Luis Manzano: Halos makipag-debate sa kanyang follower sa habang ng kanilang sagotan.

Dahil sa iniwang post ni Luis na “Not just about ABS, but I wonder what really caused our country to be so divided…”.

Mga larawan ay mula sa Google


Nito lamang May 05, 2020, nagsara ang ABS-CBN. Nakatanggap ito noong May 04 ng Cease and Desist Order mula sa National Telecommunications Commission (NTC), na binalaan naman ng abugado ng Duterte Administration, ang Office of the Solicitor General, na huwag gagawa ng hakbang upang makapag-operate ang network.

Ito ay kahit na iniudyok na ng Senado at Kamara ang NTC na maglabas ng provisional authority to operate para sa ABS-CBN para makapagpatuloy na umere habang nakabinbin ang prangkisa nito sa Lower House.

Sa kabilang banda, iisa lang ang nais ng mga Kapamilya stars: ito ay ang kagustuhan nilang bumalik ang Kapamilya network na itinuturing na nilang tahanan, sa himpapawid.

Magkakaiba nga lang sila ng pagpapahayag ng sentimyento. Ang karamihan ay nangangamba para sa pamilya at para sa iba pang dumedepende sa kanila. Ang ilan nama’y nagpakita ng matinding emosyon.

Kagaya na lamang ni Coco Martin na nagbitiw ngayon ng mabibigat na salita. Si Cristine Reyes naman ay pakalmado lamang ang reaksiyon. Habang itinuon na lamang ni Vice Ganda ang pansin sa Diyos at sa pananampalataya.

Nag-iwan naman ng tanong si Luis Manzano sa Facebook noong May 9: “Not just about ABS, but I wonder what really caused our country to be so divided…”

Ayon sa isang follower ni Luis, “Because each of us has different opinion, that’s what you call democracy and freedom of expression.”

“no problem with that but what I’m saying is mas kumakampi ang tao sa kulay kesa sa Pinoy”, sagot naman ng TV host.
Larawan ay mula sa pep.ph

Ang labanang ito ay wala raw kinalaman sa pulitika, ayon sa punto ng isa pang follower.

“hindi natin masisi ang tao sir kahit ikaw sir kumakampi syempre sa network mo wala nmang masama dun pero sana ganun din ang pang unawa nyo kung kumakampi naman ang mas nakararami sa BATAS AT PANINIWALA NILANG PERSONAL HINDI ITO LABANAN NG KULAY OR POLITICAL ETO AY LABAN LANG NG NETWORK NYO AT NG BATAS ANG MAMAYAN AY NAKIKISIMPATYA LANG SA ALAM NILANG TAMA PARANG KAYU NANINIWALA KAYUNG WALANG NILABAG ANG ABS.
Larawan ay mula sa pep.ph

Pinansin naman ni Luis ang naka-all caps na sagot ng follower.

“may pa caps caps ka pa pre, basahin mo unang part ng post… caps mo utak mo mas makakatulong.”
Larawan ay mula sa pep.ph

Normal lang ang pagkakaroon ng iba’t ibang paniniwala, dapat lang na maging “mapagmatyag at mapanaliksik” ang mga tao, ayon naman sa isa pang opinyon ng isang netizen.

“not just because abs,,, oo sir tama ka pero ang pinupunto mo ang pagkawatak watak ng paniniwala ng tao,,, sa madaling salita sir di mo man aminin patungkol pa din yung post mo sa issue ng abs,,, wag niyong sisihin ang mga tao sir kung nag karoon ng kanya kanyang opinyon kung naging mapag matyag at mapanaliksik ang tao un ay dahil minulat ng gobyerno ang tao NA MAGING MAPANURI AT MAKIALAM SA MGA USAPING MY KINALAMAN BANSA AT SA HALAGA NG BAWAT ISA.”

Nakiayon naman sa kanya ang Kapamilya star at ang sabi, “That I do get, what I am saying is some people look away if mali just to fit their narrative or belief, regardless of political affiliation.”
Larawan ay mula sa pep.ph

Sa kabilang banda, sinisisi naman ng isang follower ni Luis ang demokrasya dahil nasobrahan daw ito sa Pilipinas.

“Too much democracy makes a nation divided… it makes a person think everyone have a different rules to follow…”

“pwede na, is it the democracy or maybe sense of entitlement?”, sagot naman ni Luis.
Larawan ay mula sa pep.ph

Komento naman ng isa, nagkakaisa raw ang mga Pilipino ngayon sa pamumuno ng tinawag niyang pinakasikat na Presidente pagkatapos ni Ramon Magsaysay.

Ayon sa kaniya, “On the contrary, this is a rare time in our history that the nation is so united. No other Philippine president is as popular as Duterte since Magsaysay. Very high satisfaction ratings clearly indicate the Filipino people is united. Kayo lang naman na anti-duterte ang feeling divided.”
Larawan ay mula sa pep.ph

Hindi umayon si Luis sa pahayag na ito, at ginawang halimbawa si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino. Hindi niya raw naramdaman ang ganitong hidwaan sa panahon ni PNoy.

“I don’t think a survey truly represents a nation BUT I was thinking it wasn’t this divided when PNOY was president na may dilawan and another faction, with that being said, is that a good thing or bad thing? (na people are just speaking out more)”
Larawan ay mula sa pep.ph

Puna naman ng isang netizen, tila nawalan ng kontrol ang mga tao pagdating sa aktibidades nito sa social media.

Sagot dito ni Luis, “tumpak. When PNoy was still there, Pinoys are not as rabid as divided like now. Mula nang maglipana ang fake news, hatred ang division lagi ang tema. And people fall for it. Nakakatawa lang na sinasabi ng mga DDS [Diehard Duterte Supporters] na wala daw division na nangyayari and that we are united more than ever, sabay presenta ng ratings basically showing the number of people favoring one side over the other. Nakakatawang irony.”
Larawan ay mula sa pep.ph

“this isn’t exactly a praise for PNOY or that admin, what I am saying maybe people chose not to speak before if ever they were against or disappointed with how they did things?”, dagdag pa ng host.
Larawan ay mula sa pep.ph

“Wala naman kasing nagawa si PNOY at all. PNOY vs DUTERTE? Wrong comparison! Rotten Mango vs Apple.”, sabad naman isang tagasuporta ni President Duterte.
Larawan ay mula sa pep.ph

Pagtutuwid naman ni Luis sa kaniya, “this is not about PNOY and PRD, the example I gave was merely showing people weren’t that vocal that time.”
Larawan ay mula sa pep.ph

Sinabihan naman si Luis ng isang netizen na i-elaborate ang sinabi niyang hati ang bansa. Ayon sa netizen, “So divided in what way? Paki specify mo kasi. Yung statement mo laging bitin.”

Sagot naman ni Luis dito, “that most of the time (not all) people are only loyal to the colors and not the well being of the country.”

Hindi naman sumang-ayon ang isa pang follower ni Luis at sinabing, “opinion ko lang din poi to ha. I believe most us (ordinary citizens) we voice out things we believe would contribute for the well being of the country. If you are talking about the abs-cbn franchise case, actually franchise lang dapat ang issue and it becomes melodrama. This has nothing to do with the colors I believe. Ang dami na kasing twist like may kaso ang abs with BIR where in wala nmn kinalaman sa franchise yun. Ibang issue na yun. So people will tend to think the other way around and with all those info’s na naglalabasan you cannot blame the people. Wala naman may gusto na mawalan ng trabaho ang mga tao.”
Larawan ay mula sa pep.ph



Base nga sa mga naging pahayag nina Luis at ilang mga netizens, mukhang wala ngang pagkakaisa ang mga mamamayan.


Source: pep.ph

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Luis Manzano: Halos makipag-debate sa kanyang follower sa habang ng kanilang sagotan.
Luis Manzano: Halos makipag-debate sa kanyang follower sa habang ng kanilang sagotan.
Dahil sa iniwang post ni Luis na “Not just about ABS, but I wonder what really caused our country to be so divided…”.
https://1.bp.blogspot.com/-lJH3bw5mtyA/Xr8Slqwvk3I/AAAAAAAAF5g/gLjqUye2ShYq7c2H7s5Y-VjjC0GbfYB0gCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252813%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-lJH3bw5mtyA/Xr8Slqwvk3I/AAAAAAAAF5g/gLjqUye2ShYq7c2H7s5Y-VjjC0GbfYB0gCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252813%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/luis-manzano-halos-makipag-debate-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/luis-manzano-halos-makipag-debate-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy