Alice Dixson at Nadia Montenegro, binahagi ang mga nakapakasayang experience nila sa probinsiya

Alice Dixson at Nadia Montenegro, nag-enjoy sa probinsiya at pumasok pa sa isang sabungan.

Mga larawan ay mula sa Google

Kahit na nakarating na sa kasikatan, hindi pa rin maiiwasang bumalik sa pinanggalingan at damhin ang buhay na simple lamang.

Tulad na nga lamang ng ginawa ng mga artistang sina Alice Dixson at Nadia Montenegro. Inimbitahan kasi ni Montenegro si Dixson na manatili muna ng ilang araw sa kanilang probinsiya sa Tanjay City, Negros Oriental. At dahil dito, ini-enjoy ng dalawa ang buhay probinsiya!

Larawan ay mula sa alicedixson - Instagram

Sa vlog na ginawa ni Dixson sa kaniyang YouTube channel, sinundo siya sa Dumaguete – Sibulan Airport ni Montenegro, kasama ang kaniyang ibang kapamilya. Matapos nito ay dumiretso sila sa Tanjay Public Market. Sinabi ni Dixson na matagal na raw siyang hindi nakakapunta sa palengke. Nagkaroon pa sila ng katuwaan nang batiin sila ng mga tindera ng isda.

“Ma’am nakalimutan ko po ‘yong pangalan niyo. Sino ‘yong pangalan niyo, Ma’am?” pag-amin ng isang tindera.

Sagot ni Dixson, “Carmina Villaroel!” na sinundan naman ng tawanan ng mga tao.

“Alice Dixson!” sagot naman ni Montenegro at ng ilang tindera sa kanilang kasamahan.

Ani pa ni Montenegro, “Ako si Arlene Muhlach.” Saka muling nagtawanan ang mga tao.

Tanong naman ni Dixson sa kamera, sino naman daw ang lalaking katabi ni Montenegro, biro niya – si Ian Veneracion.

Matapos nito ay inamin ni Alice na halos 20 taon na raw siyang hindi nakakapunta sa isang public wet market!

Sunod naman nilang pinuntahan ang Sugarcane Farm sa pareho pa ring lungsod ng Tanjay. Tumikim sila ng tubo at nagtawanan pa dahil nahihirapan ang dalawang aktres na kagatin ito. Biro ng kumukuha ng footage, “Oh, may camera. Gandahan.”

Saka nila tinungo ang Boardwalk. Pagbabahagi pa ni Dixson, “So my host says it’s her first time here.” Sinang-ayunan naman ito ni Montenegro ngunit dagdag pa ni Alice, “Eh tagarito naman siya.” Makikita sa vlog ang mga larawang kinuha nila mula sa pamamasyal nila rito.

Tumaya naman sa isang manok sa sabungan si Dixson sa Tanjay Square Garden. Kasama ang kaniyang asong si Blondie, “first time” raw manood dito ng aktres.

“Well, I thought maaawa ako sa manok. Hindi pala. Wala lang; it’s just a betting game. It’s interesting kasi you get challenged to choose the winner.”

Matapos nito ay tinanong siya kung kumusta naman ang experience niya. Sagot ni Dixson, “I’d rather love it. It was lovely. Ang ganda!...” na sinabi niya sa pa-sosyal na paraan. Sabi pa niya ay babalik raw siya.

Sunod namang mapapanood sa naturang vlog ang paglalakbay nila papuntang Manjuyod Sandbar sa Bais City, Negros Oriental. Habang naglalakbay ay pinagsaluhan nila ang iba’t ibang pagkain tulad ng seafoods at lechon! Matapos nito ay nag-swimming na si Dixson kasama ang pamilya Montenegro.

Sa dulo ng video ay ipinakita ang natatanging ganda ng naturang isla sa pamamagitan ng isang drone shot.




Source: Alice Dixson - Youtube channel

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Alice Dixson at Nadia Montenegro, binahagi ang mga nakapakasayang experience nila sa probinsiya
Alice Dixson at Nadia Montenegro, binahagi ang mga nakapakasayang experience nila sa probinsiya
Alice Dixson at Nadia Montenegro, nag-enjoy sa probinsiya at pumasok pa sa isang sabungan.
https://1.bp.blogspot.com/-C3G0N4y_KuM/XtCJdyvE0LI/AAAAAAAAHgw/2OChkpUD0Woy8jTAoF1-lFkpUtGiEtuSACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252817%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-C3G0N4y_KuM/XtCJdyvE0LI/AAAAAAAAHgw/2OChkpUD0Woy8jTAoF1-lFkpUtGiEtuSACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252817%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/alice-dixson-at-nadia-montenegro.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/alice-dixson-at-nadia-montenegro.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy