Dinala sa presinto ang dalawang ito matapos humingi ng tig P500 sa SAP benefeciaries.

Source: Mark Jalandoni Sa panahon ng krisis, hindi maiiwasang magkaroon ng mga taong mapagsamantala. Nariyan ang mga taong nagbebenta ng mga...

Source: Mark Jalandoni


Sa panahon ng krisis, hindi maiiwasang magkaroon ng mga taong mapagsamantala. Nariyan ang mga taong nagbebenta ng mga alcohol at ilang personal protective equipment (PPE) na overpriced naman ang presyo. Patuloy rin namang lumalaganap ang mga scam sa social media. Mayroon din namang mga taong labis-labis ang nakukuhang ayuda dahil sa kung ano-anong paraan.

Sa Facebook post ni Mark Jalandoni na may caption na “BABALA ITO SA MGA MAPAGSAMANTALA SA PANAHON NG COVID-19 PANDEMIC., WALA KAYONG PUWANG SA BARANGAY PASONG TAMO #AMAZING KAP Banjo Pilar”, makikita sa video ang ilang mga tao na nagbigay umano ng pera sa iba, kahit na hindi puwedeng maghati-hati sa matatanggap na ayuda.

Sabi ng Kapitan, “… Nalaman ko na may humingi sa inyo ng pera, tigpa-five hundred pesos. ‘Di ba kabilin-bilinan ko sa inyo walang manghihingi at hindi puwedeng hati-hati ang SAP, ‘di ba?”

Pinagsalita naman ng Kapitan ang isang ale at sinabing nanghingi umano si “Luloy” ng 500 sa kaniya. Hindi raw niya alam kung bakit siya humingi ng pera.

“Bakit may kinalaman ba siya sa pagbibigay ng form ng SAP? Eh wala namang siyang katungkulan sa barangay ah”, sambit naman ng Kapitan.

Pinagsalita rin ng Kapitan ang isang nanay at sinabihang huwag siyang matakot.

“’Yon nga po. Binigyan ko po sila ng tigpa-500. Pero si “Wilma” isinauli niya kahapon… Si “Luloy” po (‘yong isang kumuha).”

Tinanong muli ng Kapitan kung bakit sila nanghihingi ng 500.

“P*tang*in* ninyo. Sinong may sabi sa inyong may manghihingi ng pera? Ito programa ng gobyerno para sa mahihirap. Hindi para mangotong kayo sa mahihirap.”

Sa kabilang banda, kinausap naman ng Kapitan ang isang babae. 

Source: Mark Jalandoni

“Ito naman, imbes na ‘yong 8,000, isang pamilya, ang ginawa ninyo hinati ninyo ‘yong 8,000 para dalawang pamilya ang makinabang sa 8,000. Eh no’ng una, ilang beses tayong nag-seminar, bawal hatiin ang P8,000. O magsalita ka, bakit ‘di ka sumunod sa instruction sa’yo?”

Ang sagot ng babae ay hindi raw niya ang alam ang usapan nila.

May isang pamilya rin umano ang nag-usap na maghahati sa pera. Itinuro ng babae si “Luloy” na nagbigay umano sa kanila ng instruction na maghati-hati sila.

Nang tinanong si “Luloy”, sinabi niyang iisa lang ang form at naki-usap umano ang dalawa dahil sila ay walang-wala raw, kahit na hindi niya ito kakilala. Hindi rin daw umano siya nanghihingi ng pera.

Tinanong ang tatlong ale kung kanino nila ibinigay ang kani-kanilang 500 at itinuro nga nila si “Luloy”.

Sabi ng Kapitan, “Hindi ka nanghihingi, pero tumanggap ka, iisa lang ‘yon. Ibig sabihin nagsasamantala kayo.”

Tinanong ng Kapitan kung ano ang kanilang naging sistema at bakit makakahingi ng 500 si “Luloy”. Hindi naman daw kasi siya autorisado at siya pa raw ang nagpa-fill up ng form ng ilan sa kanila.

Sabi ni “Luloy”, “Pero wala po akong hiningi sa kanila… ‘Yong binigay niya po, ang sabi, pang-meryenda daw.” 

Source: Mark Jalandoni

Nang humingi sila ng paumanhin, sagot ng Kapitan, “Anong sorry? Alam ninyo ‘yan. Noong una pa lang, alam niyong mahigpit tayo diyan. Alam ninyo, kaya hindi lang sa purok kami umaasa ng listahan ng ipapasok sa SAP, kasi gusto natin marating ng SAP lahat ng sulok ng barangay natin. Kaya pinipilit kong ipaabot sa pamamagitan ng asosasyon, at saka sa pamamagitan ng NGOs.”

Dagdag pa ng Kapitan, mapagsamantala umano ang mga taong kaniyang kausap dahil gipit na ang tao, hinati-hati pa ang ayuda, hihingan pa ng pera. Wala raw silang karapatang humingi ng pera at hindi dapat sila humingi ng pera.

At dahil nga sa ginawa nila, iniutos ng Kapitan na posasan ang mga sangkot at ididiretso sa pulis. Doon daw sila magpa-file ng kaso. Magsisilbing aral daw ito para sa lahat.

Sabi pa ng Kapitan, “Sa panahon ng kalamidad, walang dapat gumagawa ng ganito. Ang daming naghihirap na tao tapos kayo, kumikita kayo.”



COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Dinala sa presinto ang dalawang ito matapos humingi ng tig P500 sa SAP benefeciaries.
Dinala sa presinto ang dalawang ito matapos humingi ng tig P500 sa SAP benefeciaries.
https://1.bp.blogspot.com/-1Jkj3hZ3kpQ/Xrlq1IkvEsI/AAAAAAAAFXo/MlT-9M4qHW0Io_sHiDX4ytSmO_MvYT1owCK4BGAsYHg/d/Nanghihingi%2Bpo%2Bng%2BP500%252C%2BWag%2Bko%2Bdaw%2Bsila%2Bkalimutam.png
https://1.bp.blogspot.com/-1Jkj3hZ3kpQ/Xrlq1IkvEsI/AAAAAAAAFXo/MlT-9M4qHW0Io_sHiDX4ytSmO_MvYT1owCK4BGAsYHg/s72-c-d/Nanghihingi%2Bpo%2Bng%2BP500%252C%2BWag%2Bko%2Bdaw%2Bsila%2Bkalimutam.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/dinala-sa-presinto-ang-dalawang-ito.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/dinala-sa-presinto-ang-dalawang-ito.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy