Alamin ang kuwento ni Berta, ang Viral na Pulubi ng Cebu

Palaboy-laboy man sa lansangan ngunit kinaaaliwan pa rin ng karamihan. Subalit ano nga ba ang kuwento sa likod ng kaniyang katauhan?

Mga larawan ay mula sa Google

Palaboy-laboy man sa lansangan ngunit kinaaaliwan pa rin ng karamihan. Subalit ano nga ba ang kuwento sa likod ng kaniyang katauhan?

Isa sa mga nagte-trending ngayon sa iba’t ibang social media platforms ang tinatawag nilang “Viral Homeless” na si Berta. Isa siyang pulubi sa Cebu. Kumalat ang kaniyang video online dahil sa kaniyang pananalita sa Ingles.

Sino nga ba siya at ano ang kuwento ng kaniyang buhay?

Isa raw siyang dating guro noon ng English subject. Kaya naman ay hindi maikakaila ang kahusayan niya sa pagbigkas ng mga salita sa Ingles. Patunay nga rito ang isang video niya na kung saan tinanong siya kung kumusta na siya; ang sagot ni Berta: “The same as usual. Life is wonderful. Life is precious. And life is powerful.”

Dati rin daw naging active member si Berta ng LGBTQ+ Community. Tulad ng kaniyang ibang kasamahan, ipinaglalaban niya rin daw ang kanilang mga karapatan.

Ngunit, ano nga ba ang rason kung bakit siya naging pulubi?

Minsan daw kasi siyang umibig sa isang lalaki. Pinaniwala niya raw si Berta na mahal na mahal niya ito. Hanggang sa ibinigay raw ni Berta ang lahat; ipinasok siya umano ng kaniyang dating kasintahan sa pagbibisyo. Dahil dito, nakulong daw siya at naiwang walang-wala. Wala raw natira kay Berta, maging sa kaniyang mga savings. Ginamit na raw itong lahat ng kaniyang dating kasintahan upang ipangkasal sa kanila ng kaniyang girlfriend noon.

Kaya ganoon na lamang ang hinanakit niya sa mga lalaki. Sa isang video kung saan tinanong siya kung kumusta naman ang lovelife niya, sabi ni Berta: “I don’t like a man. I hate boyfriend. But I like happiness in my life.”

Nang makalaya raw siya mula sa pagkakakulong ay wala na raw kumupkop kay Berta, kaya naman ay naging palaboy ito.

Bagama’t may tumutulong daw sa kaniya, hindi pa rin daw ito sapat para sa kaniyang pang-araw-araw na buhay.

Hindi lang sa galing sa pagsasalita ng Ingles nakilala si Berta. Kinagiliwan din siya ng mga tao dahil sa kaniyang talento sa pagkanta at marunong din daw siyang makisalamuha sa tao.

Naantig naman ang mga netizen sa istorya sa likod ng katauhan ni Berta.

Sabi ng isang netizen, “I am so touched to your life story Berta your experience in life is not easy. You did that because of too much love and but should past is past. You are in situation now that you should have a family to help you and to be with you in times of over sadness. As you said life is wonderful, life is powerful with happiness I hope that will be your forever traits in your life. God bless you.

Ayon pa sa isang netizen, hindi raw marahil alam ni Berta subalit marami raw siyang napapasayang tao. Naniniwala rin daw ang netizen na ito na mayroon siyang “happy soul” at umaasa siyang sana’y bumalik ang dating masaganang buhay si Berta.

I believe that Berta will always be in a good health . Physically, Spiritually, and Emotionally. You are the best man, your words are really remarkable. And your SINCERITY FOR THE LOVE IS ETERNAL. May the God bless you in all your undertakings,” ani naman ng isa.




Source: The Herald - Facebook Page

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Alamin ang kuwento ni Berta, ang Viral na Pulubi ng Cebu
Alamin ang kuwento ni Berta, ang Viral na Pulubi ng Cebu
Palaboy-laboy man sa lansangan ngunit kinaaaliwan pa rin ng karamihan. Subalit ano nga ba ang kuwento sa likod ng kaniyang katauhan?
https://1.bp.blogspot.com/-XDkM9ONiKjY/XsMh9gdpR7I/AAAAAAAAGTw/g1Km__8ot4o1NgH75-dPokBJ76yQ7VTFQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-XDkM9ONiKjY/XsMh9gdpR7I/AAAAAAAAGTw/g1Km__8ot4o1NgH75-dPokBJ76yQ7VTFQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/alamin-ang-kuwento-ni-berta-ang-viral.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/alamin-ang-kuwento-ni-berta-ang-viral.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy