Source: UNICEF At dahil nga nakahaharap ngayon ang sambayanan sa matinding krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), na...
![]() |
Source: UNICEF |
At dahil nga nakahaharap ngayon ang sambayanan sa matinding krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), nanganganib ang kalusugan ng bawat isa. Dahil dito ay kinakailangan ng mga tao na magdoble-ingat upang hindi makuha ang virus.
At upang makatulong nga sa bawat mamamayan, narito ang
ilang mga cleaning at hygiene tips mula sa mga eksperto, ayon
United Nations Children’s Fund (UNICEF), upang maprotektahan ang sarili mula sa
banta ng COVID-19.
Ang simpleng mga hygiene
measures ay makatutulong upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.
Iwasang hawakan ang mukha – lalo na sa iyong mga mata,
ilong at bibig. Gamitin ang likuran ng siko kung uubo o babahing; puwede ring
gumamit ng tissue at i-dispose ito agad matapos gamitin. Panatilihin
din ang isang metrong distansiya sa mga tao, lalo na sa mga taong umuubo at bumabahing.
Huwag kalilimutang maghugas ng kamay, dahil ayon nga sa
UNICEF, “it’s the best line of defense.”
Hugasan ang mga kamay ng 20 hanggang 30 segundo – o kaya naman ay gawing
basehan ang “Happy Birthday Song”,
kantahin ito ng dalawang beses. Siguraduhing maghuhugas ng kamay matapos
bumahing, gumamit ng banyo, bago umalis at pagkauwi sa bahay, bago at matapos
maghanda ng pagkain, at iba pa.
Dagdag
pa ng UNICEF, “If using a hand sanitizer ensure
that it contains at least 60 per cent alcohol, ensure coverage on all parts of
the hands and rub hands together for 20-30 seconds until hands feel dry. If
hands are visibly dirty, always wash hands with soap and water.”
Pareho
lang daw na nakapapatay ng germs at viruses ang malamig at mainit na tubig.
Basta raw ang mahalaga, gumamit ng sabon at malinis na tubig sa tuwing
maghuhugas ng kamay.
“Cleaning and
disinfecting high-touch surfaces in your home regularly is an important
precaution to lower the risk of infection.”
Ang
mga high-touch surfaces na sinasabi
ay ang door handles, mga mesa at
upuan, handrails, kitchen at bathroom
surfaces, taps, toilet, light switches, mga mobile phones, computers,
tablets, keyboards, remote controls, game controllers at ang mga paboritong
laruan ng mga bata.
Sa
paglilinis at pagdi-disinfect, dapat
daw munang gamitan ng sabon o detergent
at tubig kung marumi ang isang surface.
Matapos ay gumamit ng disinfectant
product na mayroong around 70%
alcohol o kaya naman ay bleach.
Hindi raw pinahihintulutan ang paggamit ng suka at iba pang natural products.
Paano
idi-disinfect ang mga ito? Ayon sa website ng UNICEF:
“It’s
important not to wipe cleaning solutions off as soon as you’ve applied it to a
surface. Many disinfectant products, such as wipes and sprays, need to stay wet
on a surface for several minutes in order to be effective. Always read the directions
to make sure you’re using the products as recommended and to avoid damaging
sensitive items such as mobile phones and other electronic devices. Consider
using wipeable covers for electronics.”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung gaano
katagal nananatili ang COVID-19 sa mga fabrics,
subalit may mga plastic at metal elements ang mga ito na kung saan,
maaaring manatili ang virus ng ilang
oras o ng ilang araw.
Kung
sa loob ng tahanan, labhan ng regular ang mga bed sheets, tuwalya, at mga damit. Dagdag pa rito:
“Don’t
shake dirty laundry to minimize the possibility of dispersing the virus through
the air. Launder items with soap or detergent, using the warmest appropriate
water setting and dry items completely — both steps help to kill the virus. Wash
your hands with soap and water, or use an alcohol-based hand rub, immediately
afterwards. Wash or disinfect your laundry bag and hamper as well. Consider
storing laundry in disposable bags.”
Kung magpapa-laundry naman sa labas, kailangan munang
ihanda ang mga ipapa-laundry upang
hindi pabalik-balik at maiwasan
ang mahabang oras sa labas ng tahanan. Subukan ding magtungo sa mga laundry shop sa mga oras na kakaunti ang
mga tao. Panatilihin din ang distansiya sa ibang tao. Dagdag pa rito:
“Wear disposable gloves if available, disinfect the surfaces of all
machines you use and don’t touch your face. For indoor laundry facilities, wait
outside for your laundry to finish if you can. Fold your laundry at home. Wash
your hands with soap and water, or use an alcohol-based hand rub, immediately
afterwards. Wash or disinfect your laundry bag/ hamper as well. Consider
storing laundry in disposable bags.”
Kung wala naman daw access sa mga laundry facilities, i-hand wash
na lamang daw ang iyong mga damit sa bahay gamit ang sabon o detergent at “warmest appropriate water.”
Kahit na wala
pang ebidensiya na siyang magpapatunay na maaaring makakuha ng virus mula sa mga kinakain at sa mga
inihahandang pagkain, posible namang ma-infect
ang isang tao kung nakahawak siya ng sa isang surface o bagay na kontaminado at saka naihawak sa kaniyang mukha.
“The greater risk comes
from being in close contact with other people while outside food shopping or
receiving a food delivery (as receiving any delivery in areas with local
transmission).”
Dahil dito, kailangang
sumunod sa mga food packaging at handling precautions. Alisin ang mga unnecessary packaging at itapon agad ito
sa mga “waste bin with a lid.”
Hugasan ang mga unpacked produce,
tulad ng mga prutas at gulay, sa “running
water.” Matapos ang lahat ng ito, siguraduhin pa ring huhugasan ang mga
kamay.
Ayon pa rin sa UNICEF website, narito ang ilan sa mga general food hygiene tips:
·
Wash your hands
thoroughly with soap and water for at least 20 seconds before preparing any
food.
·
Use separate chopping
boards to prepare uncooked meat and fish.
·
Cook food to the
recommended temperature.
·
Where possible, keep
perishable items refrigerated or frozen, and pay attention to product expiry
dates.
·
Aim to recycle or
dispose of food waste and packaging in an appropriate and sanitary manner,
avoiding build-up of refuse which could attract pests.
·
Wash your hands with
soap and water for at least 20 seconds before eating and make sure your
children do the same.
·
Always use clean
utensils and plates.
Source: UNICEF
COMMENTS