“May mga nakatakas sa mga hotel na ‘yan at ang amsama nito, lumabas ang results na positive sila. Ngayon nandoon na sila sa bahay nila. Nakahalubilo a
Mga larawan ay mula sa Facebook
Nakatakas umano sa kani-kanilang mga quarantine facilities ang ilang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Inihayag ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo ang naturang insidente nito lamang Linggo, Mayo 17.
Aniya, “May mga nakatakas sa mga hotel na ‘yan at ang
amsama nito, lumabas ang results na positive sila. Ngayon nandoon na sila sa
bahay nila. Nakahalubilo ang pamilya, ‘yong community.”
Ayon pa kay Balilo, kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga
awtoridad ang mga tumakas. Maaari pa raw silang masampahan ng kaso kaugnay ng
paglabag daw nila sa “Bayanihan to Heal as One Act.”
“Iho-hold kung sakali eventually dahil may vina-violate
siguro sila dito sa ‘Heal as One’ protocol. May balak po na sampahan ng kaso.
Iimbestigahan po naming kung sino ‘yong mga kasabwat nitong tumakas na hotel
personalities.”
Nanawagan din si Balilo sa mga OFW na habaan daw sana ang
kanilang mga pasensiya habang hinihintay ang resulta ng kani-kanilang mga
tests.
Dagdag pa niya, ginagawa raw ng PCG, kasama ang Bureau of
Quarantine, ang lahat upang mapabilis ang paglabas ng mga test results.
Matatandaang may ilang mga stranded OFW ang nagrereklamo
dulot ng patuloy nilang pananatili sa mga quarantine facilities na lagpas na raw
sa 14-day quarantine.
Sa kabila nito’y inamin naman ng PCG ang delay sa proseso
sapagkat ang Philippine Red Cross din umano ang nag-aasikaso at namamahala ng
mga PCR-based tests para sa mga Local Government Units (LGUs).
COMMENTS