10 babaeng naging parte ng buhay ni "Bossing" Vic Sotto!

Mga babaeng naging parte ng buhay ni "Bossing" Vic Sotto!


Mga larawan ay mula sa Google

            
Isa sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz si Vic Sotto, o mas kilala ng marami bilang si “Bossing.” Isa siyang TV host, komedyante, singer at nagkaroon na rin siya ng iba’t ibang pelikulang tinangkilik ng madla.
            
At dahil nga kilala si Bossing, hindi rin maiiwasan na mapag-usapan ang kaniyang pribadong buhay – tulad na lamang ng kaniyang buhay pag-ibig.
            
Larawan ay mula sa Google

Sino-sino nga ba ang mga babaeng  naging parte ng buhay ng nag-iisang Vic Sotto?
            
Una na nga sa listahan si Chiqui Hollman. Masasabing isang “short-lived romance” ang naranasan nina Chiqui at Vic. Dating “Eat Bulaga” host si Chiqui. Naging patok ang loveteam nila ni Vic at nauwi sa totohanan sa totoong buhay. Subalit noong 1982, nag-quit sa naturang show si Hollman at napamalitang ikinasal na at tuluyan nang iniwan ang showbiz.
Larawan ay mula sa Google            

Noong 1981 naman unang nagkasama sina Vic at Dina Bonnevie sa pelikulang “Age Doesn’t Matter.” Ito raw ang pinakatumatak na lovelife ni Bossing. Naging “real life” rin ang kanilang pag-iibigan at nauwi nga sa kasalan noong 1982, at nagkaroon agad ng dalawang supling – sina Danica at Oyo. Subalit, napamalita noong 1986 na hiwalay na ang dalawa at noon ngang 1992 ay na-annulled na ang kanilang kasal. Ngunit, hindi man daw sila nagkatuluyan ay nanatili naman silang magkaibigan.

Larawan ay mula sa Google
           

Isa rin sa naging co-host ni Bossing sa “Eat Bulaga” ang naging parte ng kaniyang buhay – at ito nga ay si Coney Reyes. Si Coney ang pumalit kay Chiqui sa naturang show nang umalis ito. Naging magkarelasyon ang dalawa hanggang sa kumpirmahin nila ito noong 1990. Sa pareho ring taon nang malamang nagbunga ang kanilang pagmamahalan: walang iba kundi ang hinahangaan ngayong mayor ng Lungsod ng Pasig na si Mayor Vico Sotto.
Larawan ay mula sa Google


            
Isang commercial model naman ng isang brand ng alak na sikat na sikat noon ang naging “apple of the eye” ni Bossing – walang iba kundi si Angela Luz. Naging maikli man ang kanilang relasyon ay nagbunga pa rin ang kanilang pagmamahalan – ito nga ang painter at golfer na si Paulina.
Larawan ay mula sa Google

            
Kinakiligan din ng mga tao ang loveteam nina Vic at Christine Jacob, na isa rin sa mga naging co-host niya sa “Eat Bulaga.” Hindi man tahasang inamin subalit napamalitang naging sila. Gustong-gusto ng madla na magkatuluyan ang dalawa subalit hindi nauwi sa “happy ending” ang kanilang relasyon.
Larawan ay mula sa Google


            
Ang Miss world Philippines 1997 naman na si Christine Florendo ang sunod na napamalitang naging girlfriend ni Vic. Isa ito sa pinakapribadong relasyon ni Bossing ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon niya sa beauty queen na noon ay 21 years old lamang.
Larawan ay mula sa Google

            
Taong 2003 naman nang ma-involve si Bossing sa model na si Pia Cabreira. Lowkey ang naging relasyon dito ni Vic dahil hindi naman artista si Pia. 23 years old lamang daw si Pia noon at nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa. Napamalitang naging flight attendant si Cabreira at hindi na nagmodelo.
Larawan ay mula sa Google

            
Isa sa mga pinagselosan umano ni Joey Marquez kay Kris Aquino si Vic. Naging loveteam kasi ang dalawa sa pelikulang “My Funny Valentine” noong 2002, ngunit napansing naging mailap na ang dalawa lalo na kapag pinag-uusapan ang pangli-link sa kanilang dalawa.
Larawan ay mula sa Google


            
Sunod naman sa listahan si Pia Guanio. “Out in the public” ang naging relasyon ni Bossing sa isa niya na namang “Dabarkads” co-host. Tumagal ang kanilang relasyon nang limang taon at inakala ng lahat na siya na ang papakasalan ni Bossing. Subalit nauwi nga rin sa hiwalayan ang dalawa, ngunit nanatili pa rin sa naturang show si Pia. Makalipas naman ang dalawang taon, ikinasal na si Pia sa isang businessman. Sa kabutihang palad, nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Larawan ay mula sa Google


            
Hanggang sa natagpuan na nga ni Bossing ang kaniyang “forever” sa katauhan ni Pauleen Luna. Sino ang mag-aakalang ang dating “Little Miss Philippines” pala ang makakasama panghabambuhay ni Vic? 34 years man ang agwat nila sa isa’t isa ay hindi ito naging hadlang upang magpatuloy sila sa kanilang pag-iibigan, na nagbunga pa talaga ng isang cute na baby girl. Noong una ay naging masalimuot ang pag-iibigan ng dalawa dahil nga sa kanilang age differences at kumalat pa ilang tsismis na ayaw raw ng pamilya ni Bossing kay Pauleen. Subalit napatunayan naman nila na walang makahahadlang sa pagmamahalan nilang dalawa at ngayon, kitang kuta naman na masaya sila, pati na rin ang kani-kanilang pamilya.








Source: PINOY NEW CHANNEL - Youtube


COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: 10 babaeng naging parte ng buhay ni "Bossing" Vic Sotto!
10 babaeng naging parte ng buhay ni "Bossing" Vic Sotto!
Mga babaeng naging parte ng buhay ni "Bossing" Vic Sotto!
https://1.bp.blogspot.com/-pj_fnJyk5Xw/Xq3bv8sflLI/AAAAAAAAEMw/QoAkUYcOz2c6vAj9ake4LhEJbMEaCOgYQCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-pj_fnJyk5Xw/Xq3bv8sflLI/AAAAAAAAEMw/QoAkUYcOz2c6vAj9ake4LhEJbMEaCOgYQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/10-babaeng-naging-parte-ng-buhay-ni.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/10-babaeng-naging-parte-ng-buhay-ni.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy