Idol Raffy Tulfo pina-iyak si Ivana alawi
![]() |
Larawan ay mula sa Google |
Pano iprank si Ivana Alawi?
Paano mo nga ba ipa-prank ang isa ring Prankster?
Ito ang tanong na pumasok sa isip ni Raffy Tulfo.
Sa pinakabagong video uploaded sa YouTube channel ni Idol Raffy, sinubukan niyang i-prank si Ivana Alawi.
Si Ivana Alawi ay kilalang model, aktres at you-tube vlogger. Kabilang siya sa mga pinakatanyag at pinakamabilis na nakakuha ng napakalaking tagasunod at sa kanyang mga social media account.
Ngayon, halos lahat ng mga kalalakihan sa bansa ay naiisip ang tungkol sa kanyang napakagandang mukha at katawan. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan ang kanyang mga larawan ay ibinahagi nang maraming beses sa lahat ng mga social media site.
Samantala, si Raffy Tulfo, na isa rin sa sikat na YouTuber. Hiniling ng kanyang mga staff sa "Raffy Tulfo In Action" na i-prank si Ivana.
Kaya naman nagpasya si Ido Raffy na gumawa ng fake o scripted na segment para maging makatutuhanan ang pagpa-prank kay Ivana.
Ang nasabing prank ay mapapanood sa "Raffy Tulfo In Action" Youtube Channel. At maypamagat na "IVANA ALAWI, NAPAIYAK NI IDOL RAFFY. ITO ANG PRANK NA PARANG TOTOO!"
Sa umpisa ng video prank ay nagpa-final rehearsal sina Idol Raffy.
Tumawag si Idol Raffy ng isang tao, ang kanyang kasabwat upang maging tiyak at planado.
Nag-uusap sila ng complainant na parang pangkaraniwang ginagawa nila sa kanilang segment.
Kasama ang kanyang mga staff at pati na din ang magaling nilang abogado.
Pagkatapos ay idinagdag ni Raffy ang ilang mga tagubilin sa kung paano nila matagumpay ang prank.
Noong natapos na silang ma-rehears, Tinawagan na ni Idol Raffy si Ivana.
Bago pa man mag-umpisa ang prank sinabi ni Ivana kay Raffy na na idol niya ito.
Sagot naman ni Idol Raffy ay Idol ka din lahat ng staff ko, hanggang sa mga guard at driver.
Nagsimula na nga ang "fake segment".
Nagulat si Ivana ng malaman niya na may nagrereklamo sakanya dahil ang buong akala niya ay magge-guest lang siya.
Ang naging reklamo ng complainant ay ang mga relief goods na galing kay Ivana. Na siyang naging dahilan ng kanyang pagsusuka at pagkasira ng tiyan.
Napakagaling ni Idol Raffy at ng kanyang mga staff dahil paniwalang paniwala si Ivana sa kanilang "fake segment".
Kaya naman nagpaliwanag si Ivana na ang nais lamang niya ay maktulong sa mga taong nangangailangan at hindi niya akalain na ganun ang mangyayari.
Dahil sa galing nila Idol Raffy ay umabot na sa puntang naiiyak na si Ivana.
At sa huli ay inamin na din ni Idol Raffy na prank lang ang lahat at humihingi siya ng paumanhin kay Ivana.
Tuwang tuwa naman ang nanay at kapatid ni Ivana na si Mona dahil sa simula palang ay alam na pala nila na prank lang ang lahat.
Ang galing pala ni Idol Raffy mag prank. Sino pa ang gusto niyong i-prank ni Idol Raffy?
Source: Raffy Tulfo In Action - Youtube Channel
COMMENTS