Sundalo, May pakiusap sa Pasaway na mga residente.

Sundalo, May pakiusap sa Pasaway na mga residente.

Mga larawan ay mula sa video


Sa panahon ngayon, napakaraming tao ang nagsasakripisyo para lamang makatulong sa mga nangangailangan.

Una na nga riyan ang mga doktor at nars na palaging nasa ospital. Sila ang sumasalubong at gumagamot sa mga pasyenteng nag-positibo sa COVID-19. Sila rin ang nagmo-monitor sa mga Persons Under Investigation (PUI) at Patients Under Monitoring (PUM).

Ilan pa sa mga katuwang ng publiko ngayon ay ang mga mamamahayag na nagbibigay ng mga impormasyon patungkol sa mga kaganapan sa paligid. Nariyan din ang mga pharmacists, janitors, tindera, at iba pa. Maaasahan naman sa pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan ang mga uniformed personnel tulad ng pulis at sundalo.

Subalit, kahit na nakaantabay na ang lahat ng mga frontliners ay may mga residente pa rin ang nagiging pasaway.

Sa isang post ng Facebook page na Police Drug Enforcement Unit, makikita ang isang sundalo na nakikiusap sa mga residenteng tila hindi nakikinig at sumusunod sa mga panukala.

Sabi ng sundalo, “Wala hong puwedeng lumabas sa inyo kahit isa. Mala-lockdown po ito, buong Pulang Lupa; lockdown ‘yan. Lalong magtatagal, lalo tayong mahihirapan, lalo tayong magugutom.”

Dagdag pa niya, masuwerte ang mga residenteng kanyang kinakausap dahil nasa bahay lamang sila. Habang sila ay hindi nakakauwi kahit na gustong-gusto na nilang makita ang kani-kanilang mga anak, asawa at pamilya. Hindi raw sila makauwi sapagkat ginagawa nila ang kanilang responsibilidad na bantayan ang mga residente.

“Pagod na rin po kaming makipaghabulan… Bakit? Wala rin, nonsense lang. Mapapagod lang kami, sasakit pa ‘yong dibdib namin kakahabol, wala rin. Pagod na rin po mga kapulisan, pagod na mga tanod; gabi-gabi, puyat. Tinatawanan, minumura, tinatakbuhan.”

Hiniling ng sundalo sa mga residenteng kanyang nakausap na huwag nang gawing mahirap ang sitwasyong kinahaharap ngayon. Sinabi pa niya na hindi guarantee ang quarantine pass para mag-gagala ang mga tao sa labas. Ginagamit lamang ito kapag importanteng-importante ang bibilhin

“Sana po maliwanag ‘yong mga sinasabi ko sa inyo. Hindi po kami nandito para takutin (kayo) o para manggulo. Ayaw namin kayong bigyan ng problema, ayaw rin naming magkaproblema. Ang sa amin lang, nakikiusap kami dahil ito na lang ‘yong paraan, ‘yong makausap ko kayo. Pagod na po ang katawang lupa namin.”

Hindi na nga rin daw nila alam kung kailan na lang tatagal ang mga buhay nila dahil maging sila ay hindi nakasisiguro kung infected na ba ang mga tulad nilang tumutulong lamang sa iba.







Ang gusto lamang nila ay magmahalan ang lahat.

source: Police Drug Enforcement Unit

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Sundalo, May pakiusap sa Pasaway na mga residente.
Sundalo, May pakiusap sa Pasaway na mga residente.
Sundalo, May pakiusap sa Pasaway na mga residente.
https://1.bp.blogspot.com/-I4zapiyWb_o/XoepN9VwOiI/AAAAAAAACTQ/OiZ9StkTDHYwy8E4bukvGDIER3kYbZ-AQCPcBGAYYCw/s1600/Makinig%2Bpo%2Bsana%2Btayo%2Bat%2Bsumunod.png
https://1.bp.blogspot.com/-I4zapiyWb_o/XoepN9VwOiI/AAAAAAAACTQ/OiZ9StkTDHYwy8E4bukvGDIER3kYbZ-AQCPcBGAYYCw/s72-c/Makinig%2Bpo%2Bsana%2Btayo%2Bat%2Bsumunod.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/sundalo-may-pakiusap-sa-pasaway-na-mga.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/sundalo-may-pakiusap-sa-pasaway-na-mga.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy