Sa gitna ng kinakaharap nating pandemya at sobrang init ng panahon, nakuha pang putulan ng kuryente at tubig ang ang mag aamang ito.
Marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi makabalik sa kani-kanilang trabaho dahil sa dulot ng pandemyang ating kinakaharap. At dahil tuloy parin ang Extreme Community Quaratine (ECQ) marami din ang hindi pa nakauwi sa kanilang mga pámÃlyá.
Sa gitna ng kinakaharap nating pandemya at sobrang init ng panahon, nakuha pang putulan ng kuryente at tubig ang ang mag aamang ito dahil umano sa kawalan ng pambayad ng upa sa bahay at mga ibang bills.
Sa facebook post ni Pol Helen sinaad niya na bakit ganon ang sinapit ng kanyang magulang sa gitna ng krisis na atin kinakaharap.
Hindi magawang bayaran ng tatay ni Pol Helen ang nasabing bills nila sa kuryente at tubig dahil naapektuhan umano ang kanilang hanap buhay. Simula noong nagsimula ang ECQ.
Dahil padyak ang pinagkakakitaan ng magulang ni Pol ay lubhang naapektuhan ang hanap buhay ng kanyang tatay, kaya wala talagang mapagkukuhanan para mabayaran ang kanilang upa sa bahay at bills ng kuryente at tubig.
Saad pa ni Pol ay nakiusap sila na huwag putulin dahil kapag bumalik na sa normal ang pamumuhay at makakapagtrabaho na ang kanyang magulang ay mababayaran na nila ang nasabing upa at mga bills.
Ngunit hindi sila pinagbigyan at pinagpatuloy parin ang papupumutol sa kanilang kuryente at tubig.
Maiintindihan naman natin ang nagpapaupa ng bahay dahil meron din siyang kailangan bayaran na mga bills. Pero dapat mas inintindi muna sana ng nagpapaupa na wala talagang pagkukuhanan ang mga magulang ni Pol dahil naapektuhan ang hanap buhay nito dulot ng ECQ.
Sa panahon ng pandemya ay dapat ipagsantabi muna natin ang pagiging negosyante sa mga tulad ni tatay na naghihirap at lubhang naapektuhan sa kinakaharap nating krisis.
Magkaisa sana tayo at laging maaig ang pakikipagkapwa.
Source: Pol Helen
COMMENTS