Isang Hospital ang pansamantalang isinara dahil sa pasyenteng hindi nag sabi ng totoo sa patient interview

Source:  Mayor Lenlen Oreta Facebook Ayon kay Mayor Lenlen Oreta, pansamantalang isasara ang ilang parte ng OSPITAL NG MALABON (OSMAL) dahil...

Source: Mayor Lenlen Oreta Facebook

Ayon kay Mayor Lenlen Oreta, pansamantalang isasara ang ilang parte ng OSPITAL NG MALABON (OSMAL) dahil isang pasyente ang hindi nagsabi ng totoo ng tanungin kung mayroon siyang exposure sa COVID-19. Mula sa Brgy. 12, Caloocan ang pasyente na nagsilang ng sanggol.

"Ikinalulungkot naming ibalita na kailangan natin muling isara ang ilang operasyon sa OSPITAL NG MALABON (OSMAL) dahil sa isang pasyente mula sa Brgy. 12, Caloocan na nagsilang ng sanggol NGUNIT HINDI UMAMIN habang ini-interview sa ospital na ang kanilang barangay ay naka-complete lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19 cases at may possible exposure siya sa virus" aniya.


Nagpositibo ang babae sa ginawang rapid testing pero hinihintay pa ang confirmation ng kanyang swab test upang matukoy kung siya nga ay confirmed COVID-19 patient na.

Sa ngayon, isasara muna ang buong 2nd Floor ng OSMAL kung saan tigil operasyon ang OB-Gyne Clinics, Pedia, delivery and surgical operations. Magsasagawa na rin ng disinfection, contact tracing at testing para sa mga posibleng nakahalubilo ng pasyente sa loob ng ospital.

Patuloy paring tatanggap ng Adult patients (COVID and NON-COVID related) ang OSMAL at mananatiling bukas ang laboratory at radiology section. Magiging full operation ang OSMAL sa Lunes, May 25.


Dagdag pa ni Mayor Oreta, ang city legal ay nasa proseso na ng pag fifile ng kaso laban sa pasyente dahil sa paglabag nito sa Section 9 of R.A. 11332.

Basahin ang buong post ni Mayor Oreta:



COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Isang Hospital ang pansamantalang isinara dahil sa pasyenteng hindi nag sabi ng totoo sa patient interview
Isang Hospital ang pansamantalang isinara dahil sa pasyenteng hindi nag sabi ng totoo sa patient interview
https://1.bp.blogspot.com/-pSazLHjNTmM/XsaaB7erUrI/AAAAAAAAGtY/p9TC1E6FIZUWd5aYvY5EpNFxKH2GI99KACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-21T111032.675.png
https://1.bp.blogspot.com/-pSazLHjNTmM/XsaaB7erUrI/AAAAAAAAGtY/p9TC1E6FIZUWd5aYvY5EpNFxKH2GI99KACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-21T111032.675.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/isang-hospital-ang-pansamantalang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/isang-hospital-ang-pansamantalang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy