Source: Pinay Ako Facebook Marami sa ating mga Pilipino ang pinilipi ang pangingibang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang p...
![]() |
Source: Pinay Ako Facebook Marami sa ating mga Pilipino ang pinilipi ang pangingibang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Kahit mahirap ang mawalay sa mga mahal sa buhay, tinitiis ito ng ilang sa atin. |
Hindi madali ang buhay ng isang OFW, malalayo ka sa pamilya at mapupunta ka sa isang bansa na malayo sa iyong nakasanayan. Iba ang ugali ng mga tao at patakaran sa ibang bansa, at ang pinaka nakakatakot ay kung may babalikan ka pang pamilya sa Pilipinas pag ikaw ay umuwi.
Source: Pinay Ako Facebook
Source: Pinay Ako Facebook
Source: Pinay Ako Facebook
Pero mas pinilipi pa rin ito ng iba sa ating mga kababayan dahil narin sa trabaho na alok sa ibang bansa. Dahil sa hirap ng buhay sa pinas, hindi mo kayang kitain ng sweldo sa abroad kumpara dito at ang iba rin ay may tinatakasan sa pinas.
Tulad na lamang ng kwento ng isang OFW na si Michelle Valenzuela, kanyang ibinahagi sa social media ang istorya ng kanyang buhay. Agad itong nag viral dahil maraming netizens ang namangha sakanyang kwento.
Source: Pinay Ako Facebook
Ibinahagi niya sakanyang post ang larawan niya ngayon at noong siya ay nasa Pilipinas pa. Marami ang nagulat dahil hindi na halos makilala si Michelle sa kanyang lumang picture.
Sabi ni Michelle, ganoon ang kanyang itsura noon dahil wala na siyang oras ayusin ang kanyang sarili dahil anim ang inaalagaan niyang anak at buntis pa siya noon. Siya lahat ang nagaasikaso sa bahay at nag-aalaga sa kanyang mga anak dahil wala ng ginawa ang kanyang mister kundi mag sugal at uminom ng alak buong araw.
Kwento rin ni Michelle, sinasaktan at binubogbog din siya ng kanyang asawa. Ang malala pa, nagdadala pa ito ng ibang babae sa kanilang bahay. Pinalayas siya ng kanyang asawa kaya naman umuwi siya sakanyang nanay kasama ang kanyang mga anak.
Source: Pinay Ako Facebook
Makalipas ang ilang buwa, nagpasya siyang makipag sapalaran sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak kahit mabigat ito sa kanyang loob. Noong una ay hindi daw maganda ang trato ng kanyang amo sakanya ngunit nag iba ito nag makita niya ang sipag at tiyaga niya sa kanyang trabaho.
Matapos ang ilang buwan, nabalitaan niya na hiwalay na ang kanyang asawa at kanyang kabit.
Ngayon, dahil sa pagpupursige ni Michelle at sa tulong na rin ng kanyang amo, makakauwi na siya ng Pilipinas pagkatapos ng pitong taon sa ibang bansa.
Basahin ang kanyang buong post.
Source: Pinay Ako Facebook
Source: Pinay Ako Facebook
COMMENTS