TUNAY O IMPOSTOR: Sino ba talaga si Francis Leo Marcos?

Larawan ay mula sa Facebook K amakailan lang ay nag- viral sa social media ang isang nagngangalang Francis Leo Marcos na til...

Larawan ay mula sa Facebook


Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang isang nagngangalang Francis Leo Marcos na tila hinahamon ang mga bilyonaryo ng bansa na lumabas sa kani-kanilang mga bahay para magbigay ng tulong sa mga mahihirap na kababayan na biktima ng COVID-19.
            Nangako si Marcos na gagamitin niya ang kanyang P20 Million liquid asset para tulungan ang mga mahihirap na Pilipino. At kaugnay nga nito ay sinimulan na niya “Mayaman Challenge”.
            Sa katunayan, ayon mismo kay Marcos, o mas kilala rin sa tawag na ‘Boss FM’, umabot na umano sa apat na milyon ang viewers nito, at iba pa ang mga likers at nagshe-share ng kanyang mga vlogs.
            “I am very thankful some of the rich people in Manila has started to respond to my challenge. I hope other people who are rich would not just keep silent of this coronavirus pandemic. I am appealing to them to get out and share their millions to the poor,” sabi pa ni Marcos.
            Marami na nga ang kumasa sa “Mayaman Challenge”.
            Ilan sa mga mamamayan ang humanga sa kanyang ginawa dahil gumawa umano siya ng hakbang para makatulong sa mga nangangailangan. Ngunit, sa kabila ng mga papuri ay may bumabatikos pa rin sa kanya at sinasabihan siyang ‘mayabang’.
            Sa isang Facebook post na ibinahagi ng Maharlika Video´s makikita sa video ang isang babaeng natatakpan ng bandana ang kalahati ng kanyang mukha at tila kinikuwestiyon ang ginawang pagtulong at ang buong pagkatao ni Marcos.
            Panimula ng babae, “Nag-live po ulit ako kasi follow up lang po kay Francis Leo Marcos. Kung nagpamudmod na siya ng pera at tsaka mga kaban-kaban na mga bigas, saan banda? Shout out sa mga kapitan at sa lugar kung saan nagpamudmod ang impostor na ‘to. Impostor!”
            Sinabi niya rin sa mga loyalista ng BDM na kilala nila kung sino ang gumawa ng bandanang nasa kanyang mukha at ang nasa kanyang likuran. Hindi niya binanggit sa video ang pangalan ng gumawa ng bandana.
Minura at hinamon niya pa si Marcos na kung talagang isa siyang tunay na Marcos ay marapat lang na tawagin niya ang mga kamag-anak niya na magpapatunay na isa nga siyang Marcos.
“Pa-iba-iba ka ng statement. Anak ka ni ‘Pacquing’, anak ka ni Ferdinand Marcos. Nagkaroon ng Miss Manila, supposed to be ‘yong nanay mo (ang) mapangasawa ni Ferdinand Marcos. Ano ba talaga, nahihilo na ako sa’yo ha! Ano ba? Anak ka ni Ferdinand Marcos, tapos pinirmahan lang ni ‘Pacquing’ Marcos ‘yong birth certificate mo. Kapatid mo si Bongbong Marcos, ano ba? Alin ba ang totoo doon?”
Ayon pa sa babae, kung wala raw magawang maganda si Marcos ay pumunta na lamang siya sa bundok dahil doon daw siya nababagay. Huwag na raw sana niyang linlangin ang taong-bayan. Imbes daw kasi na nakatutulong siya ay nanggagaling lang umano sa kalokohan niya ang lahat. Nanggagalaiti na umano ang babae sa kalokohan ni Marcos.
“… Huwag ka ng mangako sa kanila, dahil ang katotohanan niyan, ang mga pinamimigay mo ay galing kung saan. Kawawa ‘yong mga niloloko mo. Hayaan mo na sila na mismo ang mamigay… Magbawas-bawas ka ng kasalanan mo at may panahon ka pa. Kaladkarin ka ni Satanas papuntang impiyerno dahil kahit sa impiyerno wala ka ng puwang.”
Sa dulong bahagi ng video, pinagsabihan niya ang mga mamamayan na huwag magpapaloko kay Marcos dahil ang ginagawa niya ay hindi talaga tunay na pagtulong. Tumulong din daw ang babae sa video at hindi na raw kailangang ipalandakan na siya’y tumulong.

Sabi sa post, “He is simply a front of one Chinese guy who is being given a difficult and hard time by the homeowners due to his illegal activities and businesses.”
Isa lamang daw siyang co-tenant ng isang Chinese na may inuupahang tatlong mansion sa exclusive subdivision. Inaresto rin umano si Marcos noong 2016 sa kasong estafa at nakalaya lamang dahil sa pagpapiyansa.
Noong Hulyo 8, 2019, si dating First Lady Imelda Romualdez Marcos pa mismo ang sumulat kay dating NBI Director Dante Gierran upang mapaimbestigahan si Francis Leo Marcos.
Ilan umano sa nakalagay sa sulat ay: “He has claimed that he is the son of Dr. Pacifico Marcos, the brother of my late husband, and that he has been chosen by the Marcos family as the custodian of alleged wealth which we are not in possession of; he uses my photograph on social media after photo opportunities and has produced a film positioning him as a signatory to the world’s wealth. He targets wealthy Chinese businessmen who want to do business in the Philippines and attracts them thru charitable causes.”










Kung ano man ang tunay na kuwento, walang nakaaalam kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo. Basta ang totoo ay nakakatulong siya sa ating mga kababayan at ito ang kailangan ng ating mga bayan ngayon panahon ng krisis.








source: Maharlika Video´s / Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: TUNAY O IMPOSTOR: Sino ba talaga si Francis Leo Marcos?
TUNAY O IMPOSTOR: Sino ba talaga si Francis Leo Marcos?
https://1.bp.blogspot.com/-SfYN0JPGBI0/Xo5I2-oOJkI/AAAAAAAACaM/ca_NV1Tl5CsGjq9YF4O8NeYJklRdChGbACNcBGAsYHQ/s1600/1586154978_Francis-Leo-Marcos.png
https://1.bp.blogspot.com/-SfYN0JPGBI0/Xo5I2-oOJkI/AAAAAAAACaM/ca_NV1Tl5CsGjq9YF4O8NeYJklRdChGbACNcBGAsYHQ/s72-c/1586154978_Francis-Leo-Marcos.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/tunay-o-impostor-sino-ba-talaga-si.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/tunay-o-impostor-sino-ba-talaga-si.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy