Kilalanin ang mga lalaking dumaan sa buhay ni Marian Rivera

Sino-sino nga ba ang mga lalaking dumaan sa kaniyang buhay, bago makasama ang mister na niya ngayon na si Dingdong Dantes?

Larawan ay mula sa marianrivera - Instagram

Isa sa mga sikat na artista sa panahon ngayon si Marian Rivera, o Marian Rivera Gracia-Dantes. At isa rin siya mga personalidad na nadawit sa iba’t ibang mga kontrobersiya.


Larawan ay mula sa Google

Sino-sino nga ba ang mga lalaking dumaan sa kaniyang buhay, bago makasama ang mister na niya ngayon na si Dingdong Dantes?

Larawan ay mula sa Google

Inamin dati ni Marian na nagkaroon na siya ng tatlong romantic relationships bago pa pumasok sa showbiz. At sinasabing ang pangatlo raw ang pinakamatagal at pinakaseryoso na naging karelasyon niya noon.

Si James Blanco ay isa sa mga artistang sinasabing naging karelasyon ni Marian. Ayon sa mga source, sinasabing ang kanilang relasyon ay nangyari bago pa pumasok sa industriya ng showbiz si Marian, na kasalukuyan pa lang na isang college student sa La Salle - DasmariƱas, Cavite. Noong mga panahong iyon ay pinapahiraman pa raw ni James si Marian ng kotse. Wala pa raw kasing sasakyan noon si Marian at nagko-commute siya araw-araw. Walang kompirmasyon si Marian tungkol sa usaping ito. Pero ayon sa mga balita noon, nagde-date raw ang dalawa, sa kadahilanang wala naman daw steady-boyfriend noon si Marian. Naging napaka-ingat din ni James sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa isyung ito. Naungkat lamang daw ang isyu sa dalawa nang lumabas ang tungkol sa relasyon umano nina Marian at Mark Herras. Sabi ni James, ayaw daw niyang sa kaniya manggaling ang isyu sa kanila ni Marian at baka ano pa ang sabihin ng kampo ni Marian, lalo na’t ang kaniyang dating manager ang siyang nagma-manage sa dating baguhan pang aktres. Pero base raw sa mga past interviews kay James, mukhang nagkaroon nga raw sila ng panandaliang relasyon. Hindi raw totoong naki-live in ang aktor sa aktres, at napabalita ring ikinakahiya umano ni Marian ang naging relasyon niya kay James. Wala raw naging commitment sa pagitan nila, kahit na dalawang buwang silang lumabas-labas noon.

Larawan ay mula sa Google

Sunod nga rito si Mark Herras. May nagsasabi noon na kaya lamang umugong ang pangalan ni Marian ay sa kadahilanang na-isyu sila ng tinaguriang “Bad Boy on the Dance Floor” na si Mark. Sabi sa balita, si Marian ang “next-in-line” ni Mark pagkatapos ni Jennylyn Mercado. May lumabas ding blind-item noon tungkol sa “kandungan scene” di-umano nina Mark at Marian, “with matching French kissing”. Nang lumalala ang isyu tungkol dito ay parehong itinanggi ng dalawa ang isyu at naunsyami ang papausbong na romantic relationship sa pagitan nila. Mas nag-concentrate na lang daw si Marian sa kaniyang career. Noong panahon ding iyon ay on-and-off ang relasyon ni Marian sa model, aktor, at basketball player na si Ervic Vijandre. Sa inilabas naming pahayag ng manager ng aktres, ini-entertain lamang daw ni Marian ang pangliligaw ni Mark dahil sa ito’y mabait at magalang.

Larawan ay mula sa Google

Si Ervic Vijandre naman ang sinasabing pinakamatagal at pinakaseryosong nakarelasyon noon ni Marian. Isa siyang aktor, model, at basketball player. Nagkakilala raw sila ng aktres noong sila ay nasa high school pa lamang sa St. Francis of Assisi College noong United Nations Day. Si Arvic ay nasa Taguig campus, samantalang si Marian ay nasa Bacoor campus. Nang maging sila raw ay nagko-commute pa si Marian mula Cavite hanggang Taguig para dalawin ang lalaki. Noon ay napabalita ring may iba pang isinabay na mga girlfriend si Ervic kay Marian, na siya namang tinitiis ng huli dahil sa pagmamahal. Walong taon daw tumagal ang kanilang relasyon.

