Source: South China Morning Post Sa kasalukuyan ay naglipana na ang mga vloggers sa iba’t ibang social media platforms. Ilan sa mga ...
![]() |
Source: South China Morning Post |
Sa kasalukuyan ay naglipana na ang mga vloggers sa iba’t ibang social media platforms. Ilan sa mga ito ay gumagawa ng mga travel vlogs, gadget review vlogs, at siyempre – hindi mawawala ang mga food vloggers.
Sa kabila ng maraming vloggers na gumagawa ng kanilang sariling pangalan at tatak sa larangang ito, may mga vlogs pa rin na matatawag na “epic fail.” Hindi man nagawa ang talagang layunin bilang isang vlogger, hindi pa rin maiiwasang tatatak ito sa mga manonood.
Source: South China Morning Post
Source: South China Morning Post
Maririnig sa video ang pagsigaw ng naturang babae, na may username na “Seaside Girl Little Seven” habang nahihirapang alisin ang octopus sa kaniyang mukha. Tila kumakapit naman ng mas mahigpit ang sea creature sa kaniya.
Nakukuha pang ngumiti ng vlogger sa umpisa subalit napalitan na ito ng pag-iyak nang mapagtanto niyang mahirap alisin ang mga galamay o tentacles ng octopus na halos sumasakop na sa kaniyang buong mukha.
Source: South China Morning Post
Source: South China Morning Post
Hindi naman masamang sumubok ng mga bagong bagay o gawain upang makaipon ng napakaraming views ang gagawing video. Lagi lang sana nating alalahanin na planuhin natin ng maayos ang mga ito upang maiwasan ang maaaring peligro na dulot nito sa ating buhay. Mas maganda na ang nag-iingat kaysa magsisi tayo sa huli.
COMMENTS