Lalaki, nanghablot ng bag upang makita kung may maibabayad sa kanyang nagasgas na sasakyan

Hindi maiiwasang magkaroon ng banggaan sa giant ng kalsada. Minsan, dito nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga motorist.

Mga larawan ay mula sa Facebook video post


Hindi maiiwasang magkaroon ng banggaan sa giant ng kalsada. Minsan, dito nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga motorist. Masuwerte na lang kung ang drayber ng nabangga mong sasakyan ay naging mahinahon at inalam pa ang iyong kalagayan. Malas na lang din kung hihingan ka ng pera para sa naging pinsala. Ang masama ay kung hinablot pa ang iyong bag para lamang makita kung may maipambabayad ka.

Sa Facebook video post ng Trending News Today, mababasa ang ganitong caption: “SA PANAHON NGAYON SANA WAG NA PURO PERA ANG INIISIP. HINABLOT ANG BAG AT WALLET PARA DAW MALAMAN KUNG MAY PANG BAYAD SA GASGAS, PERO KINUHA AGAD ANG PERA. SA PANAHON NGAYON SANA WAG NA PURO PERA ANG INIISIP. MGA NETIZEN NA PO ANG MAG HUHUSGA SA IYONG GINAWA.”

Makikita sa video ang isang lalaki tila nakikipag-usap sa kumukuha ng video tungkol sa banggaan ng kani-kanilang sasakyan.

Sabi ng lalaki, “Hindi nga, mali nga ‘yong reasoning mo doon. Hindi mo ako titigilan kasi akala ko nga rin kung anong tumama sa akin. I mean ito, hindi kita.”

Sagot naman ng kumukuha ng video, “Pero bakit nagpuwersahin kang kukunin ‘yong pera namin, sir?”

Sabat naman ng lalaki na ayos na ang usapan sa P5,000. Dagdag pa niya na ang alam niya’y P7,000 pa raw ang per panel ngayon.

Nakikiusap na nga raw ang mga hinihingan pero bakit pinuwersang kinuha ang bag.

“Eh wala kang  karapatang kunin ‘yong bag niya, sir, na hahablutin mo. Wala kang karapatan doon, sir.”

Sabi ng lalaki na tinataguan umano siya ng pera. Sagot naman ng mga hinihingan, ano pa raw ba ang maitatago nila gayong kinuha na raw lahat ng lalaki.

Pinipilit din namang ipabukas ng lalaki ang wallet ng kasamahan ng kumukuha ng video.

Patuloy rin naman nakikiusap ang mga kinuhanan ng pera. Sabi nila, ang pera ay pangreseta nila. Nanganganak daw kasi ang asawa ng isa sa kanila.

“Eh sino bang naka-abala sa akin?”, tanong ng lalaki.

Sagot naman ng kumukuha ng video na wala namang may gusto sa kung ano ang nangyari, ang lahat ay pawang disgrasya lamang. Aminado naman ang dalawa na sila ang nakadisgrasya.

Gusto namang pumunta ng lalaki sa talyer upang mapag-usapan kung magkano ang repair sa sasakyan ng lalaki. Ngunit, sabi naman ng mga kinuhanan ng pera na sa pulis na lamang sila dumiretso para mas makapag-usap sila ng maayos.

Hawak na nga ng lalaki ang perang hinablot niya umano sa kumukuha ng video. Binilang pa nga ng humablot ang perang nagkakahalaga ng P2,500.

“O ba’t mo kukunin ‘yong pera, agad? Pambili nga namin ‘yan ng gamot, reseta ‘yan sir, kung tutuusin.”

“Eh nang-aaksidente kayo eh!”

Dagdag pa ng mga kinuhanan ng pera na namumuwersa na ang lalaki.

“Kung pinakita mo lang ‘yang bag mo. Eh ayaw mong ipakita.”

“Paano, sir, kung ipapakita na namin, sir?”

“Eh di para magkaalaman kung mayroon ba kayong ibabayad o wala. ‘Yon lang.”

Ipinakita naman sa video na gasgas lang ang mayroon sa sasakyan ng lalaki. Gayunpaman, pilit pa ring humihingi ng P5,000 ang lalaki sa mga nakadisgrasya umano sa kaniya.

“’Pag pininturaha ba ‘yan ito lang? Buo ‘yan!’

Pilit pa ng lalaki na may lubog sa kaniyang sasakyan.

Sagot naman ng kinuhanan umano ng pera, “Saan ‘yong lubog diyan? Wala namang lubog ‘yan eh… hindi ‘yong pupuwersahin mo kami, parang namemera ka na eh.”

Minura naman sila ng lalaki at sinabing siya na nga ang naagrabyado. Ani naman ng mga nakadisgrasya umano sa kaniya na pag-usapan nila ng maayos ang naging problema, hindi ‘yong bigla na lang hahablutin ang kanilang mga bag.

Ibinahagi pa ng lalaki na minsan na raw siyang nabangga ng traysikel at hindi siya binayaran.

“Ang sinasabi ko lang sa inyo, ipakita niyo sa akin bag niyo.”

“Bakit ipapakita namin?”

“Malay ko ba kung may itinago pa kayong pera diyan!”

“Bakit mo kinukumpiska ‘yong pera namin?... wala nga iyan kung tutuusin oh… Namemera ka na eh, hinablot mo ‘yong pera ko… Ipinakita ko wallet ko tapos kinuha moa gad ‘yong pera, ano ‘yon? Wala kang karapatang kunin ‘yong pera ko, kung wala tayong napagkasunduan. Dapat magkasundo tayo kung anong mayroon hindi ‘yong hahablutin, kukunin agad ‘yong pera.”

Pinipilit pa rin ng lalaki na makita ang laman ng bag ng dalawa.

Nang binanggit ng kumukuha ng video na magpa-advice na lamang sila kay Tulfo, sumang-ayon naman ang lalaki pero bigla din siyang sumakay ng kaniyang sasakyan na tila paalis na.

Umani naman ito ng negatibong komento mula sa mga netizens.

“This is Filipino right now… humanity fade when money involved…”

“Ang kapal ng mukha ng lalaking yun, walang awa parang ikamamatay niya na may gasgas kotse niya, dapat kasuha yan , Mali nga na nasagi siya pero grabeh nakikiusap ang tao pwede naman pagusapan sa prisinto at magkaroon ng kasunduan.. mamang may kotse mabangga ka sanang hayup ka!”

“Hoy ibalik mo pera nyan qong my kasalanan yan my tamang proseso kumag ka mali yan kukunin mo pera nla mga brod demanda nyo yan.”



Source: Trending News Today

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Lalaki, nanghablot ng bag upang makita kung may maibabayad sa kanyang nagasgas na sasakyan
Lalaki, nanghablot ng bag upang makita kung may maibabayad sa kanyang nagasgas na sasakyan
Hindi maiiwasang magkaroon ng banggaan sa giant ng kalsada. Minsan, dito nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga motorist.
https://1.bp.blogspot.com/-gU1RierBI00/XsWzkta57PI/AAAAAAAAGjg/jTMU9mLLfw4-5xwIAaf_Kpx2iOEtE41TgCK4BGAsYHg/d/1a.png
https://1.bp.blogspot.com/-gU1RierBI00/XsWzkta57PI/AAAAAAAAGjg/jTMU9mLLfw4-5xwIAaf_Kpx2iOEtE41TgCK4BGAsYHg/s72-c-d/1a.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/lalak-nanghablotng-bag-upang-makita.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/lalak-nanghablotng-bag-upang-makita.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy