Source: Coco Martin IG Sa patuloy na usapan sa prangkisa ng ABS-CBN, sa isang report, sinabi ng isang kolumnista ng ABANTE na may mga hindi...
![]() |
Source: Coco Martin IG |
Sa patuloy na usapan sa prangkisa ng ABS-CBN, sa isang report, sinabi ng isang kolumnista ng ABANTE na may mga hindi natuloy na endorsements si Coco Martin dahil sakanyang mga naging pahayag sa issue ng ABS-CBN.
Sa article na isinulat ni Ambet Nabus, naka-apekto ang mga social media post ni Coco sa kanyang existing at bagong endorsements.
“Meron pa nga kaming narinig na meron umano itong mga on-going endorsements at supposedly “big summer product launch,” na nauwi sa wala at mauuwi sa wala dahil mismong mga kliyente nito ang grabeng na-turn off sa ginawi ng akor na in fairness naman ay humingi ng apology,” sabi pa niya,
Ayon pa kay Nabus, gumagawa ng paraan ang kampo ngayon ni Coco para maibalik ang kanyang imahe sa social na ngayon ay maraming dismayado sakanya dahil sakanyang mga naging pahayag.
Isa si Coco sa 'top endorsers' sa buong bansa dahil sa palabas na 'Ang Probinsyano. Nabalitang mayroon siyang networth na $20 Million.
Nitong isang linggo lang sinabihan niya ang mga kritiko ng ABS-CBN na huwang manood ng 'Ang Probinsyano' pag itoy umere na ulit at naayos na ang prangkisa.
Source: Coco Martin IG
Aniya “Tama na wag kana umiyak babalik kami sadyang may mga Demonyo lang talaga na tao ngayon na gusto tanggalan ng kaligayanhan ang mga tao at ng hanap buhay na pinagkukunan ng kanilang kakainin sa araw araw!”.
“Pag balik namin pag sasapakin ko lahat ng tuwang tuwa ngayon na sarado na ang ABS CBN!!” dagdag pa niya.
Anong masasabi niyo?
Source: Coco Martin IG, Abante
COMMENTS