Source: Rica Detiquez Dahil nga sa pag-usbong ng makabagong paraan ng pamumuhay sa tulong ng teknolohiya, karamihan sa mga tao sa ka...
![]() |
Source: Rica Detiquez |
At dahil nga rin sa online selling business na ito ay natupad na ng ilang mga sellers ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay.
Tulad na nga lamang ng isang dalaga na nagtagumpay sa piniling nitong negosyo na siya namang nagtulay sa kaniya upang matupad ang pangarap niya para sa kaniyang pamilya.
Ibinahagi ni Rica Detiquez ang kaniyang kuwento upang makapagbigay raw ng inspirasyon sa mga taong nagsisimula pa lamang bilang small-time online sellers tulad niya.
Sa kaniyang Facebook post, inalala ni Detiquez na noong natapos na niya ang kaniyang pag-aaral, inisip niya raw na ito na ang simula ng pag-abot niya sa mga mithiin niya sa buhay. Kaya naman daw noong natanggap niya ang kaniyang unang sahod, nagsimula na siyang mag-compute at sinubukan pang i-estimate kung ilang taon pa ang kaniyang gugugulin bago niya makamit ang kaniyang mga pangarap sa buhay.
Nagpatuloy raw siyang magdasal matapos maisip na mahaba pa ang kaniyang lalakbayin bago matamo ang buhay na inaasam-asam niya. Ayon pa sa kaniya ay ipinagkakatiwala na lamang niya sa Diyos ang lahat.
Noong nasa kolehiyo pa lamang daw kasi si Detiquez, marami na rin daw siyang ginagagawang “sidelines” upang makaipon ng pera para sa kaniyang mga personal na gastusin. Kaya, bumalik daw siya sa kaniyang “first love” na online selling. Nagbebenta siya ng kahit ano tulad ng damit, cosmetics, at pati na rin ng pagkain.
Nagsikap din siyang mag-deliver ng mga orders, mula sa kaniyang mga ka-opisina hanggang umabot na rin sa iba’t ibang tao – na may malaking tulong sa kaniya sa kung ano na ang nakamit niya ngayon.
Hindi rin daw nagtagal ay nakaipon na si Detiquez ng sapat na pera upang simulan ang kaniyang sariling negosyo na ngayon ay kilala bilang “RYX Skincerity,” na isang sikat na brand ng mga cosmetic products. Mula noon, nagbago na ang kaniyang buhay.
At noon ngang 2019, nakapagpatayo na nga ng sariling bahay ang dalaga – na isa raw sa mga “biggest dreams” niya para sa kaniyang pamilya. At kahit na ganap na siyang businesswoman sa kasalukuyan, mapagpakumbabang sinabi ni Detiquez na ang lahat ng nasa kaniya ngayon ay dahil sa kabaitan ng Maykapal at ang naging sukli ng lahat ng paghihirap niya noon.
Source: Rica Detiquez
Sa pamamagitan ng pagpo-post ng kaniyang istorya, umaasa raw siyang makapagbibigay ito ng inspirasyon sa iba at nais niyang ipaintindi sa lahat na mahirap man sa umpisa, hindi naman nangangahulugang magtatagal ang paghihirap na ito habambuhay. Nagbabago raw ang buhay at malay natin, bago pa raw natin malaman ang lahat ng ito, ay nasa lugar na pala tayo na minsan lang nating pinangarap.
COMMENTS