Source: Showbiz Bulletin Nitong mga nakaraang araw, naging usap-usapan ang biglaang pagkawala sa ere ng television network na ABS-CBN matap...
![]() |
Source: Showbiz Bulletin |
Nitong mga nakaraang araw, naging usap-usapan ang biglaang pagkawala sa ere ng television network na ABS-CBN matapos patawan ng ceased and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa expired na prangkisa nito.
Dahil dito ay maraming mga Kapamilya stars ang naglabas ng kani-kanilang reaksiyon at saloobin, at isa na nga rito ang aktres na si Jodi Sta. Maria.
At kamakailan lamang ay ginamit nga ni Sta. Maria ang kaniyang Instagram account upang ilabas ang kaniyang saloobin at opinyon sa pagpapa-shut down sa kaniyang home network. Sinabi niya rin dito kung paano nakatutulong ang broadcasting company sa pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko sa mga krisis na nangyayari sa ating bansa.
Source: Showbiz Bulletin
Source: Showbiz Bulletin
Nag-post din ang aktres ng isang video habang naggigitara at kumakanta ng “Blackbird” na inawit ng bandang “The Beatles.” Kasabay nito ay ipinapakita sa naturang video ang kontribusyon ng ABS-CBN sa milyong-milyong mga Pilipino.
Maliban kay Sta.Maria ay naglabas din ng kaniyang pahayag tungkol sa nangyari sa ABS-CBN ang aktor na si Coco Martin. Sa kaniya ring Instagram post, tila inaatake ni Martin ang NTC tungkol sa desisyong ipinataw nila sa Kapamilya network.
Source: Showbiz Bulletin
Subalit, nagtulak naman ito upang ipakita ng ilan nilang kasamahan ang pagkadismaya nila sa aktor. Isa na nga rito ang dating cameraman ng ABS-CBN na si Journalie Payonan.
Source: Showbiz Bulletin
Sa video na inilabas niya sa kaniyang social media account, ibinunyag ng cameraman ang ilang mga “masasamang” gawain ng ABS-CBN na naranasan ng ilan nilang mga empleyado. Inilahad niya rin ang kaniyang mapait na karanasan sa mahabang panahon noong nagtatrabaho pa lamang siya sa naturang network.
Ayon kay Payonan, nagsimula siyang magtrabaho sa ABS-CBN noong 1997 subalit nagpasya siyang umalis dito dahil wala raw siyang nakukuhang benepisyo mula rito.
Source: Showbiz Bulletin
Source: Showbiz Bulletin
Ikinuwento niya ring may ilang mga dating empleyado ang sumama sa kaniya upang magsampa ng kaso sa naturang network dahil tulad niya ay wala silang nakuhang benepisyo sa pagtatrabaho nila rito sa loob ng halos higit isang dekada.
Matapos naman daw ang ilang mga taon, nanalo naman daw ang kaso nila sa Court of Appeals. Noong 2010, matapos ang pagdinig, nakipag-usap daw sa kanila ang ABS-CBN at sinabing bibigyan pa raw sila ng bagong kontrata sa ilalim nito. Subalit, nagulat na lamang daw sila nang bigla na silang tinanggal sa kani-kanilang mga trabaho.
Source: Showbiz Bulletin
Nang mapanood ni Sta. Maria ang video na ito ni Payonan, ginamit niya ang kaniyang social media account upang ihayag ang kaniyang saloobin:
“Hindi po perpekto ang ABS-CBN.” Dagdag pa ng aktres, “Lahat tayo may freedom.”
Anong masasabi niyo sa mensahe ni Jodi?
Source: Showbiz Bulletin
COMMENTS