Imbes na ticket, $100 ang natanggap ng isang Food delivery rider sa isang checkpoint

Source: Joshua Read Facebook Isang Food delivery driver ang nakatanggap ng $100 mula sa isang officer sa checkpoint. Kwento ni Joshua Basa s...

Source: Joshua Read Facebook

Isang Food delivery driver ang nakatanggap ng $100 mula sa isang officer sa checkpoint.

Kwento ni Joshua Basa sakanyang facebook post, magdedeliver daw siya sa Sta, Mesa Manila ng mapadaan siya sa isang checkpoint sa Espana Boulevard. Habang nakapila, nakita raw niya ang isang rider na lumipat sa kabilang pila kaya naman sinundan niya ito pero pinahinto siya at pinag sabihan ng isang officer dahil sumisingit siya sa pila.

Nagpaliwanag si Joshua sa officer na hindi niya ito sinasadya pero sinabihan pa rin siya na ibigay ang kanyang lisensiya. Nakiusap pa rin siya sa pulis dahil isa siyang working student at tanging ang pag dedeliver ng pagkain para may pang-aral.

Hinahanap rin ng pulis ang kanyang school ID ngunit hindi niya ito dala. 

Tinanong siya ng pulis bakit may pera siya pambili ng motor. Paliwanag ni Joshua na binili niya ang motor dahil mahirap ang biyahe niya mula Tondo papuntang eskwelahan sa Pasay at ang kanyang trabaho.

Habang siya ay nagpapaliwanag, hindi nito napigilang maiyak sa harap ng pulis.

Aniya, “Kaya masama talaga loob ko buong araw. Tapos bigla nalang sya nagsalita tas dumukot sa wallet nya na akala ko ay titicketan na ko,”.

Laking gulat niya ng abutan siya ng $100 ng pulis at sabihing "oh eto, tulong ko sayo".

Nung una ay ayaw tanggapin ni Joshua ang pera at sinabi nlng sa pulis na “Ay sir sa inyo na po yan, pasensya lang naman po hinihingi ko sa inyo.”

Pero nagpumilit ang pulis na tanggapin niya ito at sinabihan pa siyang pagbutihin sa pag-aaral para makatapos.

“Tanggapin mo na. Tulong ko sayo yan, gusto ko magtapos ka ha! Ipangako mo sakin!”

Lalo daw siyang naiyak ng sabihin ito ng pulis sakanya.

“Pag sabi nya non lalo kong umiyak, hindi ko napansin yung halaga ng pera pero sa mga sinabi nya talaga ko nadala,”

“Mula sa checkpoint, pag pickup, pag drop ko ng item at pag-uwi ko sa bahay iyak lang ako ng iyak,” 

Nag-iwan rin siya ng mensahe sa kanyang post para sa pulis na tumulong sakanya.

“Sir! Kung alam mo lang kung gano ko na katagal pinipigilan tong mga luha ko dahil sa mga nangyari sakin netong mga nagdaang araw, sa mga problema tsaka mga bagay bagay na iniisip ko gabi gabi,”

“Naiiyak ko na lahat lahat, nakagaan na sa pakiramdam ko, dahil sayo yun sir!”.

“Magkikita pa tayo sir, sana makilala mo pa din ako. Mag-iingat po kayo at pagpalain pa po kayo ng Diyos. Maraming salamat po!”

Basahin ang buong post dito.


God bless po sa pulis na tumulong kay Joshua.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Imbes na ticket, $100 ang natanggap ng isang Food delivery rider sa isang checkpoint
Imbes na ticket, $100 ang natanggap ng isang Food delivery rider sa isang checkpoint
https://1.bp.blogspot.com/-p_0-VHCPuCQ/XsP8gnhHXtI/AAAAAAAAGXc/VL9K3K00ruQICoK6cdwf1sCDcpJ9khFfACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-19T113404.599.png
https://1.bp.blogspot.com/-p_0-VHCPuCQ/XsP8gnhHXtI/AAAAAAAAGXc/VL9K3K00ruQICoK6cdwf1sCDcpJ9khFfACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-19T113404.599.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/imbes-na-ticket-100-ang-natanggap-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/imbes-na-ticket-100-ang-natanggap-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy