Ama, kasamang ang anak na naglalaro sa hukay na kanyang ginawa para sakanya.

Source:  MR channel Ang pagmamahal ng magulang ay walang katulad. Kahit gaano man kahirap, gagawin pa rin ang lahat, maging masaya lam...

Source: MR channel


Ang pagmamahal ng magulang ay walang katulad. Kahit gaano man kahirap, gagawin pa rin ang lahat, maging masaya lamang at makaginhawa ang kanilang mga anak. Lahat na ng paraan ng pagsasakripisyo ay gagawin, mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kani-kanilang kapamilya. Tunay ngang hindi makasarili ang pag-ibig ng mga magulang.

Subalit, isang malaking dagok para sa isang magulang kung malalamang may malubhang sakit ang anak. Sabi nila, walang problemang hindi kayang malampasan. Paano kung wala na talagang solusyon ang naturang pagsubok na kinakaharap nila?

Source: MR channel

Katulad na nga lamang ng isang amang inihanda na ang huling hantungan ng kaniyang anak. Ayon sa isang viral post, ang anak ng lalaking ito ay si Zhang Xin Lei na dalawa at kalahating taong gulang. Noong dalawang buwang gulang pa lamang daw kasi ang bata, nakitang mayroon siyang malubhang sakit sa dugo. Nagmula raw ito sa Thalassemia, kung saan ginagawa nitong abnormal ang hemoglobin sa katawan ng isang tao.

Malaki na raw ang ginastos nila para sa gamutan ng kanilang anak. Sa katunayan ay umabot na raw ito sa tinatayang 100,000 Yuan. Pero dahil sa kahirapan ay hindi na raw alam ng pamilya kung paano itutuloy ang gamutan ni Zhang Xin Lei. Ang mga nagastos daw kasi nila ay galing sa tulong ng ibang tao.
Source: MR channel

Nakalulungkot man subalit inihahanda na raw ng mga magulang na darating ang araw na baka kunin na sa kanila ang kanilang minamahal na anak. Dahil dito, minabuti na raw ng kaniyang ama na humukay na ng lupa na paglilibingan ng kaniyang anak.

Makikita sa mga larawan na magkasama ang ama at ang kaniyang anak na naglalaro sa naturang hukay. Mapapansin din na humihiga ang dalawa, at saka naman tatapik-tapikin ng ama ang kaniyang anak na may sakit.

Source: MR channel

Masakit makita ang ganitong kalagayan, lalo na kung isa kang magulang. Nawa’y marami pa ring mabubuting tao ang tumulong sa pamilya na siya namang makapagbibigay sa kanila ng pag-asa upang magpatuloy pa rin sa buhay.




Source: MR channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Ama, kasamang ang anak na naglalaro sa hukay na kanyang ginawa para sakanya.
Ama, kasamang ang anak na naglalaro sa hukay na kanyang ginawa para sakanya.
https://1.bp.blogspot.com/-G15lG2CK1kA/XrQHVNEh9eI/AAAAAAAAEyQ/WAkVl9wUa-IoYN70qNLx9IKdBQdZ7j37wCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-07T090402.929.png
https://1.bp.blogspot.com/-G15lG2CK1kA/XrQHVNEh9eI/AAAAAAAAEyQ/WAkVl9wUa-IoYN70qNLx9IKdBQdZ7j37wCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-07T090402.929.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/ama-kasamang-ang-anak-na-naglalaro-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/ama-kasamang-ang-anak-na-naglalaro-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy