Francis Leo Marcos, rumesbak kay Arnold Clavio

Francis Leo Marcos, rumesbak kay Arnold Clavio

Mga larawan ay mula sa Youtube video

Isa si Francis Leo Marcos sa mga taong tumutulong ngayon sa mga nangangailangan. Nagsimula ito matapos ang kanyang “Mayaman Challenge”. Kumasa na rin dito ang ilang mga mayayaman at nagsimula na ring magpaabot ng tulong. Marami ang pumuri kay Francis Leo dahil sa kanyang ginawang hakbang, ngunit may ilan din na bumatikos sa kanya.


Larawan ay mula sa Facebook

Kamakailan lang ay tila kinuwestiyon ng broadcaster na si Arnold Clavio ang ginagawang hakbang ni Francis Leo. Sa isang radio broadcasting, tila tinatanong ni Clavio kung iniimbestigahan na siya, dahil ayon sa kausap nina Clavio, may mga taong naghahamon sa isang particular group ng komunidad para magbigay ng donasyon. Subalit ito raw ay isa lamang scam.

Dagdag pa ni Clavio, “… Kasi gano’n ‘yong style niya eh, Mayaman Challenge ‘di ba?”
Nang mabalitaan naman ito ni Francis Leo, tila kinuwestiyon niya rin kung tama nga ba ang pagbo-broadcast ng nasabing broadcaster.

“Anong masama sa style ko, Mr. Arnold Clavio? May masama ba sa style ko? Mr. Clavio, kahit minsan hindi ako nanghingi ng donasyon, baka ikaw?”

Sinabi pa ni Francis Leo na aaraw-arawin niya si Clavio. Sinimulan daw ng broadcaster ito at taong-bayan na ang galit sa kanya. Puro fake news daw lang ang alam nina Clavio, ayon kay Francis Leo.
Hindi raw humihingi ng public apology si Francis Leo mula kay Clavio, pero gusto niyang sagutin ng broadcaster ang kanyang video clip.

Dagdag pa ni Francis Leo, manahimik na lang daw si Clavio kung wala siyang magagawa para sa mga mamamayan. Wala na raw siyang ibang ginawa kung hindi ang magbalita ng fake news; wala na raw makikinig sa kanya.

“Alam mo ba, sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos, puyat na puyat ako. Bakit? Araw-araw, daan-daang toneladang bigas, magmula noong a-uno hanggang ngayon, 735 tons na ang idini-dispose ko.”

Tinanong din ni Francis Leo kung may nagawa ba raw sila para sa maliliit na mamamayan. Pati raw kulungan ay binibigyan na niya ng bigas, maging ang lahat ng mga volunteers, sa ibang lugar, pati ang DSWD. Hanggang ngayon raw ay tulog pa ang mga hinahamon niyang society, katulad umano ni Clavio.
Larawan ay mula sa google

Tinanong pa nga ni Francis Leo sa kanyang mga volunteers kung iniimbestigahan din nila ang mga naglalabas ng fake news.

“Alam niyo kapag may gumagawa ng mabuti, ginagawan niyo ng paraan para masira. Kaso hindi ako masisira eh, bakit? Proven ang aking ginagawa. Nakuha mo?... hanggang bunganga lang kayo!”

Bakit daw hihingi ng donasyon si Francis Leo gayong sandamakmak ang kanyang pera. Hinamon niya ang broadcaster na magsunugan daw sila ng pera. Kapag daw sinabi niyang sunugan, ang ibig sabihin daw ay ipamimigay sa mga mamamayan.

“… Habang buhay kayong magmumukhang inutil sa harapan ng maraming tao. Habang buhay ko kayo kukutyain. Bakit? Eh ngayong may epidemya imbes na tumulong kayo puro ngaw-ngaw pa ‘yong ginawa niyo. Sinisiraan niyo pa ‘yong taong tumutulong.”



source: TUTOK BALITA

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Francis Leo Marcos, rumesbak kay Arnold Clavio
Francis Leo Marcos, rumesbak kay Arnold Clavio
Francis Leo Marcos, rumesbak kay Arnold Clavio
https://1.bp.blogspot.com/-yctwN3RRZJ0/Xqt5gpE5D0I/AAAAAAAAEGU/3okH2OAM0D4I58TXj33rZASMpVyQYiVlwCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252812%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-yctwN3RRZJ0/Xqt5gpE5D0I/AAAAAAAAEGU/3okH2OAM0D4I58TXj33rZASMpVyQYiVlwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252812%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/francis-leo-marcos-rumesbak-kay-arnold.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/francis-leo-marcos-rumesbak-kay-arnold.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy