Isa na namang babae ang nanakit at nanbastos ng pulis, traffic enforcer, at army reservist.

Isa na namang babae ang nanakit umano ng pulis, traffic enforcer, at army reservist sa isang checkpoint.

Mga larawan ay mula sa video post ni Kaloi Koi Keng Koi


Kamakailan lang ay napabalita ang isang babaeng minura umano ang mga police officer nang hindi payagang makapunta sa kanyang pupuntahan.

At isa na namang babae ang nanakit umano ng pulis, traffic enforcer, at army reservist sa isang checkpoint.

Base sa Facebook video post ni Kaloi Koi Keng Koi, ang nasabing komprontasyon ay naganap sa Barangay Nagkaisang Nayon Novaliches, Quezon City.      

Larawan ay mula sa video post Kaloi Koi Keng Koi
      

Sa umpisa ng video, makikita ang isang babaeng naglalakad papalayo sa checkpoint at tila pinipigilan ng mga awtoridad. Ayon sa sinabi ng taong kumuha ng video, hulihin na raw ang babae dahil wala raw itong quarantine pass.

Habang sinusundan siya ng awtoridad, ang babae nama’y patuloy lamang na naglalakad at hindi pinapansin ang mga pulis.

Ayon sa babae, hindi raw bawal para sa kanya ang pagpasok nang walang quarantine pass.

Sabi pa ng babae, “Naglakad ako, malayo na narating ko.”

Nang tinawag ng kumuha ng video ang nasabing babae, iwinasiwas niya ang kanyang kamay na tila mananakit na.

“Huwag kang bastos ate,” sagot naman ng kumuha ng video.

Nilapitan na nga ng babae ang kumukuha ng video at sinimulan niya na itong tadyakan. Hindi na nga maawat sa pananakit ang babae. Sinampal naman niya ang pulis na pumipigil sa kanyang ginagawa.

Sabi ng kumukuha ng video, “Pigilan, pigilan ninyo, huwag niyong padaanin. Lalagpas ‘yan. Nakita niyo, sinaktan ako, sinaktan ‘yong pulis oh.”

Kinakausap ng maayos ng mga awtoridad na sumunod na lamang ang babae, at patuloy rin nila itong pinapakalma.

Maririnig din sa video na dumudugo raw ang ilong ng isang pulis. Hinarangan na nga nila ang daraanan ng babae. Makikita rin na may pinupunit na mga papel ang naturang ale.

            “Maraming kaso itong si ate”, sabi pa ng kumukuha ng video.

Nagpatawag na nga sila na tumawag ng back up upang madampot na ang babae.

            “Huwag niyo nang padaanin ‘yan, binastos na kayo niyan, pinunit na mga ID niyo niyan.”

Sa dulong bahagi naman ng video makikita na tila may ipinapaliwanag ang babae sa mga uniformed personnel. Tila ipinaglalaban ng babae na ayos lang ang kanyang ginawa. Patuloy pa rin naman siyang kinakausap ng maayos ng mga awtoridad. Binanggit naman ng kumukuha ng video kung bastusin ng ale ang pulis at traffic enforcer na kanyang kasama.

Negatibo naman ang naging pahayag ng mga netizens.

            “Ikulong na yan.”

            “akala nila ang cool ng ginagawa nila.”

            “Alam na Yan iiyak din yan.”

Sa ngayon ay mayroon na itong mahigit 43,000 reacts, 47 comments, at halos 96,000 shares. Umabot na rin sa 1 million views ang nasabing video.



Ang hindi pag sunod sa ECQ guideline ay may mga kalakip na kaparusahan.
"Ang mga lalabag sa quarantine at curfew ay may kaparusahan gaya ng sumusunod: (1) Pagsuway at pagbalewala sa utos ng kinauukulan (Art 151 RPC-Disobedience and Resistance) Parusa: Kulong ng 1-6 buwan, multang P100,000; (2) Direct Assault. Kapag lumaban sa tagapagpatupad ng quarantine. Parusa: Kulong ng 6 na buwan hanggang 6 na taon at multang P200,000; "


Source: Kaloi Koi Keng Koi - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Isa na namang babae ang nanakit at nanbastos ng pulis, traffic enforcer, at army reservist.
Isa na namang babae ang nanakit at nanbastos ng pulis, traffic enforcer, at army reservist.
Isa na namang babae ang nanakit umano ng pulis, traffic enforcer, at army reservist sa isang checkpoint.
https://1.bp.blogspot.com/-bWs0OUUqNzw/Xr_AHHjxEzI/AAAAAAAAF98/ALM3fvLHQ28xR49yy9BQTsmVHBeSOYo-QCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252814%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-bWs0OUUqNzw/Xr_AHHjxEzI/AAAAAAAAF98/ALM3fvLHQ28xR49yy9BQTsmVHBeSOYo-QCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252814%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/isa-na-namang-babae-ang-nanakit-at.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/isa-na-namang-babae-ang-nanakit-at.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy