Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang dalaga ni Jestoni na si Angela Alarcon. Sino nga ba ang hindi makapapansin ng kaniyang taglay na kagandahan?
![]() |
Credit: Angela ang Jestoni Alarcon Instagram |
Isa sa mga batikan at kilalang personalidad sa larangan
ng showbiz ang actor na si Jestoni Alarcon. Nakilala siya hindi lang sa husay
sa pag-arte kung hindi ay pati na rin sa “good boy” look nito.
At tila nakuha nga rin ng kaniyang anak ang taglay na
karisma ng kaniyang ama.
Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang dalaga ni Jestoni na si Angela Alarcon. Sino nga ba ang hindi makapapansin ng kaniyang taglay na kagandahan?
Hindi rin nagtagal ay pinasok na rin nito ang mundo ng showbiz, na tila ba sumunod na rin sa yapak ng kaniyang ama. Kasalukuyan siyang nasa ilalim ng GMA network bilang isang Kapuso at may teleserye na rin sa gabi.
Bukod sa pag-arte ay isa ring achiever si Angela. Nagtapos siyang “With Honors” sa UP Diliman. Habang nag-aaral pa lamang siya rito ay isa rin siyang varsity player ng taekwondo.
At ayon nga sa isang Instagram post ni Jestoni na kung saan kasama niyang naka-pose ang anak na si Angela, dahil nga raw naka-graduate na ang kaniyang anak na si Angela, “work mode” na raw sila. Nagkakasama na kasi sila minsan sa mga taping ng kani-kanilang mga programa.
Natuwa naman ang mga netizens dahil sa “bonding” na ito ng mag-amang Alarcon.
“Ang cuteeee ng mag-ama,” ani ng isang netizen.
Sabi naman ng isa, ang ganda raw ng dalaga ni Jestoni at nagmana raw ito sa kaniyang mga magulang.
Dagdag naman ng isa pang netizen, “Parang magkapatid lang.”
COMMENTS