Source: Pinoy Streamline Naging usap-usapan ang naging pahayag ng aktor na si Coco Martin tungkol sa ABS-CBN shutdown. Kinuwestiyon niya sa...
![]() |
Source: Pinoy Streamline |
Naging
usap-usapan ang naging pahayag ng aktor na si Coco Martin tungkol sa ABS-CBN
shutdown. Kinuwestiyon niya sa isang Facebook live kung bakit nauna pa raw
isiping ipasara ang ABS-CBN kaysa tugunan ang pangangailangan ng bansa sa gitna
ng pandemya.
Patuloy
pa ng aktor, “Ngayon po, ano po bang uunahin natin ngayon? Tanggalin ang kumpanya na
tumutulong sa ating kapwa, sa lahat ng mga Pilipino? O 'yung sugal na pinapasok
sa ating bansa? Buti pa 'yung POGO, diba, pinaglalaban 'nyo.”
Sinabi rin ni Coco na
walang nag-utos sa kanila na gawin ang video. Ayon sa kaniya, nagtulong-tulong
at nagbubuklod daw silang mga artista dahil gusto nilang mailabas ang kanilang
nararamdaman.
“Ako honestly, wala na akong trabaho.
Anong ipapakain ko sa pamilya ko? Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka
pa, lalaban ako ng patayan. Kahit patayin mo pa ako”, dagdag pa ng aktor.
Ang pahayag ng aktor
ay sinagot na nga ng palasyo. Hindi umano nagustuhan ng palasyo ang naging
pananalita ni Coco.
Panimula ni Chief
Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “Ito namang isang artista, napanood
po natin. Umiikot po ito, at nag-trending ito: si Coco Martin. Galit na galit
at ang kaniyang mga pagsasalita, emosyonal eh.”
Ang sinabi umano ni
Coco na “lalaban ako ng patayan. Kahit patayin mo pa ako” ay tumutukoy raw kay
Pangulong Rodrigo Duterte.
Marami na raw ang naging pahayag
kaugnay sa pagsasara ng ABS-CBN network. Sinisisi raw ang NTC, maging ang
pangulo, gayundin ang Kongreso. Sino nga ba raw ang nagpasara sa nasabing network.
“The law shut down
ABS-CBN. That is the long and short of it. Walang ibang nagpasarado kung hindi
ang batas. ‘Yan po ang hindi natin mabuburang katotohanan. And no amount of
rationalizing and finger-pointing, as well as emotional outburst, facing the
blame on any individual or entity, could erase the undeniable truth.”
Ang pagsasara umano ng
ABS-CBN ay dahil sa expiration ng kanilang franchise. Ano raw ba ang itinatakda
ng batas?
Ayon kay Panelo,
“Section 1 ng Republic Act 3846, ang sinasabi po’y ganito: ‘No person, firm,
company, association or corporation shall construct and install, establish or
operate a radio station with the Philippines, unless, or without having first
obtained a franchise therefor from the Philippine legislator.’”
Sinabi
rin ni Panelo na sa Saligang Batas nanggagaling ang naturang batas, na
nagsasabing, “Section 11 of Article 12 of the Constitution: ‘No franchise,
certificate, or any other form of authorization for the operation of a public
utility shall be granted except to citizens of the Philippines…’ Ibig pong
sabihin, ang Kongreso lamang ang panggagalingan ng isang prangkisa upang ibigay
sa isang mamamayan or sa isang kompanya or korporasyon, upang ito’y
makapag-operate ng isang radyo o telebisyon.”
Sa
madaling sabi, ito raw ang basis dahil iyon ang konstitusyon, kaya nagkaroon
umano ng batas na hindi puwedeng mag-operate kung walang prangkisa. Kongreso
lamang daw talaga ang maaaring magbigay nito.
Dahil
dito, nag-apply ang ABS-CBN ng prangkisa at binigyan naman daw sila upang
makapag-operate.
At
pagkatapos nga raw ng 25 years, nag-expire na ang prangkisa noong May 04, 2020.
“Since
walang prangkisa by operation of law, ex proprio vigore, ibig sabihin - with
full force and effect. ‘Yon pong prangkisa ng ABS-CBN ay nag-expire, o natapos,
o nawalang buhay, kaya ito ay huminto.”
Dagdag
pa ni Panelo na ang batas mismo ang nagpasara nito, hindi ang Presidente, hindi
ang NTC, at hindi rin ang Kongreso.
Ngunit,
“for their own selfish, political agenda”, ibinaling daw nila ang sisi sa
pangulo. Hindi raw pinapayagan ng pangulo ang pag-operate ng network. Gumaganti
umano ang Presidente nang hindi umano i-ere ng ABS-CBN ang kaniyang campaign
material noong 2016 election, kahit na nagbayad na siya ng kaniyang ads. Si
Pangulong Duterte rin umano ang nasa likod ng Cease and Desist Order nag NTC.
COMMENTS