Lyca Gairanod, hinangaan ng mga netizens dahil sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan sa panahon ng C0VID-19.

ibinahagi ni L Gairanod ang mga larawan na kung saan ay makikita siyang namimigay ng food packs at relief goods sa kaniyang mga kababayan sa Caloocan.

Mga larawan ay mula sa Instagram ni lycagairanod.1


Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong naaapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), patuloy na bumubuhos ang tulong ng iba’t ibang ahensya at mga volunteers sa mga taong nangangailangan sa panahon ng pandemya.

Ilang mga kilalang personalidad at mga sikat na artista na rin ang nagpaabot ng kani-kanilang tulong sa iba’t ibang lugar upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga frontliners, less fortunate at marami pang iba.

At isa na nga rito ang singer na si Lyca Gairanod.

Kamakailan lamang ay umugong ang kaniyang pangalan sa social media dahil sa kabutihang-loob na ipinakita niya sa mga taong lubos na nahihirapan at nangangailangan ngayon sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Gairanod ang mga larawan na kung saan ay makikita siyang namimigay ng food packs at relief goods sa kaniyang mga kababayan sa Caloocan.


View this post on Instagram

Ang aming munting tulong para sa ating kababayan 😊

A post shared by |_j (@lycagairanod.1) on

Dahil dito ay maraming mga netizens ang humanga sa kaniya.

Ani ng isang netizen, “Nakakatuwa ka naman, lalo kitang hinahangaan hindi lang sa galing mong umawit – dahil marunong kang lumingon sa iyong pinanggalingan. I love you idol.”

Ipagpatuloy lang daw ito ni Gairanod, ayon naman sa isang netizen, dahil marami raw “blessings” ang darating sa kaniya.

Sabi pa ng isa, “Pagpalain ka ni Lord, more blessings coming back to you Lyca.

Matatandaang nag-viral noon ang batang Gairanod dahil sa video niya na kung saan ay naunang nakita ang husay niya sa pagkanta habang siya ay nangangalakal upang may maitulong sa kaniyang pamilya. Siya rin ang tinanghal na grand champion sa unang season ng “The Voice Kids.” Isa rin siya sa mga sumali sa “Your Face Sounds Familiar Kids.”

Sa kasalukuyan ay wala sa spotlight ang singer dahil itinuon niya ang kaniyang atensyon at abala raw sa kaniyang pag-aaral.

Source: lycagairanod.1 - Instagram



COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Lyca Gairanod, hinangaan ng mga netizens dahil sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan sa panahon ng C0VID-19.
Lyca Gairanod, hinangaan ng mga netizens dahil sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan sa panahon ng C0VID-19.
ibinahagi ni L Gairanod ang mga larawan na kung saan ay makikita siyang namimigay ng food packs at relief goods sa kaniyang mga kababayan sa Caloocan.
https://1.bp.blogspot.com/-_F43lY_6KO8/Xs7_chSGA7I/AAAAAAAAHds/KHtAVfvyj4gMlBIrWdkKn8m95qrTI8hgACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252814%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-_F43lY_6KO8/Xs7_chSGA7I/AAAAAAAAHds/KHtAVfvyj4gMlBIrWdkKn8m95qrTI8hgACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252814%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/lyca-gairanod-hinangaan-ng-mga-netizens.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/lyca-gairanod-hinangaan-ng-mga-netizens.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy