Wefare officer sa Dubai sinuspinde ni Labor Secretary Silvestre Bello III dahil umano minura niya ang isang OFW.
Mga larawan ay mula sa video facebook post ni Joy Parafina
Si Parafina ay galit na galit sa kanyang Facebook post video dahil umano minura siya ng isang welfare officer sa Dubai. Pinangalanan niya ang welfare officer na si Dan Flores.
Ayon sa salaysay ni Parafina sa kanyang video ay nagpunta siya sa West Zone upang e-claim ang tulong ng gobyerno Pilipinas na food assistance sa mga OFW´s na naapektuhan ng tinatawag lockdown. At ang tulong na galing sa gobyerno ay nagkakahalaga ng 200 dirhams.
Ang relief package ay naglalaman ng dalawang packs ng 5 kilo na bigas at maliit na box.
Ngunit ng tanungin ni Parafina ang resibo kung nagkakahalga ng 200 dirhams ang food assistance na kanilang ipinapamahagi ay wala daw maipakita. Dahil wala silang maipakita na resibo ay hiniling ni Parafina na buksan ang maliit na box at sisilipin ang laman. Ngunit hindi pumayag ang staff ng West Zone.
Mga larawan ay mula sa video facebook post ni Joy Parafina
"Ngayon po tinawagan ko 'yung Dan Flores na welfare officer sa Dubai, nagmura at sinabi pong anak daw po ako ng puta. Ako na raw ang tinutulungan ayaw ko pang tanggapin,"
Dahil dito ay sinuspinde ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang isang kawani ng welfare na nakabase sa Dubai matapos isiwalat ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang katiwalian sa pamamahagi ng relief.
Larawan ay mula sa Rappler
Sa isang pahayag nitong Biyernes, Abril 17, sinabi ni Bello na ang departamento ay naglulunsad ng isang pagsisiyasat laban kay Danilo Flores dahil sa "maling gawain." Si Flores ay isang empleyado ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai.
"Please be advised that welfare officer Flores is hereby suspended from the performance of his duties as welfare officer, pending investigation of the incident," sabi ni Bello. Ayonsa rappler.
Ang tanggapan ng POLO sa Dubai at Northern Emirates ay nagbibigay ng mga relief packages na nagkakahalaga ng 300 dirham sa mga miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang maitulong sa kapwa nating filipino dahil sa patuloy na coronavirus pandemic.
Samantala, ang mga miyembro ng non-OWWA, ay tatanggap ng 200 dirham na halaga ng mga grocery item.
Mga larawan ay mula sa video facebook post ni Joy Parafina
Nag-video live na ulit si Joy Parafina matapos mag viral ang una niyang video, dito sa kanyang bagong video live ay nais niyang humingi ng paumanhin sa embahada ng Dubai. Dagdag pa niya na ang kanyang unang video ay para lamang kay Danilo Flores at sa mga ibang gumagawa ng katiwalian.
source:rappler.com
COMMENTS