Kuya Kim Atienza, nagpaliwanag na wala umanong nilabag na batas ang ABS-CBN

Sinunod daw ng ABS-CBN ang batas, ayon pa rin kay Atienza. Ito rin daw ang unang sumunod sa batas noon pang 2010.

         

Mga larawan ay mula sa Google

Dahil nga sa biglaang pagkawala sa ere at pag-shut down ng television (TV) network na ABS-CBN, samot-saring reaksiyon ang inanin nito mula sa iba’t ibang mamamayan.            

May ilang pabor sa pag-shut down dito habang ang iba naman ay nalungkot at nadismaya sa ipinataw na desisyon sa naturang istasyon. Mapa-celebrities man, politiko o karaniwang mamamayan ay may opinyon at komento tungkol dito.

Larawan ay mula sa Google

At sa isa ngang video, habang kinakapanayam ng talk show host na si Boy Abunda, ipinaliwanag ni Kuya Kim Atienza na wala raw nilabag na batas ang ABS-CBN.

Larawan ay mula sa Google

Sa tanong ni Abunda kung ilan ang pending application for franchise renewal ng naturang istasyon sa Kongreso, sagot ni Kuya Kim:

Isa lamang ang hinihingi nating prangkisa – at ito ay para sa main channel natin na ABS-CBN. Ngayon, we are still broadcasting via our digital franchise, ‘no. Tingnan natin kung paano natin nakuha ‘yong digital franchise natin. Ito ay isang batas ng NTC in 2010, requiring all channels to go digital. At napakagaling ng ABS-CBN dahil tayo ang unang naging digital.

Sa pagkukuwestiyon naman sa kanila na kung iiisa lamang ang prangkisa nila para sa digital, bakit daw anim na channel ang pinapatakbo nila? Ang sagot: kaya raw may digitalization ay upang mas marami raw channels ang mailagay sa isang frequency. Kaya halimbawa na lamang daw sa Amerika, kaya raw daan-daan ang mga channels doon ay dahil lahat ng ito ay digital. Dito raw sa Pilipinas, anim na channels daw ang puwede sa ibinigay sa kanilang digital frequency.

Nagtanong uli si Abunda: wala raw bang nilabag na batas ang ABS-CBN mula sa analog at digital nito? “Walang nilabag na batas,” agad namang sagot ni Atienza.

Sinunod daw ng ABS-CBN ang batas, ayon pa rin kay Atienza. Ito rin daw ang unang sumunod sa batas noon pang 2010.

Ilan ang bills na naglalaman ng application ng franchise renewal para sa ABS-CBN?” muling pagsisiyasat ni Abunda. Nagbanggit ng mga pangalan ng kongresista si Atienza saka sumingit si Abunda na sa pagkakaalam niya raw ay mayroong 11 applications.

Ibinahagi ng kilalang talk show host sa susunod na bahagi ng video na may mga nababasa raw siyang nagtatanong na ano raw ba ang ginawa ng istasyon at bakit hindi agad nadinig at nabigyan ng aksyon sa kongreso. Hiningi niya ang komento ni Atienza tungkol dito:

Well, I’d like to give Speaker Alan Peter Cayetano the benefit of the doubt… Busy lamang ang Kongreso,  at marami silang ginagawang bagay at naabutan pa ng COVID… I’d like to bring back his word to him – he committed to his job… Didinggin ang ating prangkisa, ibibigay ang prangkisa kung kailangan. At ‘yan ang inaasahan natin kay Speaker Alan Peter… Puwede pa.

Komento naman ni Abunda, bakit tila nagbago ang isipan ng NTC dahil sinabi raw nila rati na gagawaran ng probisyon ang ABS-CBN upang makapagpatuloy sa pag-ere nito.

Bakit ba nawala sa ere ang ABS-CBN na maiindtindihan namin…” sabi ni Abunda na nais malinawan sa nangyari sa istasyon.

Alam mo napakasimple, Pareng Boy. Dahil naglabas ang National Telecommunications Commission na itigil ang operasyon nito noong May 5. By way of ceased and deceased order. Ang agreement, base sa usapin sa Senado, naglabas ng resolusyon ang Kongreso, naglabas ng resolusyon ang Senado telling the NTC to give us a provisional permit,” ani ni Atienza.

Sa sumunod na bahagi ay kaklaruhin ni Abunda ang sinabing ito. Naglabas ng resolusyon ang Senado, naglabas ng sulat ang Committee on Congressional Franchises na pinirmahan daw ng Speaker of the House at ng Committee Chairman.

Ang tanong uli ni Abunda, kung nagbigay ng order ang Senado via resolution at nagbigay ng sulat ang Speaker of the House at Chairman ng komite, bakit daw hindi ito sinunod ng NTC?

Alam mo, nagulat nga ang lahat. Kasi, I remember noong May 5, biglang ceased and deceased order ang biglang dumating sa atin. Base doon sa kasulatang lumabas, at naibalita sa napakaraming pahayagan, nakakita ng dokumento na ang Solicitor General ay naglabas na kapag ikaw ay nagbigay ng provisional permit to operate sa ABS-CBN, kakasuhan ka namin… Kaya imbes na permit ang ilabas ay naging ceased and deceased…” sabi ni Atienza.



Source: Pinas Viral - Facebook Page

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Kuya Kim Atienza, nagpaliwanag na wala umanong nilabag na batas ang ABS-CBN
Kuya Kim Atienza, nagpaliwanag na wala umanong nilabag na batas ang ABS-CBN
Sinunod daw ng ABS-CBN ang batas, ayon pa rin kay Atienza. Ito rin daw ang unang sumunod sa batas noon pang 2010.
https://1.bp.blogspot.com/-CMtDH02mBjE/Xr8Kl4JRYtI/AAAAAAAAF4Y/Fx8E7dP3m8IIFpLLAEd4r3AAUPUgTtjZwCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252812%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-CMtDH02mBjE/Xr8Kl4JRYtI/AAAAAAAAF4Y/Fx8E7dP3m8IIFpLLAEd4r3AAUPUgTtjZwCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252812%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/kuya-kim-atienza-nagpaliwanag-na-wala.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/kuya-kim-atienza-nagpaliwanag-na-wala.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy