"YAN! TAGALOG AT ENGLISH NA PO YAN! PARA MAS MAINTINDIHAN NYO!Hindi na sapat ang manahimik lang sa situwasyon ngayon. Lalo na’t puno ng trolls, tards,
Maraming mga celebrity at mga kilalang personalidad ang nagpahayag ng suporta sa kanilang home network.
Ang iba ay nanghingi ng dasal, habang ang mga ilan naman ay naglabas ng personal na saloobin sa nangyari.
Ngunit ang mga bashers at trolls ay patuloy sa kanilang pamba-bash sa naturang network.
Iginigiit ng bashers na tama lang ang sinapit ng network, dahil marami na umano itong paglabag sa batas.
Natural namang dumepensa ang mga celebrities para sa ABS-CBN.
Isa na dito si Kim Chiu, na hindi na nakapagtimpi at nagsalita na din sa social media. Para ipagtanggol ang network na tulong sa kanya na makaahon sa kahirapan.
Una ay naglabas ng hinaing si Kim sa kanyang Instagram account na chinitaprincess na naglalaman ito ng pagtugon sa mga bashers, pagpapasalamat ABS-CBN at hihihilang na ibalik na ang nagsarang Network na kung saan sila nagtatrabaho.
Ito ang mismong post ni Kim sa kanyang Instagram account:
"YAN! TAGALOG AT ENGLISH NA PO YAN! PARA MAS MAINTINDIHAN NYO!Hindi na sapat ang manahimik lang sa situwasyon ngayon. Lalo na’t puno ng trolls, tards, bashers at kung ano man ang tawag sa kanila. Sa mga taong nagtatago sa likod ng sampu, benteng account! Para lang murahin kami! Pagsalitaan ng masama! Apak apakan!!!ikinayaman nyo ba yan?!!! Ang sabihan kami ng masasamang salita?!!!! Oo hindi ako graduate ng LAW. Pero nagsikap ako para marating kung nasaan ako ngayon DAHIL YUN SA KUMPANYANG ITO NA HANDANG TUMULONG SA BAWAT PILIPINO!!! ❤️💙💚 nakilala nyo kami dahil napanood nyo kami sa ABSCBN!
Hindi na kami dapat matakot sa inyo!!!Kailangan na natin magsalita at Ipaglaban ang tahanang nagbigay sa atin ng inspirasyon, ng ngiti sa labi at lumalaban ako ngayon dahil ito ang tahanang naglagay sa akin sa kung nasaan man ako ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa ABSCBN. #hindikamitatahimik #lalabanparasakatotohanan #notoabscbnshutdown
sana ay tulungan nyo rin po kami MGA KAPAMILYA. #NotoAbsCbnShutdown SA LAHAT NG BUMUBUO NG NTC, kay solgen calida at sa lahat ng may tao sa likod ng cease and desist order sana po ay IBALIK NINYO ANG KARAPATAN NG ABSCBN SA MALAYANG PAMAMAHAYAG. 🙏🏻💔"
Sa kanilang #LabanKapamilya online rally ay nag salita din si Kim Chui.
At ito ang kanyang naging pahayag panoorin natin:
Source: chinitaprincess / Instagram
COMMENTS