Sa simula ng video ay tila may kausap ang lalaki sa loob ng bahay. Minura niya ito ng paulit-ulit. Pinipigilan siya ng iba pang mga taong nakatira sa
Ang mga nasa katungkulan ang siyang gumagabay at namamahala sa kaayusan ng bawat lugar. Sila ang dapat na mamuno sa kanilang mga nasasakupan sa pagkakaroon ng isang maayos at matiwasay na komunidad. Dapat din nilang itrato ng maayos ang bawat mamamayan, nang may paggalang at pagrespeto. Sila mismo ang dapat na maging modelo sa lahat ng tao.
Ngunit, paano kung ang mga nasa taas mismo ang nagpapasimula ng away at gulo? Sino ang dapat na magpasunod sa kanila? Dapat pa nga bang bigyan sila ng isa pang pagkakataon para magbago? Karapat-dapat nga ba talaga sila sa kanilang mga sinumpaang tungkulin?
Sa Facebook video post ng Pinoy Abroad Tambayan, makikita ang isang lalaking tila lasing na nasa labas ng gate ng isang bahay. Base sa caption ng naturang post, ang lalaking lasing ay isa umanong barangay kagawad sa Maryhomes, na nangha-harass ng taong nasa loob lang ng bahay.
Sa simula ng video ay tila may kausap ang lalaki sa loob ng bahay. Minura niya ito ng paulit-ulit. Pinipigilan siya ng iba pang mga taong nakatira sa bahay na iyon, subalit patuloy pa rin siya sa pagmumura at paghahamon.
Sabi pa ng lalaki, “Uminom ako dahil lahat ng tao rito, pasaway. Aawayin ko, lahat ng pasaway dito!”
Habang patuloy siyang inaawat ng mga residente, sinabi pa ng lalaki sa taong hinahamon niya at tinatawag niyang lumabas na mumurahin daw niya ito ng harapan.
Dagdag pa ng lalaki, “Naka-inom daw ako? Binabastos ako eh… Kaya ako naglalasing, dahil gusto kong maging matapang!”
Hindi raw siya aalis hangga’t hindi lumalabas ang taong ‘matapang’ mula sa loob ng bahay. Kinakausap naman daw niya ang mga tao sa maayos na paraan at sinasabihang walang lalabas.
Nang kinakausap na siyang muli ng mga taong nakatira sa bahay, sinabi nilang bumalik na lang sa susunod na araw. Ayon sa lalaki, minura raw siya ng taong nasa loob at hindi na niya kailangan pang ipagpa-bukas ang gagawing pagka-usap.
“’Di ako babalik dito. Bakit ako babalik dito? Para awayin kayo? ‘Di ko kayo aawayin.
Umani naman nag negatibong komento ang nasabing video.
“Bakit gano’n siya? Opisyales siya, hindi magandang
halimbawa ang ginagawa niya.”
Minura pa ng ilang netizens ang ginawang pambabastos
umang ng kagawad. Idagdag pa raw na siya ay lasing.
“Nagdahilan pa na naglasing daw para maging matapang.
Ulol!”
COMMENTS