Larawan ay mula sa Google

Taong 2008 nang mapabalitang si Marian ang naging tunay na dahilan sa hiwalayang Karylle at Dingdong Dantes. Gayunpaman, itinanggi nang bawat kampo ang isyu. Ayon kay Dingdong, conflict of priorities ang tunay na dahilan kaya pareho nilang napagdesisyunan ni Karylle na maghiwalay. Nang tinanong naman si Karylle, hindi niya diretsahang naipaliwanag ang dahilan dahil hindi rin naman daw maiintindihan ng mga tao ang mga bagay sa relasyon nila ni Dingdong, na sila lamang ang nakakaalam.

Nang tinanong naman si Ervic kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang break-up ni Marian, sinabi niyang “wala lang, petty quarrel na nangyayari” sa kanila na naaayos naman dati. Maugong na raw noon ang balitang mag-on na sina Marian at Dingdong, pero hindi raw siya naniniwala.

At sumunod na nga rito ang relasyon ni Marian kay Dingdong Dantes. Unang nagkakilala ang dalawa noong taong 2007 nang gawin nila ang remake ng hit Mexican series na “Marimar”. Ayon kay Dingdong, nang unang mahawakan niya raw ang kamay ng aktres sa taping ay may naramdaman na raw siya. “Purely working relationship” daw ang mayroon sa dalawa noon. Ngunit noong June 2009, matapos ang naging team-up nila sa “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang” ay nagsimula na raw silang maging mas close sa isa’t isa.

Larawan ay mula sa marianrivera - Instagram

Magkasama na nga raw silang nagwo-work out at bumabiyahe sa ibang bansa. Noon ngang August 2009, ika-25th birthday ng aktres, ay spotted na nga ang dalawang magka-holding hands. Noong February 2010, sa isang exclusive interview, ay inamin na nga nila na mayroon silang special relationship. Matapos nga ang limang taon ay ikinasal ang dalawa noong December 30, 2014 sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Quezon City.

Larawan ay mula sa marianrivera - Instagram

Sa wedding vow nga ni Dingdong, sinabi niya: “… I can jump off any cliff, no matter how high, as long as I know you are there, holding my hand. Today, I found the reason why I was born…”

Para naman kay Marian, “… Salamat dahil ikaw ang sagot sa lahat ng dasal ko na ibinigay sa akin ng Panginoon. Salamat dahil kinumpleto mo ang ibig sabihin ng totoong buhay. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, higit pa sa buhay ko.”

Larawan ay mula sa marianrivera - Instagram

Sa kasalukuyan nga ay biniyayaan na sila ng dalawang supling na kahit sa murang edad pa lamang ay gumagawa na ng ingay dahil sa taglay nilang good looks na talaga nga namang namana nila sa kanilang mga magulang.

Larawan ay mula sa marianrivera - Instagram


Source: Showbiz Broadcast - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Kilalanin ang mga lalaking dumaan sa buhay ni Marian Rivera
Kilalanin ang mga lalaking dumaan sa buhay ni Marian Rivera
Sino-sino nga ba ang mga lalaking dumaan sa kaniyang buhay, bago makasama ang mister na niya ngayon na si Dingdong Dantes?
https://1.bp.blogspot.com/-dBTnp37SmC4/XtFH5aOW1FI/AAAAAAAAHmU/A9u97gFie3MYgjqdCrjM1Bbdcxw5gomIACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252818%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-dBTnp37SmC4/XtFH5aOW1FI/AAAAAAAAHmU/A9u97gFie3MYgjqdCrjM1Bbdcxw5gomIACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252818%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/kilalanin-ang-ga-lalaking-dumaan-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/kilalanin-ang-ga-lalaking-dumaan-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy