Source: Francis Leo Marcos Facebook Inaresto ngayong araw ng National Bureau of Investigation si Francis Leo Marcos dahil sa paglabag sa Op...
![]() |
Source: Francis Leo Marcos Facebook |
Inaresto ngayong araw ng National Bureau of Investigation si Francis Leo Marcos dahil sa paglabag sa Optometry law o RA8050. Hinuli ng NBI Cybercrime Division si Marcos dahil sa kasong isinampa sakanya sa Baguio City.
Nakilala si Francis Leo Marcos sa mga social media sites dahil sa kanyang "Mayaman Challenge" kung saan hinihikayat at hinahamon niya ang kanyang mga kapitbahay na maglabas ng pera at tumulong sa mga Pilipinong apektado ng lockdown dahil sa coronavirus. Dahil dito umabot na sa 1 million followers ang kanyang youtube account at iba pang facebook pages na nakapangalan sakanya.
Ayon sa panayam sakanya, sinampahan daw siya ng kaso ng Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc. o grupo ng optical clinics sa Baguio dahil wala daw silang kinita noong 2009. Dagdag pa niya, namimigaw daw kasi siya ng libreng check-up at salamin sa mga tao at ginagawa niya ito tatlong beses sa isang taon.
Aniya pa, "Talagang may tinamaan po doon sa "Mayaman Challenge" ko at talagang gusto po akong pabagsakin".
Panoorin ang video:
Anong massabi niyo sa pagaresto kay FLM?
Source: Francis Leo Marcos
COMMENTS