After 32 years, nakita ng mga magulang ang nawawalang anak nila matapos itong madakip noong siya ay bata pa.

Source:  SCMP Youtube Sa buhay, may mga taong minsan mo lang makasama. Ang iba nama’y sa partikular na oras at lugar mo lang puwedeng makita...

Source: SCMP Youtube

Sa buhay, may mga taong minsan mo lang makasama. Ang iba nama’y sa partikular na oras at lugar mo lang puwedeng makita. May mga pagtatagpong panandalian, mayroon din namang pangmatagalan. Pero, isa sa mga hindi malilimutang karanasan ay ang muli kayong pagtagpuin ng taong matagal mo nang hinahanap, para magsama sa mga susunod na oras.

Si Mao Yin ay napabalitang nawawala nang siya ay dalawang taong gulang pa lamang. 

Source: SCMP Youtube

Dinakip siya sa entrance ng isang hotel sa Shaanxi province. Sinabi ng kaniyang ina na si Li Jingzhi sa South China Morning post na pauwi sila ng kaniyang ama mula sa kindergarten noong 1988.

Nalingat lang saglit ang ama, at bigla na lamang nawala ang bata.

Umalis daw si Li sa kaniyang trabaho noon at itinuon na lamang ang kaniyang atensyon sa paghahanap sa nawawalang anak. Namigay siya ng halos 100,000 flyers at pumunta sa iba’t ibang national television programs. Naging volunteer din siya ng grupong “Baby Come Back Home”. Siya nangolekta ng mga impormasyon ng iba pang nawawalang bata at natulungan niya ang 29 na bata na makabalik sa kani-kanilang pamilya. 

Source: SCMP Youtube

Napanood daw ni Mao si Li noon sa telebisyon at naantig sa dedikasyon ng ina na mahanap ang nawawalang anak. Hindi niya alam na siya pala ang tinutukoy na bata.

Sa mga huling bahagi ng Abril, isang pulis sa Xian ang nakakuha ng tip-off na ang isang lalaki sa Sichuan province ang nag-uwi ng bata mula Shaanxi noong late 1980s. 

Gumamit ang pulis ng facial recognition technology para maanalisa ang lumang litrato ni Mao, at lumabas nga ang simulated image niya bilang isang adult. Trinack din ng pulis ang isang lalaki sa city of Mianyang na kamukha ng litrato ni Mao. Nakumpirma nga na siya ang nawawalang anak, sa pamamagitan ng DNA test.

Nalaman ni Li at Mao Zhenjing, ama ng nawawala, ang magandang balita noong Mother’s Day. 

Source: SCMP Youtube

Source: SCMP Youtube

Sinabi ni Mao, na ngayon ay namamahala ng isang home decoration business sa Sichuan, na lilipat siya sa Xi’an para makapiling ang kaniyang biological parents. 

Si Mao ay pinalaki ng kaniyang adoptive parents, at bilang si Gu Ningning. At hindi niya alam na hinahanap siya ng kaniyang tunay na mga magulang sa loob ng mahigit tatlong dekada. 


Isa nga raw sa pinakaproblema ng bansang China ang human trafficking. Tinatayang nasa 70,000 na mga bata ang naki-kidnapped sa China kada taon. Ibinebenta umano ang ibang mga bata para ipa-ampon sa ibang bansa. Ang mga less fortunate ay nagiging pulubi, prostitutes, at slave laborers. Ginagamit naman ng ilang criminal gangs ang mga bata para sa mga masasamang gawain.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: After 32 years, nakita ng mga magulang ang nawawalang anak nila matapos itong madakip noong siya ay bata pa.
After 32 years, nakita ng mga magulang ang nawawalang anak nila matapos itong madakip noong siya ay bata pa.
https://1.bp.blogspot.com/-kz6V02e6lAE/XsYG12oj_FI/AAAAAAAAGkA/Lhg0ZLYCskg98uCa1BQcGdxyLUmSXYD8wCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-21T004242.555.png
https://1.bp.blogspot.com/-kz6V02e6lAE/XsYG12oj_FI/AAAAAAAAGkA/Lhg0ZLYCskg98uCa1BQcGdxyLUmSXYD8wCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-21T004242.555.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/after-32-years-nakita-ng-mga-magulang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/after-32-years-nakita-ng-mga-magulang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy