Dahil sa kabutihang loob ni Police Officer Jon Tibay Nacino isang hindi nagpakilalang donor ang nagbigay sa kanyang ng P100,000.
Kamakailan ay isang pulis ang nag-viral sa socail media dahil sa kanyang pagiging maawain at mabuting tao. Isang working student na food delivery rider ang kanyang sinita sa Maynila dahil sa paglabag sa batas trapiko, sa halip na tiketan niya ay binigyan niya ito ng $100.
Kwento ni Joshua Basa sakanyang facebook post, magdedeliver daw siya sa Sta, Mesa Manila ng mapadaan siya sa isang checkpoint sa Espana Boulevard. Habang nakapila, nakita raw niya ang isang rider na lumipat sa kabilang pila kaya naman sinundan niya ito pero pinahinto siya at pinag sabihan ng isang officer dahil sumisingit siya sa pila.
Nagpaliwanag si Joshua sa officer na hindi niya ito sinasadya pero sinabihan pa rin siya na ibigay ang kanyang lisensiya. Nakiusap pa rin siya sa pulis dahil isa siyang working student at tanging ang pag dedeliver ng pagkain para may pang-aral.
Habang siya ay nagpapaliwanag, hindi nito napigilang maiyak sa harap ng pulis. Laking gulat niya ng abutan siya ng $100 ng pulis at sabihing "oh eto, tulong ko sayo".
Dahil sa kabutihang loob ni Police Officer Jon Tibay Nacino isang hindi nagpakilalang donor ang nagbigay sa kanyang ng P100,000.
Ayon sa gmanetwork na ibinalita sa "GMA News"24 Oras" nitong Martes, ipinatawag ni Police Major Ronaldo Santiago, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), sa kaniyang opisina ang good samaritan cop na si Corporal Jonjon Nacino, para kunwaring pagpapaliwanagin sa isang reklamo laban sa kaniya."
"Nasa duty noon sa labas si Nacino kaya wala siyang kamalay-malay sa sorpresang nakahanda sa kaniya."
"Pagdating sa himpilan, tinanong ni Santiago si Nacino kung may naaalala itong nagawang pagkakamali sa trabaho habang iniaabot ang isang envelop na pinabubuksan sa kaniya."
"Nang makita ni Nacino ang laman ng envelop, nakita niya ang P100,000 na bigay ng isang hindi nagpakilalang donor."
Labis naman ang kasiyahang nadarama ni Nacino dahil malaking biyaya ang kanyang natanggap at tamang-tamang dahil may magagamit sila na pera sa panganganak ng kanyang misis.
Sabi nga nila kapag tumulong ka ng hindi naghahanap o naghihintay ng kapalit at bukal sa kalooban. Darating ang panahon na susuklian lahat ang ginagawa mong kabutihan.
Source: gmanetwork
COMMENTS