Kilalanin ang mga 16 na babaeng dumaan sa buhay ni Willie Revillame!

Kilalanin ang mga 16 na babaeng dumaan sa buhay ni Willie Revillame


Source: SamAnne's TV

Kilala si Willie Revillame, “Kuya Wil” sa nakararami, bilang isang milyonaryo. Bukod dito, isa rin siyang host at ang kanyang program ang nagiging daan upang tumulong sa mga nangangailangan.
            
At sa kanyang pagiging isang sikat na personalidad, hindi maiiwasan na pag-usapan ang kanyang buhay.
           
Larawan ay mula sa Facebook

Narito ang 16 na babaeng dumaan sa buhay ni Kuya Wil.

Una na rito ay si Princess Punzalan. Siya ang unang asawa ni Kuya Wil, ngunit ang kanilang pagsasama ay tumagal lamang ng limang taon. Nasa California na ngayon si Punzalan at nakapag-asawa ng isang Amerikano. Sila ay mayroon nang anak na lalaki.
Larawan ay mula sa Google

            
Sunod naman dito si Liz Almoro. Umibig sa ikalawang pagkakataon si Kuya Wil sa katauhan ng dating beauty queen. Kinasal ang dalawa noong March 2005. Dalawang taon lamang ang itinagal nila, ngunit nagkaroon sila ng anak na si Juan Emmanuel. 
 Larawan ay mula sa Google

Pangatlo, si Nadine Ignacio. 19 years old at isang tourism student pa lamang si Ignacio nang ma-link kay Kuya Wil. Nagkatagpo ang dalawa nang mag-guest si Ignacio sa programa ng host bilang isa sa mga kandidata ng isang fitness gym pageant. Aminado raw si Kuya wil na naging magaan ang kanyang loob sa dalaga, pero itinanggi niyang niligawan niya ito. Kalaunan, napabalitang naging magkasintahan din daw sila.

Larawan ay mula sa Google

Si Lara Quigaman naman ay naging host sa show ni Kuya Wil. Kasunod ng balitang naghiwalay na sila Kuya Wil at Ignacio, na-link naman si Quigaman sa host. Nilinaw naman ng dating beauty queen na wala siyang kinalaman sa nasabing break-up. Na-link si Quigaman sa host matapos niyang makatanggap ng bulaklak at relo mula rito.

Larawan ay mula sa Google

            
Malaki naman ang naging bahagi ni Kuya Wil sa pagsikat ni Mariel Rodriguez. Hindi sila na-link, pero sumikat bilang host si Rodriguez matapos siyang maging isa sa mga host sa show ni Kuya Wil.


Larawan ay mula sa Google

            
Maliban sa pagiging co-host, naging leading lady ng komedyante si Roxanne Guinoo sai pelikulang “Mr. Housewife”.
Larawan ay mula sa Google

            
May tsismis ding kumalat na nagkarelasyon sina Kuya Wil at Cristine Reyes. Ngunit nang tinanong ang aktres tungkol sa isyu, sinabi niyang sila’y magkaibigan lamang.
            
Larawan ay mula sa Google


Nagkaroon ng tsismis sa pagitan nina Kuya Wil at sa kapatid ni Reyes na si Ara Mina. Na-intriga siya sa host nang isama siya sa entourage ng dati nitong programa sa pagpunta sa Guam. Kagaya ng kanyang kapatid, sinabi ni Mina na magkaibigan lang sila.

Larawan ay mula sa Google

            
Naging awkward naman si Danita Paner nang ma-link siya kay Revillame. Sabi niya, malapit daw siya kay Revillame sa kadahilanang family friend nila ito. Wala raw namagitan sa kanilang dalawa.

Larawan ay mula sa Google

            
Marami naman ang kinilig nang mag-tandem sina Kuya Wil at Shalani Soledad sa dati nitong programa. Madalas tuksuhin ng mahiyaing konsehala ang host, at inaalaska naman ito ni Revillame. Hirit ni Kuya Wil,  siya ang tumulong sa pagmo-move on ni Soledad mula sa break up nila ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Larawan ay mula sa Google

            
Na-intriga naman si Miriam Quiambao nang makatanggap siya ng regalo mula kay Revillame. Sabi niya, nakatanggap lamang siya bilang pasasalamat ng host sa pag-guest niya sa kanyang programa.

Larawan ay mula sa Google

            
Si Camille Villar naman ay anak ni Sen. Cynthia Villar. Si Camille ay napabalitang nakipag-date umano kay Kuya Wil. Itinanggi naman ito ni Camille at sinabing malapit na kaibigan lamang ng kanilang pamilya ang komedyante.
            

Larawan ay mula sa Google

Isa rin si Ariella Arida sa mga co-host ni Kuya Wil. Naimbitahan siya ng host na mag-hot sa “Wowowin” dahil napansin daw nito ang kanyang personalidad at husay.

Larawan ay mula sa Google

            
Si Mariomente Revillame naman ang ikatlong anak ni Kuya Wil. Nag-viral ang litrato ng dalaga nang mapansin ng mga netizen na puwede siyang mag-artista.
            
Larawan ay mula sa Google


Ang panganay na anak naman ni Revillame ay si Meryll Soriano. Ang kanyang ina ay si Bec-bec Soriano.
            
Larawan ay mula sa Google


At panghuli ay si Bec-bec Soriano. Siya ay kapatid ni Maricel Soriano. Si Bec-bec ay ang teenage sweetheart ni Kuya Wil. At ang bunga nga ng kanilang pag-iibigan ay si Meryll.
Larawan ay mula sa Google







Source: SamAnne's TV - Youtube

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Kilalanin ang mga 16 na babaeng dumaan sa buhay ni Willie Revillame!
Kilalanin ang mga 16 na babaeng dumaan sa buhay ni Willie Revillame!
Kilalanin ang mga 16 na babaeng dumaan sa buhay ni Willie Revillame
https://1.bp.blogspot.com/-yQ0yGmD37eQ/XrOJkAvEbVI/AAAAAAAAEx4/zf5Be4kUwoYIAy7hN6BdOKeJKsAb1HUDwCNcBGAsYHQ/s1600/54.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-yQ0yGmD37eQ/XrOJkAvEbVI/AAAAAAAAEx4/zf5Be4kUwoYIAy7hN6BdOKeJKsAb1HUDwCNcBGAsYHQ/s72-c/54.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/kilalanin-ang-mga-16-na-babaeng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/kilalanin-ang-mga-16-na-babaeng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy