Mga babaeng na-link at nakarelasyon ng nag-iisang John Lloyd Cruz!

Mga babaeng na-link at nakarelasyon ng nag-iisang John Lloyd Cruz!

Larawan ay mula sa Youtube video


Isa sa pinakasikat na aktor sa balat ng showbiz industry dahil sa kaniyang galing sa pag-arte at sa kaniyang guwapong mukha si John Lloyd Cruz. Mula noon hanggang ngayon, sa tuwing maririnig pa lamang ang kaniyang pangalan ay talaga nga namang tinitilian at hinahanggan na siya ng madla!
Larawan ay mula sa Google

At dahil nga rin sa kaniyang looks, marami ring mga kababaihan ang napaibig kay Lloydy! Sino-sino nga ba ang mga ito?

Tara na’t kilalanin ang mga dating nakarelasyon at na-date ni John Lloyd.
Una na nga sa listahan ang aktres na si Kaye Abad. Teenager pa lamang ang dalawa nang pumasok sila sa relasyon: 15 years old si Lloydy samantalang 14 years old naman si Kaye. Nangyari raw ito nang magtambal sila sa pelikulang “Nagbibinata” at “Oo Na, Mahal Na Kung Mahal.” Sinundan pa raw ito ng weekly teen series na “Tabing-ilog.” 

Sa isang interview noong 2012, sinabi raw ni John Lloyd na ang kanilang relasyon noon ay nasa “early years” ng kaniyang pagiging in-love. Ito raw ‘yong akala niya, ‘yon na talaga – ‘yon na ang lahat at ang katapusan. Hindi niya raw malilimutan na minsan siyang sobrang na-inlove kay Abad. Sa isa namang guesting appearance sa palabas ni Ka Tonying noong 2014, kinumpirma raw ni Kaye na tumagal sila ni Lloydy ng siyam na buwan lamang, dahil napakabata pa raw nila noon. Ngunit naging magkaibigan pa rin sila kahit na natapos na ang programa nilang “Tabing-ilog.” Huling nagkatambal sina Cruz at Abad sa isang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode noong 2015. Sa kasalukuyan, kasal na si Abad sa ex-PBB Housemate na si Paul Jake Castillo.
Larawan ay mula sa Google

Sa isang interview naman ni John Lloyd noong 2008 ay nagsalita siya tungkol sa naging relasyon niya kay Krista Ranillo na umabot lamang daw ng seven months. Approved daw sa pamilya ni Ranillo si Cruz dahil sa “good boy image” niya. Ngunit, ayon naman daw kay Krista, sa pagkakaalam niya raw ay umabot lamang ng tatlong buwan ang kanilang relasyon. Ayon pa rin kay Krista, nagkakilala raw sila ni John Lloyd sa programang “GMA Love Stories” kung saan katambal niya si Roxanne Barcelo. Sinabi rin ni Ranillo sa PEP.ph na nangyari raw ang kanilang relasyon nang matapos ni Cruz ang series na “Tabing-ilog.” 

Apat na buwan daw siyang niligawan ni Lloydy at three months naging sila. Naghiwalay raw sila nang pumunta sa Amerika si Krista; tumigil-tigil daw kasi ang komunikasyon nila sa isa’t isa. Naalala raw niya na napapanood niya sa “The Buzz” si Lloydy at sinasabing nami-miss siya. Subalit, nang bumalik daw sa Pilipinas si Krista, ay iba na ang girlfriend ni John Lloyd! Subalit ayos lang daw it okay Krista. Naging kontrobersyal si Krista noong 2009 nang ma-linked siya kay “Boxing Champ” at Senador Manny Pacquiao.
Larawan ay mula sa Google


Ang babae namang pumalit sa puwesto ni Krista ay walang iba kundi si Ciara Sotto. “Super crush” daw noon ni John Lloyd si Ciara. Masiyado raw itong nagustuhan ng aktor kaya pursigido raw siyang ligawan ang anak ni Senator Tito Sotto at Helen Gamboa. Hindi naging “public” ang relasyon nilang dalawa dahil ito raw ang mga panahon noon na kung saan ay kasisimula pa lamang ang tambalan nina Cruz at Bea Alonzo. 

Noong 2003 ay naging kontrobersiyal sila nang saktan umano ni Ciara ang kaniyang sarili nang magkaroon sila ng “temporary break-up” ng aktor. Ayon sa column ni Ricky Lo sa “The Philippine Star,” naparami raw ang sleeping pills na nainom ni Ciara matapos nitong mag-taping. Nakipaghiwalay raw si Ciara noong 2005 dahil sa “misbehavior” ni John Lloyd at napagod na rin daw siya sa kanilang relasyon. Ayon sa usap-usapan, ang “misbehaviors” daw ni Lloydy ay ang sobra-sobra niyang pag-inom at ayon pa raw sa iba, nagkaroon daw ng “affair” ang aktor sa isang aktres. Tumagal naman ng dalawang taon ang “on-and-off” relationship ng dalawa.
Larawan ay mula sa Google


Nabuo naman noong 2005 ang pagtitinginan nina John Lloyd at Heart Evangelista. Ngunit ayon daw sa aktor ay tinigil raw nilang dalawa ang pagdi-date sapagkat hindi pa raw handang muli si Lloydy na pumasok sa isang relasyon. 

Ayon pa sa kaniyang isang interview, nag-date raw sila ni Heart bago pa siya i-date ni Echo (o Jericho Rosales). Sa ngayon, kasal na si Heart sa pulitikong si Chiz Escudero.
Larawan ay mula sa Google


Isang “magical experience” naman raw ang naranasan ni John Lloyd sa pagkikita nila ni Liz Uy. Una raw nagkita ang dalawa sa Hong Kong International Airport. Muli silang nagkita sa isang sikat na club sa taguig bago sila pinakilala sa isa’t isa. Ayon kay Lloydy, late 2006 nang magsimula raw silang mag-date ng stylist na si Liz na noon ay Associate Fashion Editor ng “Preview.” Umabot naman ng tatlong taon at kalahati ang kanilang relasyon. Sabi ni Cruz, sa lahat daw ng naging ex niya ay si Liz ang may pinakamalaking impluwensiya sa kaniya. 

Para naman kay Liz, espesyal daw sa kaniya si John Lloyd at ito raw ang kaniyang “great love.” Ngunit dahil nga bata pa raw sila noon ay marami raw silang naging issue. Sinabi ito ni Uy sa “Cosmopolitan” Magazine noong November 2011. Matapos ang hiwalayan ay nanatili namang magkaibigan ang dalawa.
Larawan ay mula sa Google


“Timing” naman daw ang naging rason, ayon kay John Lloyd, kaya hindi niya niligawan noon ang “Pop Star” na si Sarah Geronimo. Sa presscon ng pelikula nilang “Finally Found Someone” noong 2017, nagsalita ang aktor tungkol sa “special connection” nila ng singer-actress sa una nilang pelikula na “A Very Special Love” na nasundan pa ng “You Changed My Life.” Ayon sa kaniya, hindi raw nila naging kaibigian ang “timing.” Inamin naman ni Sarah na matagal niya nang “crush” si Lloydy kahit pa noong una silang nagkasama sa isang episode ng MMK noong 2006. 

Binigyan daw noon ni John Lloyd ng singsing si Sarah subalit ibinalik daw ito ni “Pop Star.” Ayon naman sa interview niya noon sa “Gandang Gabi Vice (GGV),” ibinalik daw ito ni Geronimo dahil malaki at mukha raw mahal ang naturang singsing. Nanatiling magkaibigan ang dalawa at sa ngayon ay kasal na si Geronimo sa aktor na si Matteo Guidecilli.
Larawan ay mula sa Google


Nagsimula naman ang “secret romance” nina John Lloyd at Ruffa Mae Gutierrez noong March 2009 at natapos noong February 2010. Ito ay nabunyag nang mag-tell all interview si Ruffa sa talk show na “Paparazzi Showbiz Exposed.” Nag-meet daw noong 2008 ang dalawa sa set ng show na “I Love Betty La Fea.” Tinago raw nila ang kanilang relasyon dahil sa kanilang career. 

Naghiwalay raw ang dalawa dahil sa pambababae ni Lloydy at sa pag-inom nito. Ayon pa raw kay Ruffa ay sinabihan siya ni Lloydy na hindi siya magugustuhan kapag nakilala na ito – malakas daw kasi itong uminom. Noong una ay binalewala raw ito ni Ruffa hanggang sa nakaapekto na nga ito sa kanilang relasyon. Minsan daw kasi , kapag lumalabas silang dalawa ay bigla na lamang nakatutulog ang aktor at binubuhat daw palabas ng club si Lloydy, nahihiya raw rito si Ruffa. 

Nang nagkahiwalay ang dalawa ay tini-text pa rin siya ng aktor kahit na may bago na ito karelasyon; nais din daw makipagbalikan ng aktor subalit natatakot daw ito nab aka masira ang kaniyang showbiz career.
Larawan ay mula sa Google


Noong June 2010, sa programang “The Buzz,” kinumpirma ni John Lloyd ang relasyon nilang dalawa ni Shaina Magdayao. Ayon kay Magdayao, masaya raw siya na inamin ng aktor ang kanilang relasyon sa national television. 

Masarap daw kasama at kausap si Lloydy at hindi inaasahan ni Shaina na ang kanilang pagkakaibigan ay mauuwi sa pag-iibigan. Subalit naging kontrobersyal din ang relasyon nilang dalawa at naghiwalay noong 2012 nang hindi sinasabi ang dahilan ng hiwalayan.
Larawan ay mula sa Google


Naging magkarelasyon naman sina John Lloyd at Angelica Panganiban noong July 08, 2012. Ayon sa mga tsismis, naging mag-on ang dalawa habang si Shaina ang girlfriend ni Lloydy samantalang si Derek Ramsay naman ang boyfriend ni Angelica. Naging usap-usapan ang kanilang relasyon nang umuwi sina Lloydy at Angge mula Vietnam matapos ang taping nila sa pelikulang “24/7 In Love.” 

Noong una ay hindi inamin ng aktor ang kanilang relasyon ngunit kalaunan ay sinabi rin ito nang mag-guest siya sa “The Buzz” noong 2017. Noong 2015, sa guesting niya sa GGV ay sinabi ni Angge na baka siya raw ang dahilan ng hiwalayan nina John Lloyd at Shaina. Subalit naghiwalay sila noong 2016 at tulad ni Magdayao ay hindi rin sinabi ni Angge ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Larawan ay mula sa Google


Na-link din kay Lloydy ang aktres na si Maja Salvador. Nakunan kasi sila ng litrato na magkasamang nanood ng sine, at sa isang beach sa Davao kasama ang kanilang “Star Magic” handler. Pero d-in-eny ni Maja ang issue at sinabing naroon daw sila dahil sa trabaho.
Larawa ay mula sa Google

Pareho namang proud sina Lloydy at Bea Alonzo sa kanilang love team. Sa loob ng 15 years ay hindi raw sila p-in-ressure na maging “real-life lovers.” 

Ayon kay John Lloyd ay nag-click daw ang chemistry nila dahil sa kanilang platonic relationship. Na-link ang dalawa nang mag-break sina Bea at Zanjoe Marudo dahil kay John Lloyd daw naghanap ng comfort ang aktres. Pero itinanggi nilang dalawa ang isyung ito at sinabing magkaibigan lang talaga sila.
Larawan ay mula sa Google

Panghuli naman sa listahan si Ellen Adarna. Taong 2017 nang ma-link ang aktor sa aktres. Magkasama silang nag-a-out of town kasama ang kanilang mga kaibigan. 

Hindi rin nagtagal ay nalamang sila ay may relasyon. Namahinga sa showbiz si Lloydy at nanirahan kasama ni Ellen sa Cebu. July 2018 nang manganak umano si Ellen sa anak nila ni John Lloyd subalit ayon sa mga sabi-sabi, nagkaroon ng problema sa relasyon ang dalawa at may ilang nagsasabing hiwalay na raw sila.
Larawan ay mula sa Google



source:The Philippines Showbiz List

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Mga babaeng na-link at nakarelasyon ng nag-iisang John Lloyd Cruz!
Mga babaeng na-link at nakarelasyon ng nag-iisang John Lloyd Cruz!
Mga babaeng na-link at nakarelasyon ng nag-iisang John Lloyd Cruz!
https://1.bp.blogspot.com/-42Xtphk8g6A/Xqxu6MMN8YI/AAAAAAAAEJc/Xayfj12jpIEyYKR1QSLmwcUfeRmpi0T1QCEwYBhgL/s1600/maxresdefault.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-42Xtphk8g6A/Xqxu6MMN8YI/AAAAAAAAEJc/Xayfj12jpIEyYKR1QSLmwcUfeRmpi0T1QCEwYBhgL/s72-c/maxresdefault.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/mga-babaeng-na-link-at-nakarelasyon-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/mga-babaeng-na-link-at-nakarelasyon-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy