Mga violation ng ABS-CBN sa kanilang franchise, inisa-isa sa hearing ni Rep. Rodante Marcoleta

Source:  DZAR 1026 Kamakailan lamang ay dininig na sa Kamara ang kaso ng ABS-CBN. At dito ay inisa-isa ni Representative Rodante Marcoleta, ...

Source: DZAR 1026

Kamakailan lamang ay dininig na sa Kamara ang kaso ng ABS-CBN. At dito ay inisa-isa ni Representative Rodante Marcoleta, House Deputy Speaker, ang mga naging paglabag umano ng nasabing network.

Ayon kay Marcoleta, hindi raw nag-comply ang ABS-CBN sa batas, kaya hindi raw sila maaaring lumabas at magpalabas.

“Those opposing the franchise application of ABS-CBN will show, with clear and convincing evidence, that ABS-CBN did not comply with the terms and conditions of its franchise, as well as our laws, and the Constitution.”

Ang unang violation umano ng network ay ang pagkakaroon ng prangkisang higit sa 50 taon. Taong 1957 noong makuha ni Don Eugenio Lopez Sr., may-ari ng Chronicle Broadcasting Network (CBN), ang Alto Broadcasting System (ABS). Naging ABS-CBN daw ang tawag dito simula noong 1967, dahil sa merger ng ABS at CBN.

“Kung susumahin po nating ang prangkisa nito simula noong 1967 ay 53 taon na po itong gumagamit ng airwaves magpahanggang ngayon. 63 years naman po kung susumahin natin mula po sa pagkakakuha ng CBN sa ABS noong 1957. The committee on legislative franchises should not allow itself to be use by ABS-CBN to against recumbent the Constitution and violate the categorical 50-year limitation impose on franchises.”

Ipinasara naman noong Martial Law ang ABS-CBN simula noong Setyembre 23, 1972. Nagbukas din daw ito agad nang mabawi ito ng pamilya Lopez noong EDSA Revolution. Kahit pa nga raw ibawas ang kulang-kulang 13 taon na naipasara ito ay paso at tapos na ang prangkisa ng network.

Pero paano nga ba raw biglang nabawi ng mga Lopez ang ABS-CBN mula sa pag-aari ng gobyerno matapos maitalaga ang “Cory administration?” Sinulatan daw ni dating Senador Lorenzo TaƱada ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na isuli na sa mga Lopez ang ABS-CBN. Ito ay kahit na may arbitration pa umanong nagaganap sa pagitan ng pamahalaan at ng naturang network.

“Foreign ownership.” - Binalikan naman ni Marcoleta ang muling pagbubukas ng network noong 1986. Amerikano raw ang nag-may-ari at namahala sa ABS-CBN noong panahon na iyon, na mariing ipinagbabawal ng Saligang Batas.

“Congress should deny the franchise application of ABS-CBN for its violation of Constitution requiring 100% Filipino ownership and management of mass media companies.”

Dagdag pa ni Marcoleta, American citizen daw si Eugenio Lopez nang pamunuan niya ang network, taong 1986. Nito lamang taong 2000 nang siya’y magpetisyon ng Filipino citizenship, at ito’y na-aprubahan noong 2002.

Ayon pa kay Marcoleta, nilabag ng ABS-CBN ang karapatan ng kanilang mga manggagawa. Hindi raw natugunan ng network ang mga pangangailangan nila na naaayon sa batas. Isang halimbawa raw nito ay ang asuntong isinampa ng halos 100 manggagawa sa National Labor Relations Commission (NLRC), dahil umano sa pagtanggal sa kanila sa kadahilanang sila ay mga talents lamang at hindi regular na mga empleyado.

“Mali naman po yata na sabihin ng ABS-CBN na lampas sa 11,000 ang empleyado nito dahil kung ito po ay masusi nating iimbestigahan, may 2,661 lamang ang mga regular na empleyado nito.”

Hindi rin umano nagbabayad ng tax ang naturang network. Dahil dito, hinihinalang ang effective tax rate ng ABS-CBN noong 2018 ay nasa -5%. Ibig sabihin daw nito’y iniwasan ng network na magbayad ng tax. May tax credit raw ang ABS-CBN at ang gobyerno pa umano ang lumalabas na may utang dito.

May mga alegasyon din na ang Lingkod Kapamilya Foundation ay ginagamit ng ABS-CBN bilang tax shield. Hindi rin nila nagawang mag-file ng donor’s tax return at bayaran ang tax ng donor.

“Hindi po ba mas maganda at katanggap-tanggap na tumulong sa kapwa nang walang nalalabag na batas at buong sikap pang nasusunod ang prangkisa?”

Dagdag pa ni Marcoleta, naniniwala silang karapatan ng House of Representatives na i-deny sa pagkakataong ito ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa paglabag sa Konstitusyon at sa iba pang kaugnay na batas. 

Panoorin ang buong video dito.


Source: DZAR 1026

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Mga violation ng ABS-CBN sa kanilang franchise, inisa-isa sa hearing ni Rep. Rodante Marcoleta
Mga violation ng ABS-CBN sa kanilang franchise, inisa-isa sa hearing ni Rep. Rodante Marcoleta
https://1.bp.blogspot.com/-T4A9P1Uo6_Q/Xs7SiLnfxsI/AAAAAAAAHc0/7_6lha6L2mUOjj8pEQQFUVOV9HJ1iNASgCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-27T164954.571.png
https://1.bp.blogspot.com/-T4A9P1Uo6_Q/Xs7SiLnfxsI/AAAAAAAAHc0/7_6lha6L2mUOjj8pEQQFUVOV9HJ1iNASgCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-27T164954.571.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/mga-violation-ng-abs-cbn-sa-kanilang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/mga-violation-ng-abs-cbn-sa-kanilang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy