Trending ngayon sa social medial si Spider Man na namimigay tulong sa ating mga kababayan.

Trending sa ngayon sa social medial si Spider Man na namimigay tulong sa ating mga kababayan.


Mga larawan ay mula sa facebook post ni Estefred Cordero Jr.

Dahil na-extend ang Extreme Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon tuloy pa rin ang pamimigay ng ayuda para sa mga Pilipinong apektado ng ECQ.

Maraming pamilya kasi ang nawalan ng kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic. Dahil nasa ilalim ng lockdown ang buong Luzon, maraming Pilipino ang nawalan ng pagkakakitaan. Ang pinaka apektado dito ay ang mga kababayan nating umaasa sa pang araw-araw na kita upang may maipakain sa pamilya.

Dito rin natin napapatunayan na talagang ang mga Pilipino ay mapagbigay sa kapwa. Marami ang nagbibigay ng tulong sa ating mga kababayang wala ng makain. Nakikilala na rin kung sino talaga ang may malaking puso na nagbibigay ng relief goods.

Isang taga Victoria, Tarlac ang kinaaliwan ngayon ng mga netizen dahil naka-costume ng isang superhero habang nagbibigay ng relief goods sa kanilang lugar.

Mga larawan ay mula sa facebook post ni Estefred Cordero Jr.

Nakilala ang matulongin na spider man ng Victoria, Tarlac na si Estefred Cordero Jr., isang graphic artist at photographer.

Hindi lang tulong ang nabibigay ni Estefred nang mamigay siya ng relief goods dahil habang inaabot niya ang kanyang tulong sa ating mga kababayan ay nakikita sa kanilang mukha ang aliw at kasiyahan na hatid ni spider man.

Hindi kailngang mayaman o milyonaryo ka para makatulong sa kapwa sa gitna ng ganitong krisis sa ating bansa. Basta bukal sa iyong kalooban ang pagtulong maliit man ito o malaki ay mapapasaya mo na ang mga tao na iyong tinutulongan. Dagdag kasiyahan pa ang hatid ni Estefred dahil sa kanyang kakaibang pamamaraan ng pagbibigay tulong.

Mga larawan ay mula sa facebook post ni Estefred Cordero Jr.

Isinaad pa ni One PH sa kanyang facebook post na si Estefred ang tunay na COVID-19 superhero dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbibigay ng tulong sa mga taga Victoria, Tarlac.

"Literal na #COVID19 superhero ang namimigay ng tulong sa Victoria, Tarlac."

"Naka-costume pa na Spider-Man si Estefred Cordero Jr., isang photographer, habang namimigay ng relief goods sa mga residente. Bukod daw kasi sa tulong, nais din niyang magbigay ng saya sa gitna ng krisis."

Ito ang kailangan natin sa gitna ng krisis, nakakapagbigay na ng aliw nakakatulong pa. Mabuhay ka Estefred Cordero Jr. ang Spider Man ng Victoria, Tarlac.

Mag-iingat sana tayong lahat at laging manalig sa maykapal para lagi tayong ligtas.



source: One PH and Estefred Cordero Jr. / Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Trending ngayon sa social medial si Spider Man na namimigay tulong sa ating mga kababayan.
Trending ngayon sa social medial si Spider Man na namimigay tulong sa ating mga kababayan.
Trending sa ngayon sa social medial si Spider Man na namimigay tulong sa ating mga kababayan.
https://1.bp.blogspot.com/-Ei-MytM9qYQ/XpNORAd9qcI/AAAAAAAACnY/MDnE5lI_FRkUXgrfJzKDDDc4VUevVX8TwCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%25288%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-Ei-MytM9qYQ/XpNORAd9qcI/AAAAAAAACnY/MDnE5lI_FRkUXgrfJzKDDDc4VUevVX8TwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25288%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/trending-sa-ngayon-sa-social-medial-si.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/trending-sa-ngayon-sa-social-medial-si.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy