Isang lalaki ang namimigay ng libreng upo sa mga nagdaraan.
![]() |
Mga larawan ay mula sa Facebook ni Gary Bacos |
Kung bukal sa loob mong tumulong, kahit na anong paraan pa iyan ay siguradong makapagbibigay ng kasiyahan sa ibang tao. Gaano man kaliit ang ginawa mong pagtulong, magiging malaki naman ito sa mga taong nangangailangan.
Pinatunayan nga ito ng isang lalaki. Sa video post na
i-n-upload sa Facebook ni Gary Bacos, makikita ang isang lalaki na namimigay ng
libreng upo sa mga nagdaraan. Binibigyan niya ang mga nasa motor, trak, at
kotse. Maging ang mga nagbibisekleta at mga simpleng nagdaraan ay binibigyan
din niya. Sa dulo nga ng video ay naubos ang mga ipinamimigay niyang upo.
Sa isa namang video, makikitang kinakausap ng lalaki ang
isang lalaking naka-wheelchair. Nang tinanong kung saan pupunta ang naka-wheelchair,
sinabi nitong pupunta siya sa Golden City at nagbabakasakaling makahingi ng
tulong.
Agad siyang binigyan ng lalaki ng bigas at
tulong-pinansiyal. Niyaya pa ng lalaki ang naka-wheelchair na magpahinga.
Binigyan pa nga niya ito ng napakaraming tubig.
Sabi ng lalaki, “Mukhang biyahero ka. Marami kang
pinupuntahan, e.”
“’Pagka nga wala pong lockdown, napunta po akong
Rosario”, sagot naman ng naka-wheelchair.
Sabi naman ng lalaki, “Dumaan ka na sa akin, ako nang
tutulong sa’yo.”
Nagpasalamat naman ang naka-wheelchair at tuluyan na
silang nagpaalam sa isa’t isa.
Ang ginawang pagtulong ng lalaki ay umani ng positibong
komento mula sa mga netizens.
“Siya din yung nagpamigay ng upo na gulay.. God bless u
sir more blessings pa para marami pa kau matulungan katulad ni tatay…”
“Sir taas kamay at saludo po ako sainyo, sana po more
blessings pa po dumating sainyo, god bless you po,”
“Nice job sir sna lahat katulad nio po”
Sa Facebook account na Gary Bacos makikitang ang lalaking namimigay ng upo ay marami na din natulongan sa kanilang barangay. Kahit sa simple paraaan niya ng pagtulong ay marami ang kanyang napapasaya.
Source: Gary Bacos - Facebook
COMMENTS