Buhay Probinsya ng aktor na si Zanjoe Marudo

Ilang taon na rin umanong nabili ni Zanjoe ang naturang mango farm na nagsisilbing venue nila kapag may mga family gatherings sila o kaya naman ay kap

Mga larawan ay mula sa onlyzanjoemarudo/Instagram

Hinahanggan ng marami ang artistang si Zanjoe Marudo sa kaniyang galing sa pag-arte sa iba’t ibang palabas tulad na nga lamang ng iWant series na “My Single Lady” at ang trending teleserye niya noon na “Tubig at Langis” kasama sina Cristine Reyes at Isabelle Daza – na kung saan ay gumanap siya bilang si Natoy na isang probinsiyano.
Larawan ay mula sa onlyzanjoemarudo/Instagram


Tulad ng kaniyang karakter sa nasabing palabas, isang probinsyano si Zanjoe sa totoong buhay. Madalas mang mapanood bilang isang sopistikado at eleganteng personalidad, hindi naman ikinakaila at proud pa nga si Marudo na isa nga raw siyang probinsyano dahil tulad ng nakararami, sanay siyang mabuhay sa isang rural na bayan.
Nakasanayan ng aktor ang buhay probinsiya dahil lumaki siya sa bayan ng Tanauan sa Batangas.
Matatandaan sa kaniyang interview sa Cinema One noong nakaraang taon, ibinahagi ng aktor ang kaniyang mga ginagawa sa kanilang probinsiya noong kabataan niya sa tuwing bumibisita raw siya rito.

Mga larawan ay mula sa onlyzanjoemarudo/Instagram


Ayon kay Marudo, “Sa Manila, pagkatapos ng school, then ‘pag weekend at summer nasa Batangas. Sa bukid nagtatanim, nagdadala ng food sa lolo at lola. Kapag tanghali kukuha ng buko, gano’n tapos sumasakay sa kalabaw at naglalaro sa initan.”
Sa kasalukuyan ay isa na si Zanjoe sa mga pinakakilalang leading man sa industriya ng showbiz. At sinisiguro niya namang napupunta sa kapaki-pakinabang na mga bagay ang kaniyang pinagpapaguran.
Nang makapanayam ang aktor noon sa programang “Tonight With Boy Abunda,” ibinahagi niyang patapos na ang ipinapagawa niyang rest house na siyang itinayo sa isang maliit na mango farm.
Ilang taon na rin umanong nabili ni Zanjoe ang naturang mango farm na nagsisilbing venue nila kapag may mga family gatherings sila o kaya naman ay kapag nais nilang magbakasyon o lumanghap ng sariwang hangin.
Larawan ay mula sa onlyzanjoemarudo/Instagram


Makikita na nga sa mga Instagram posts ng aktor na hindi lang siya namamasyal sa kaniyang probinsiya, kung hindi ay sinusubukan niya ring gawin ang iba pang aktibidad sa ibang lugar bilang isang probinsyano.


Larawan ay mula sa onlyzanjoemarudo/Instagram



Ilan sa mga ginawa ng 34-year-old actor ay ang pagsasaka, paglalaro ng basketball sa kalye at pagtulong sa pagluluto ng lechon. Makikita rin sa ilang mga larawan ang pagtatampisaw niya sa dalampasigan at pamamasyal gamit ang motorsiklo.


Source: onlyzanjoemarudo/Instagram

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Buhay Probinsya ng aktor na si Zanjoe Marudo
Buhay Probinsya ng aktor na si Zanjoe Marudo
Ilang taon na rin umanong nabili ni Zanjoe ang naturang mango farm na nagsisilbing venue nila kapag may mga family gatherings sila o kaya naman ay kap
https://1.bp.blogspot.com/-xLPLCYOZKxM/XrLdmwglGOI/AAAAAAAAEpY/mfGELRsmRagRBGvrD4YhkCOfd0BNKh7VACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252810%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-xLPLCYOZKxM/XrLdmwglGOI/AAAAAAAAEpY/mfGELRsmRagRBGvrD4YhkCOfd0BNKh7VACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252810%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/buhay-probinsya-ng-aktor-na-si-zanjoe.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/buhay-probinsya-ng-aktor-na-si-zanjoe.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy