Very Inspiring. Ganito ang ginagawa ng breadtalk sa kanilang mga natitirang paninda araw-araw sa buong mundo.

“Ma’am, wala pong promo. Every night po, lahat ng natitira sa stores po namin all over the world, ibinibigay po namin sa charity."


Source: fastly.4sqi.net
Kapag malapit nang magsara ang isang tindahan, madalas silang nagbibigay ng mga discount o kaya ng mga promo tulad ng 50% discount at “Buy One, Take One.” Karaniwan itong makikita sa mga bakery na nasa mga malls na talaga namang pinipilihan at inaabangan ng nakararami upang masigurong makatitipid sila. Subalit, tila kakaiba raw ang isang tindahan ng mga tinapay na may pangalang “BreadTalk” sapagkat ni minsan daw ay hindi sila nagkaroon ng tinatawag na “closing promo.” Dahil dito, ipinagtataka ito ng karamihan.

At tila nasagot na ang tanong ng madla nang isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang nakatutuwang karanasan sa nasabing bakery nang tumambay siya rito habang naghihintay ng kaniyang sasakyan pauwi at siyang nagbigay linaw sa bagay na ito.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Camae Muggle, suki raw siya ng nasabing bakery dahil sa tuwing pasara na ang tindahan ay nagbibigay raw ito ng mga discounts. Habang nasa BreadTalk nga raw siya noong isang gabi, nakita niya ang isang lalaking lumapit sa manager at saka nagtanong, “Puwede na po?”

Source: fastly.4sqi.net

Dahil sa narinig, naisip daw ni Muggle na baka may “closing promo” nang ini-o-offer ang BreadTalk nang hindi niya nalalaman. Kaya naman, kinausap niya na rin ang manager patungkol sa kaniyang mga agam-agam. Subalit, ganito raw ang nakuha niyang kasagutan:

“Ma’am, wala pong promo. Every night po, lahat ng natitira sa stores po namin all over the world, ibinibigay po namin sa charity. Si Kuya po ‘yan, sila ‘yong kumukuha every night para i-share sa iba. So, dito po sa Pilipinas, may mga chosen charity ang mga BreadTalk stores and sa kanila namin ibinibigay. This way po, nakasisiguro kayong baked fresh na everyday ang products namin, nakatutulong pa po kami sa community.”


Source: fastly.4sqi.net

Matapos nito’y naliwanagan ang netizen na si Camae at namangha raw siya sa kakaibang paraan ng kompanya upang mapanatiling laging bago ang kanilang mga produkto.

Sabi pa ni Muggle sa kaniyang post, “Wow! So yes, instead of offering promos to sell to people who can already afford products even when there isn’t any promo at all, BreadTalk makes a difference by promoting love instead of profit.”

Dahil sa naging karansan, magiliw niya ring ibinahagi ang kaniyang aral na natutunan mula rito.

“…We cannot judge what we do not know. Just because we think we don’t benefit from one thing, it doesn’t mean others (especially the ones who need it the most) don’t with the same thing.”

Source: fastly.4sqi.net

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Very Inspiring. Ganito ang ginagawa ng breadtalk sa kanilang mga natitirang paninda araw-araw sa buong mundo.
Very Inspiring. Ganito ang ginagawa ng breadtalk sa kanilang mga natitirang paninda araw-araw sa buong mundo.
“Ma’am, wala pong promo. Every night po, lahat ng natitira sa stores po namin all over the world, ibinibigay po namin sa charity."
https://1.bp.blogspot.com/-TWO022INtuY/XopzmtwaR7I/AAAAAAAACVc/j_W3rFhbWYICJiPOWiwUhqocpHSaXBE8QCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252838%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-TWO022INtuY/XopzmtwaR7I/AAAAAAAACVc/j_W3rFhbWYICJiPOWiwUhqocpHSaXBE8QCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252838%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/very-inspiring-ganito-ang-ginagawa-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/very-inspiring-ganito-ang-ginagawa-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy