nating kapag pumatok ang iyong pelikula ay siguradong milyon-milyon ang matatanggap ng mga artista. Siya mismo ang nagpo-produce ng mga pelikula niya at idagdag pa nga ang iba’t ibang commercials na ginawa niya. Kaya naman, gaano nga ba kayaman si Bossing Vic? “Silent and humble” nga ba siya at mas mayaman ba kaysa kay Kuya Wil?


Mga larawan ay mula sa Google

May sasakyan si Bossing na Ferrari FF na nagkakahalaga ng $295,000. Ang kaniya namang ODQ3 na sasakyan ay umabot naman sa 32,900 dollars. Ang napamalita ring sasakyan ni Bossing na Mustang ay nagkakahalaga ng $37,195. Mayroon din daw siyang Jaguar na sasakyan. Idagdag pa nga ang mansion nilang dalawa ng kaniyang asawang si Pauleen Luna.




Mga larawan ay mula sa Google

At sagot sa tanong ng bayan, ayon daw sa ilang mga sources, ang net worth na natatanggap ni Bossing ay umaabot ng 200 hanggang 400 million pesos!

Kahit sinuman sa kanilang dalawa ang mas mayaman, ang mahalaga ay ibinabahagi nila sa mga nangangailangan ang kanilang biyaya.



source: Kuya Kim TV/ Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Sino ang mas Mayaman? Willie Revillame vs Vic Sotto
Sino ang mas Mayaman? Willie Revillame vs Vic Sotto
Sino ang mas Mayaman? Willie Revillame vs Vic Sotto
https://1.bp.blogspot.com/-XAGHljypitA/XqjWlXbLzMI/AAAAAAAAD9I/VWtnnVm8L5ArqAToLJAT7lqiWJtGQ091wCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%25283%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-XAGHljypitA/XqjWlXbLzMI/AAAAAAAAD9I/VWtnnVm8L5ArqAToLJAT7lqiWJtGQ091wCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25283%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/sino-ang-mas-mayaman-willie-revillame.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/sino-ang-mas-mayaman-willie-revillame.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy